Chapter 28

55 1 0
                                    


Chapter 28


Kinakabahan ako habang hinihintay namin ang pagdating ni Benedicto sa visitor area ng kulungan. Ako, si Kaiden at ang dalawang kapatid ko lang ang sumama sa akin papuntang Manila para bisitahin lang siya at sa isang bagay. Inabot muna kami ng isang linggo bago pumarito.

Pinaliwanag nila sa akin na sa tulong ni Blance maging ni Kaiden at Kuya ay nagawa nilang kunin ang kompanya ni Don Alfonso sa kamay ng mga Castillano at tuluyan pabagsakin ang sariling kompanya nito. Kasabay noon ang patong patong na kasong isinampa sa kaniya mula sa kampo namin at sa kampo ng mga Romualdez kaya ay hinatulan siya ng pang habambuhay na pagkakakulong. Sinabi rin nila sa akin na si Cristina Castillano ay isang taon nang namayapa. Cancer raw ang ikinamatay nito kaya ay mas lalong bumagsak ang kompanyang hawak ni Benedicto dahil hindi naman maipapagkait na si Cristina ang utak ng kompanya ng mga Castillano. Oo, sabihin na nating ama ko siya pero ayokong tawagin siyang tatay dahil isinusuka ko ang mga pinaggagawa niya dahil sa inggit at sa pera. Anak niya ako pero ni minsan ay hindi niya ako tinuring na anak. Mas marami pa siguro ang memorya ko na puro pasakit ang naranasan ko sa kaniya kaysa sa mga araw na naramdaman ko na anak niya ako—kung mayroon man.

Nagsitayuan ang mga lalakeng kasama ko nang pinasok si Benedicto. Nawala ang lakas ng loob ko nang makita ang kalagayan niya. Malayong malayo sa aura niya noon ang nakikita ko. Malayo sa three-piece suit na palaging suot niya noon ang kahel na kulay ng damit niya at sa likod ay may malaking itim na letrang P. Bukod doon ay may posas siya, malayo sa mamahaling mga relo na suot niya noon. His stubbles become beard. Namumuti na ang buhok niya at nangayayat ito. Parang hindi na siya ang Benedicto na nakilala't kinalakihan ko. I felt a lump on my throat kaya ay hindi ako agad nakapagsalita.

"What? Are you all here to laugh at my misery?" malamig na sambit nito habang tinitigan ako. Nangingilid ang mga luha ko sa nakikita ko.

"A-Are you sorry with all you have done?" I asked him. Hoping to hear that he regret all of it. Hoping that he's not that bad. Hoping that he'll answer me yes. Hoping that it would lessen the bags on our shoulders. Sabihin mo lang na oo, handa akong patawarin ka at tanggapin ulit na parte ng pagkatao ko.

He smirked. "Ano naman sa iyo kung oo o hindi?"

Imbes na dibdibin ang sinabi niya ay patuloy ako sa pagtanong. I decided to be a deaf for a while. Umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin ako na nagsisisi siya. "N-Ni minsan ba ay nagsisi ka sa mga ginawa mo? S-Sa akin?"


He looked at me. "Hindi"


Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. I nodded. Kinagat ko ang labi ko para iwasan ang sariling humagulgol bago ako nagtanong ulit.


"T-Totoo bang ikaw ang t-totoong... t-tatay ko?"

Nakita ko ang pagseryoso niya. "May magbabago ba kung sasabihin kong oo—"

"Stop with that and just answer me! Ikaw ba ang totoong ama ko?!" I shouted.

"Oo! Putangina! Oo, ako ang ama mo!" sigaw niya rin pabalik. Doon na ako humagulgol.

"Pero bakit ganoon mo ako kung itrato ? Parang hindi ako galing sa iyo. Parang isang malaking kasalanan na naging anak mo ako! Buong buhay ko noon, hinangad kong mapansin mo. Hinangad ko na sana maramdaman ko rin ang pinararamdam niyo kay Celeste. Hinangad ko na sana ay pinagmamalaki niyo rin ako" I felt Kaiden hands on my hands  beneath the table. Yes, I need it, Kai. I need it even though I am already on my breakdown.

I looked at him. He didn't flinch. He just stared at me as I cried in front of him.

"Ni minsan ay hindi mo ba ako hinanap sa loob ng walong taon na nawala ako na hindi tungkol sa pera? Ni minsan ba ay hinanap mo ako dahil anak mo ako?"


Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon