Chapter 19

58 4 0
                                    

Chapter 19
Intention

"Ilang beses akong pabalik balik sa tindahan ninyo maging sa Blue Homes pero hindi ako pinapapasok. Doon ko rin nalaman sa mismong bantay sa tindahan ninyo na wala kayo sa bahay ninyo. I asked them but they didn't give me any details about you, Isla. Sobrang nag alala ako lalo pa't hindi pa ako nakakalayo sa tindahan nang mangyari iyong putukan" mahabang litanya ni Dave.

"But that doesn't answer my question, Mr. Whoever-You-Are" sabat naman ni Preston. Katabi nito si Rian sa pangdalawahang sofa habang kalong si Casper. Si Nanay ay nasa pang isahan na silya habang kaharap naman namin ni Kaiden sina Preston. Si Dave ay nakaupo rin sa pang isahang silya na kaharap ni Nanay. Si Aling Minerva ay napiling bigyan kami ng privacy at piniling magpatuloy sa panananim.

"Kapag day-off ko ay natambay ako sa may kainan malapit sa tindahan ninyo. Sarado iyong tindahan ninyo pero hindi iyon naging rason para hindi ako maghintay. Ilang day-off rin ang ginugol ko doon hanggang sa makita ko iyong kotse ni Kaiden kanina sa sentro. Alam kong kotse niya iyon kasi nakita ko na iyon noon na gamit niya kapag napunta siya sa tindahan. I followed him immediately until I reached this place" pagtatapos ni Dave sa kuwento.

Agad na dumiretso ang tingin ni Preston kay Kaiden na ngayon ay umiigting ang pangang nakatitig ng masama kay Dave. I know why Preston's eyeing madly at Kaiden; probably blaming Kaiden because someone out of his league know now his private haven but I am torned about Kaiden. I am not sure with his reason why he's mad.

"Stupid" mahinang sambit ni Preston kay Kaiden. Kaiden raised his middle finger on Preston before he asked the latter for a private talk. I sighed after they went out.

"Pasensya ka na, Dave ha? Nawala sa isip ko na kasama ka pala namin nang mangyari iyon" nahihiyang sabi ko matapos manahimik pagkaalis ni Preston at ni Kaiden. Talagang inuusog ako ng kahihiyan dahil hindi ko man lang naisip nang mga nakaraang araw na kasama namin siya noon at posibleng labis nga na nag alala.

Bumuntung-hininga ito. "I can finally sleep now. Sobra talaga akong nag alala lalo pa't hindi rin kita ma-contact"

Ramdam ko ang pag aalala talaga ni Dave. Hindi ko maikakailang natotonohan ko na nagsasabi siya ng totoo at naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong nasasaktan siya. Hindi ako ganoon katanga na malaman na nasasaktan siya dahil may Kaiden na umaaligid aligid na.

"Sa tingin ko ay nararapat lamang na iwan muna kayo para magkausap." singit ni Nanay. Totoo. Kailangan. I smiled at her. Sumunod rin si Rian na dala si Casper.

"Sa kwarto lang kami, Isla. Mag usap muna kayo ni Dave"

Nagpasalamat ako kay Rian at Nanay bago muling tiningnan si Dave.

"Kayo na?" mahina ngunit klaro sa pandinig ko ang unang sinambit ni Dave matapos ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Napatungo ako. I don't know what to say. Hindi ko alam ang tamang salita na sasabihin sa kaniya.

He smiled; a smile that doesn't reach his eyes.

"H-Hindi ko alam" honesto kong sabi habang nakayukong nilalaro ang mga daliri.

Dave sighed. "Siya ba iyong dahilan kung bakit hindi mo ako binibigyan ng chance?"

Nakagat ko ang labi ko habang tumatango. Sinasalakay ako ng konsensya kaya ay hindi ko siya magawang tingnan. He's too good to be true. Gwapo siya. Halos lahat nga ng ka-crewmate namin ay gusto siya. Lalaking lalaki at higit sa lahat ay mabait at responsable. Hindi ko lubos inakala na magugustuhan ako ng isang tao na katulad niya. Sobrang lapit na niya sa kasabihang perpekto pero sadyang tanga talaga ata ako at hindi ako nadala roon.

"I am sorry, Dave" I really am. Feeling ko ay kahit hindi malinaw ay alam kong kailangan kong humingi ng patawad sa kaniya.

"Don't be" napaangat ako ng tingin sa kaniya. He's smiling pero kilala ko siya. Nakilala ko na rin siya sa tagal na nagkatrabaho kami. Masiyahin siyang tao. Everyone on our workplace are fond with him not just because of his look but because of his attitude. He's so goofy and full of positivity but beyond that, he's like me too. Broken and still on the process of deconstruction.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon