Chapter 7

94 5 0
                                    

Chapter 7
Starting point

Isang buwan. Isang buwang hindi nagpakita si Kaiden pero ramdam ko ang presensya niya. Isang buwan na ang nakalipas mula ang gabing iyon na nangyari sa tindahan. Isang buwan na rin simula nang makausap namin ang anak ng may ari nitong lupa.

"TALAGA? B-bibigyan niyo kami ng matutuluyan?"

Lahat kami ay tulala at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Mr. Fabian—ang anak ng may-ari ng lupa. Ang sabi nito ay hindi raw gagalawin ang tindahan namin sa may bukana pero kaming mga nasa loob na mismo ng lupa na gagawing hospital ay kailangan pa ring umalis pero ililipat kami. Hindi raw kami pinapalayas. Binigyan kami ng lupang matitirhan pero iyon ay sa likod na ng hospital na itatayo. Malayo-layo sa sentro at sa tindahan pero hindi naman ganoon kalayuan.

"Yes, Ms. Isla" panay ang tingin nito sa akin habang nagsasalita.

"Nako. Maraming maraming salamat po, Mr. Preston Fabian. Maraming maraming salamat po" Nanay couldn't express her gratitude to Mr. Fabian.

"Iyon nga lang ay ang titirhan ninyo ay itatayo kasabay ng hospital kaya kakailanganin niyo pa rin umalis pansamantala. So, Mr. Santander decided to lend you their apartments"

"Sa Blue homes? Iyon ang nabasa ko na isa sa mga apartments ng Santander Real Estate Group dito sa Albay! Hala, ang gaganda ng apartments nila! Naka aircon doon, ate Isla!" puno ng galak ang makikita sa mukha ni Kristine—isa sa kapitbahay kong teenager.

"Yes and each family will have their own apartments until the houses intended for you all are finished"

Nakita ko kung gaano nagdiwang ang mga kasama ko. Nakita ko ang saya sa mga labi nila. Gusto ko man maging masaya sa kanila ay binabagabag pa rin ako ng maraming isipin.

"Ang swerte natin! Hindi lahat ng taong pinapaalis ay nararanasan ito! Diyos ko! Salamat po!" ani Tatay Celo.

"Maari bang kausapin ko si Isla?" biglaaang singit ni Preston sa kasagsagan ng saya ng mga kabaro ko.

Napamulagat ako sa biglaang pagbanggit sa pangalan ko. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay agad nang nagsialisan ang mga kasamahan ko para bigyan kami ng pagkakataon na makapag usap ng mag isa.

"Ano iyon?"

"Have you ever contacted Kaiden?" matigas na tanong nito.

Nangunot ang noo ko. "H-Hindi"

He sighed. Binigyan niya ako ng calling card. "Call him"

Para akong tangang iniisip na hinihintay na dugtungan niya ng paliwanag ang sinabi niya. Mukha namang napansin niya iyon kaya ay ngumiwii ito at nagpaliwanag.

"Trust me. You need him"

"Paanong kailangan ko siya, Preston?"

"I think it's better for him to explain it to you. Nasa Manila ngayon si Kaiden dahil may urgent sa business ng pamilya nila but if you call him, alam kong uuwi iyon dito" he patted my shoulder. "Nice to meet you again, Isla. We met only once but I know you still remember me. Alis na ako. Please, call him"

Kilala ko si Preston. Preston Caleb Fabian. He's a friend of Kaiden. Pareho silang basagulero noon. The only difference is, Preston is doing the basagulero thing for living while Kaiden do it for fun. Sabi ko nga, pikunin at hambog talaga itong si Kaiden noon kaya ay madalas maraming nakakapikunan. Bago ko pa man siya makilala ay ganoon na rin talaga siya.

Ikalawang taon na kasi ako sa highschool nang makilala ko siya. Nasa ikaapat naman na taon na siya. Isa akong loner noon sa pinapasukan ko pero hindi ako tipikal na nerd. Wala lang talagang kumakaibigan sa akin. Kung manamit ako ay hindi iyong mahahabang palda at mahahabang pantaas. Hindi ako nagpapalda o shorts pero puro ako pedal at pantalon noon. Hindi ako iyong trendy style na babae noon pero hindi rin katulad sa mga nerds. Pantalon at tshirts lang. Hindi rin naghiheels dahil puro ako converse noon. Kabaliktaran ako ni Celeste. Puro ito skirts at girly ang gamit. Makinis ang mukha niya samantalang ako ay may iilan na bakas ng millia sa baba ng mata hanggang sa bridge ng ilong. Kita iyon kahit papaano dahil sa maputla ang kulay ko. Iyon ang naging isa sa insecurities ko. Mahilig ako magbasa noon sa internet ng kung ano ano kaya ay lumabo mata ko at nagsalamin. Hindi kasi ako marunong maglagay ng contacts kaya ay salamin ang pinili ko.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon