Chapter 5

103 8 0
                                    

Chapter 5
Forgiveness


"What the fuck are you telling me? Me? Living with you? Tanga ka ba?" Out of frustrations I said the F word on him. Limot na ba nito ang nakaraan o nagtatanga-tangahan lang ito? He acted like nothing happened between the two of us. He acted fine where I kept on crying every night, missing my child.

"Your mouth, woman. You know I hate bad mouth, nanghahalik ako bigla" He seems irritated with my sudden blunt yet it has this annoying grin. Asshole.

"My mouth, my choice of words" Nasusubok ang pasensya ko sa bwiset na ito. "At ano? Ako? Maninirahan saiyo? Hindi pa naman ako homeless para manirahan sa hindi ko bahay! I have my own house to stay with!"

"Bahay mo? Really? Last time I heard, the reason why you're here is to let us spare your neighbors land because you all have nowhere to go?" He even highlighted the word neighbors land.

Napairap ako. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko.

"Marami. Bakit? Ibibigay mo?" Napipikon ako sa ngisi nito. Ito. Ito ang Kaiden Santander na best friend ko. Ang Kaiden na walang ibang ginawa sa buong buhay ko kundi ang pikunin ako. Seriously? Why is he acting like this way, now?

"I'm not in the mood for some play time. Tell me now the things I can do for you to spare our land"

He chuckled when he noticed I'm already pissed off. Tawang tawa pa ang hinayupak eh halos diinan ko na ang kamay ko sa sofa niya para pigilin na sapakin siya.

Ilang minuto akong naghintay na sabihin niya ang dapat niyang sasabihin pero hindi. Matapos ako tawanan ay seryoso niya lang akong tinitigan na para bang puno siya ng katanungan at sasabihin. Hindi ko makaya ang titig niya kaya ay tumayo na ako.

"Nakikiusap ako para sa pamilya ko. Hayaan niyo sana kami sa lupa. Hayaan niyo sana kami at habambuhay namin itong ipagpapasalamat." I got my bag on the table. "Nakikiusap kami. Salamat"

I begged not for myself. I begged for my family.

Sandali kong hinintay ulit na magsalita siya pero parang wala naman kaya ay tumalikod na ako. Maabot ko na sana ang pinto nang magsalita ito sa likod ko.

"Forgive me, Isla. Forgive me"

Natigilan ako pero hindi ko magawang lumingon. Aminin ko man o hindi, nanghina ako sa sinabi niya. Noon ko pa ito hinangad na marinig sa kaniya at sa pamilya ko. Hiniling ko na noon na humingi sila ng patawad at babalik ako sa kanila pero wala naman na nangyaring paghingi ng tawad kaya hindi na ako nag expect na hihingi pa sila.

"I missed you. I missed you, so bad" Dagdag pa nito. The tone of his voice is like he's in pain. As if he's the most vulnerable among us.

Huli na, Kaiden. Walong taon na ang lumipas para sa paghingi mo ng tawad. Wala na akong maibibigay pa na pagkakataon. Naubos niyo na ang dating Isla kaya hindi na hahayaan pa ng bagong Isla na ubusin niyo ulit ako. Wala na.

Hindi man lumingon o nagreact ay tuluyan ko na nilisan ang tinutuluyan ni Kaiden. Sa elevator ay doon bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinapakawalan.

Ako nalang ba talaga ang naiwan sa nakaraan? Bakit ganoon siya? Bakit kung umakto siya ay parang walang sakitan na naganap noon? Bakit parang ako nalang ang nasasaktan? Anraming tanong, ni isang sagot. Bakit? Bakit pa nila ako hahanapin matapos ang lahat? Ayokong magtanim ng galit sa kanila kaya ay sa loob ng ilang taon ay nanahimik ako. Bakit ako ayaw nilang patahimikin?

Sa biyahe pauwi ay tulala ako. Hindi ko rin nagawang magtagal pang makisalamuha sa mga kabaro ko na naghihintay sa labas ng expressmart sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung pumayag ba si Kaiden na manatili kami rito o hindi. Hindi ko alam.

Hindi nag usisa ang pamilyang Evidente—ang pamilya ko. Pagdating ko ay hinayaan nila ako manatili sa kwarto. Masyadong kinuha ng pag uusap na iyon yung lakas ko na hindi ko na alam ay nakatulugan ko na naman ang pag iisip.

Ngayon ko lang nalaman na malaking tulong ang pagtulog sa mga taong isip ng isip. Noon ay hindi ko alam ang importansya nito. Anya ay hindi makakatulong ito sa akin dahil sasayangin ko lang ang oras na maaari ko pang itrabaho. Ngayon ay hindi ko alam pero nagdulot ito sa akin ng isang pakiramdam na hindi ko mapangalanan. Ang alam ko lang ay para bang binigyan ako ng bagong pag asa. Ewan ba. Epekto lang ata ito ng kumpletong walong oras na pagtulog.

Pasalamat ako dahil hindi ako ginising nina Nanay. Hindi na ako nagtaka nang lumabas ako at nakapantulog na si Casper. Si Nanay naman ay naghahanda ng pagkain na ihahatid kay Rian.

"Oh. Mabuti at gising ka na. Halika, initin ko muna iyong pagkain."

"Sige po." I smiled at Casper. Sandali akong nakipaglaro bago dumiretso kay Nanay.

"Ako na ho maghahatid kay Rian. Maliligo lang po tas papalitan ko na siya" Mahinahon kong sabi. Liningon naman ako nito at tinitigan ako.

"Kaya mo ba?"

I smiled. "Kaya po. Walong oras din ako nakatulog kaya yakang yaka!" I even put energy on the last two words.

"Sigurado ka ah?"

Nangiti na lang ako at inakap siya.

"Salamat sa lahat, Nanay ah. Salamat dahil iniintindi ninyo ako at naging pamilya ko kayo"

"Asus 'tong batang 'to. Ano ka ba! Syempre naman. Pamilya tayo lahat dito eh"

Bitbit ang bag ng pagkain ni Rian ay dumiretso na ako sa shop. Ayon na naman iyong gulat sa mukha nito nang pumasok ako.

"Okay lang naman na di ka magbantay ngayon" Sinalubong ako nito. Inumang ko iyong pagkain niya at tumingin sa relo. Alas syete y media na pala.

"Sus. Ano? Buong araw ka dito? Nakakapagod kaya 'yon" natatawa kong sabi bago pinaupo siya. Dumiretso ako counter at inasikaso iyong bagong pasok na customer.

"Kung iniisip mo na hindi ako maayos, okay ako Rian. Nakatulog ako ng walong oras kaya pwedeng pwede ako magbantay" I told her as soon as the customer left.

"Sigurado ka ah?"

"Mag ina talaga kayo ni Nanay" sabay tawa ko. "Okay ako uy. Bukas, promise magkukwento ako sainyo"

"Sabi mo iyan ah?"

"Oo nga" natatawa pa akong pumasok sa storage area namin para kumuha ng bagong stock. Paubos na ang nasa chichirya kaya ay pupunuin ko iyon.

Bitbit ang dalawang box ay lumabas ako. Natatakpan ng dalawang magkapatong na box ang mukha ko kaya ay hininaan ko ang lakad ko habang nakatingin sa maliit na siwang sa paanan ko. Natigil ako nang may makitang isang pares ng paa ang nasa harapan ko kasabay noon ang pagkuha sa hawak ko.

"Oh? Dave? Anong ginagawa mo dito?"

Ibinaba ni Dave ang dala kong boxes sa itinuro ni Rian samantalang nakatayo lang ako habang pinanonood sila. As soon as Dave finished putting the boxes, he looked at me with wide smile. Nakamaong itong pantalon at gray na loose shirt.

"Nagpunta kami dito nina Abby dito noong birthday ko pero sarado. Sabi mo pa naman dito kami magpababa ng alak"

Doon ko palang naisip na nangako pala ako pero iyon yung araw na nakita ko iyong bulaklak na galing kay Kaiden. Nahihiyang tumingin ako sa kaniya.

"Hala. Pasensya na, Dave. M-May nangyari kasi noon eh"

He smiled again. "Okay lang. Di naman ako nagtampo pero maniningil lang"

"Ha?" Wala naman akong utang dito ah?

"Since di ka nakasama noong birthday ko kahit gusto kita kasama, naisip ko na samahan nalang kita ngayon. Sasamahan kitang magtinda ngayon. Iyon yung sisingilin ko saiyo"

Nanlaki ang mata ko. "Hanggang umaga ako, Dave. Itulog mo nalang. May trabaho pa naman tayo bukas diba?"

"Pero ganoon rin naman gagawin mo kaya sasamahan kita. Please?"

"K-Kasi ano eh—"

"Promise, di ako mangungulit. Tutulungan lang ki—"

Dave was cut by the sudden voice from my back.

"The lady says no, dude. Respect her choice"

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon