Chapter 13

74 3 0
                                    

Chapter 13
Preston


"Diyos ko, Isla. Kamuntik na akong atakehin nang malaman ko kung anong nangyare sa tindahan kahapon" palahaw ni Nanay nang makitang pumasok na ako. Kasalukuyan silang nakaupo ngayon sa sofa ni Rian habang si Casper naman ay nasa sahig habang naglalaro ng laruan nitong kotse-kotsehan.

"Mabuti at hindi kayo nasaktan, Isla. Napasugod agad ako nang malaman ko lalo pa't kakaalis din sa bahay ni Nanay. Eh ano nga bang nangyare, Isla? Hindi sa amin naikuwento ng maayos at basta nalang kaming binantayan ng mga tauhan nina Mr. Preston Fabian." segunda ni Rian. Napapailing naman na lumapit ako sa kanila at kinuwento kung ano ang nangayare.

"Nako! Buti nalang at nakaiwas kayo. Si Dave nga ay nagpupumilit na malaman kung maayos ba kayo noong nakasalubong ko siya"

"Maayos naman ba siya? Mabuti nga at nakaalis na rin siya nang mangyare iyon" Ngayon lang sa akin nag sink in na kasama pala namin si Dave noon at kalalabas niya rin noong maganap ang putukan. Sana naman ay maayos lang siya.

"Maayos siya, Isla. Halos sabay kami ng batang iyon na napayuko nang marinig iyong putukan. Sabay rin kaming dumiretso sa tindahan pero hindi na kami pinapasok" ani ni Nanay. Magsasalita palang sana ako nang may pumasok sa malaking pinto.

"Magandang araw sainyo. Ako ho si Minerva, ang katiwala nitong bahay na pinadala dito nina Sir Preston at Sir Kaiden para pagsilbihan ho kayo" bungad agad sa amin ng halos kaedadan ni Nanay.

"Nako, nakakahiya naman" ani ni Nanay. Nginitian lamang siya nito tsaka sinabing ayos lang at trabaho na rin niya iyon kaya ay wala na rin naman kaming nagawa.

HInayaan ko na muna sina Nanay na nagpumilit na tumulong kay Aling Minerva at si Rian na pinapatulog naman si Casper. Pumasok ulit ako sa kwarto at doon nag isip.

Bakit ganoon siya kung umakto? Bakit parang... nagbago yung ihip ng hangin? Bakit parang.. ang simpleng halik sa noo'ng iyon ang nagpapabalik sa noon?

Napahilamos ako ng mukha. Isla! Ano ba?! Naiinis na naman ako sa sarili ko. Napabuntung-hininga na lamang akong humilata at nakatulugan na naman ang pag iisip.

Kinaumagahan ay nadatnan ko sa baba si Preston. Nakangiti ito ng maliit habang kalong kalong nito si Casper na dumadaldal. Napakunot ang noo ko na inaaninag kung nasaan si Rian at si Nanay maging si aling Minerva.

"Tata Lala!" napabaling lamang ako nang marinig ang sigaw ni Casper. Nagmadali itong tumakbo palapit sa akin kaya ay minadali ko ang pagbaba.

"Nasaan ang mama mo at si Nanay?"

Imbes na si Casper ay si Preston ang sumagot.

"Casper's mom is taking a bath and his Nanay and Minerva is cooking"

Nangunot ang noong napatango na lamang sa kaniya. Casper held my hand as he guided me to the sofa. Hindi ko man lingunin ay alam kong nakasunod sa amin si Preston.

"K-Kung hindi mo sana mamamasain. Maaari ko bang malaman kung bakit ka naririto?"

Preston licked his lips before he smirked.

"This is my house, Isla. In case Kaiden didn't tell you"

Automatic na napaurong ako at nag init ang mukha. Shit. Nasabi nga pala ni Kaiden na kay Preston 'to.

"P-Pasensya na"

He smirked even more and nodded his head lightly. Hindi ko na siya pinansin pa at pinagtuunan si Casper ng pansin habang nagkukulay ito sa coloring book nito pero hindi ako nakatiis at muling sinulyapan si Preston. We are not close and we never had a chance before to be close kaya ay nagdudulot ng matinding kaba sa akin ang presensya niya lalo pa't ang aura niya talaga ay para bang madilim at puno ng misteryo. Hindi siya nalalayo kay Kaiden lalo na sa hulma ng katawan pero mas magaan ng konti si Kaiden kaysa sa kaniya.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon