Chapter 8

90 6 0
                                    

Chapter 8
Priority



Kasalukuyan kaming nag aayos sa pansamantala naming titirhan. Kahapon kasi ay pinaghakot na kami ng gamit para malipat na bago pa simulan ang konstraksyon ng itatayong hospital.

Maganda ang apartment na tinitirhan namin. Anim kaming napagkalooban ng apartment mula sa mga Santander. Hindi ko alam kung matatawag ba akong tanga o wala lang talagang pakialam dahil ni minsan hindi pumasok sa isip ko na posibleng magtayo ng negosyo sa lugar na ito ang mga Santander. Ni hindi pumasok sa isip ko na ang Blue Homes ay pag aari ng pamilya ni Kaiden. Nakalimutan ko na nasa linya pala ng trabaho nila ang linya ng mga bahay.

"Ang ganda talaga ng bahay Isla kahit medyo malayo layo tayo sa expressmar natin"

Agad akong napalingon kay Rian. Pababa ito ng hagdan habang hawak hawak si Casper sa kamay. Casper smiled at me as he ran whe he reached the last step. Nagpapabuhat kaya ay binuhat ko naman.

"Masaya ba ang baby ko sa bagong tutulugan niya?" I baby talked Casper. Nanggigil talaga ako sa chubby cheeks nito. Hindi siya ganoon katabaan pero siksik siya kaya ay medyo nabibigatan ako sa kaniya ngayong buhat buhat siya.

"Opo Tata Lala!" napangiti ako sa tawag nito. Tinatawag niya akong Lala dahil iyon ang tumatak sa kaniya sa pangalan ko.

"Baba ka na muna anak kay Tata Lala mo. Doon ka muna kay Nanay sa kwarto niya. May pag uusapan lang kami ni Tata mo"

"Okay!" sigaw nito bago tumatalbog talbog na tumakbo patungo sa unang kwarto dito sa apartment. Napailing nalang ako.

"Kamusta na, Isla?"

Napakunot ang noo ko sa tanong sa akin ni Rian matapos ako nitong daluhan sa pinto. Kasalukuyan kasi akong nakaamba sa pintuan habang pinagmamasdan ang maliwanag na kalangitan. Hawak hawak ko sa kabilang palad ko ang calling card na ibinigay sa akin ni Preston kamakailan lang.

"Makatanong ka naman parang hindi tayo nagkikita oras oras" patawa kong sabi dito bago ibinulsa ang hawak. Iniwan ko na rin ang pinto at nagpasyang magluto nalang ng tanghalian. Nakasunod lang sa akin si Rian papuntang lutuan.

"May iniisip ka na naman kasi eh. Halata sa iyo"

Nilingon ko siya. "Talaga? Ano palang iniisip ko?"

Umismid si Rian bago naupo sa silyang para sa counter. Sa harap noon ay ang hugasan kaya ay magkaharap na kami habang hinuhugasan ko ang isda na gagawing kong sinampulukan. Wala kasi akong pasok ngayon sa fast food dahil nagfile na naman ako ng emergency absent. Akala ko nga ay hindi ako pahihintulutan pero nagawan ng paraan ni Dave at siya ang rumelyebo muna sa akin. Babawi nalang talaga ako mamaya sa expressmart sa kaniya. Sinabihan ko naman na siya na dumaan siya doon para maituloy na namin iyong post celebration ng birthday niya kahit sobrang late na. Nakakahiya na kasi sa mga nagawa niya sa akin.

"Hindi na talaga siya bumalik, ano? Mag dadalawang buwan na"

Hindi ko siya pinagkaabalahang tiningnan. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Halos magdalawang buwan na ri n na hindi sa akin nagpapakita si Kaiden. Isang linggo na rin mula noong nakausap ko si Preston at sabihing tawagan ko si Kaiden—na hindi ko pa nagagawa sa ngayon. Hindi ko lang alam kung papaano at kung para saan.

"Eh 'di mabuti nga iyon, Rian" simpleng sagot ko pero sa loob loob ay halos hindi ko na maramdaman na sinabi ko iyon.

"Talaga?" sa parteng ito na ako napalingon sa kausap. Nakataas ang kilay nito na para bang hindi ito sigurado. Na para bang may alam ito. Na para bang nababasa nito ang kung ano sa isip ko. Ngali-ngali tuloy na napaiwas ako ng tingin.

"Sige. Sinabi mo eh. Oh siya, ako na diyan. Nalalamog mo na ang isda" kinuha na nito sa akin ang kutsilyo bago kinausap ang mga isda na parang bata. "Kawawa naman kayo mga bibi—ay isda pala kayo at hindi ducks. Naol daks" napahalakhak pa ito pagkatapos na para bang ang talino niya sa biro niya na pang-tita.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon