Chapter 24

45 1 0
                                    

Chapter 24
Choose



"Kung ako sa iyo, Miss Valedictorian. Sasama ka na lang sa amin ng matiwasay o kung hindi ay uulan ng bala dito at sisiguraduhin kong tatama lahat iyon dito sa dalawa"

Gusto kong magwala. Hindi ito ang kilala kong Blance. Oo, posibleng hindi kami ganoon kaclose at isang beses lamang kami nagkausap ay alam kong hindi siya hahantong sa ganito. Isa siyang respetadong tao noon. Bakit? Puno ako ng katanungan na hindi ko magawang sumagot sa kaniya.

"She will not come with you!" sigaw ni Kaiden.

"Oh really? Kaya niya ba? Kung mismong ang tinatrato niyang pamilya niya ay nasa amin?" ngumisi ito ulit kasabay nang pagdating ng isang tao nila na may bitbit na siyang mas nagpahina sa akin at maging sa nasa kaliwa ko.

"C-Casper" naiiyak kong sabi. Kasunod noon ay ang pagdating ng mga kasamahan pa nito na hawak sina Nanay, Rian at Minerva. They are all crying kahit na may mga busal sila.

"PUTANGINA NINYO!" kuya Preston is really mad. Naiiyak na nanghihina ako. W-Wala sa plano ito.

"TAMA NA! SASAMA NA AKO! SASAMA NA AKO! PAKAWALAN NIYO SILA! SASAMA NA AKO!" palahaw ko. Pilit akong umaalis sa yakap ni Kaiden habang si kuya Preston naman ay mas nanggigil sa hawak nitong baril. Saglit ko lang siyang natapunan ng paningin pero batid kong nangingilid ang mga luha nitong papalit palit ang tingin kay Casper at kay Rian. This is hard for him. Really hard.

"B-Bitawan mo ako, K-Kaiden. S-Sasama na ako"

Wala sa plano na idamay sina Rian. Ang plano ay papalabasing hindi agad agad ako sasama sa kanila pero hindi ganito. Nagkamali ako. Nagkamali ang kalkulasyon ko. A-Akala ko hindi sila madadamay. Akala namin hindi sila madadamay pero nakuha pa rin nila sila.

"Simple lang naman. Si Miss Valedictorian or the Evidentes"


Nanggigil na tiningnan ko si Blance. Why are you like this? Anong kinalaman mo sa kanila?

"Sasama na ako! Pakawalan mo sila!" iyak ko. Kaiden is whispering me some comforts but I'm too numb. Nadadamay ang isang simpleng pamilya dahil sa akin. Ayoko na. Ayoko na.

"Then come here, Miss Valedictorian" ngumisi na naman ito. "Ang kaso ay hindi ka binibitawan" he acted like he's thinking. "What if papiliin ko ang kuya mo?" he laughed; an evil laugh. Hayop siya! Hayop siya!

Lumapit si Blance sa pamilya ko. Ipinasok nila ang pamilya ko sa kotse nila at pinaandar iyon palayo sa amin. May inuwestra ito sa mga tauhan at lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Hayop ka! Hayop ka!" halos sabay sabay naming tatlong sabi nang makita kung ano iyon. Mas lalo akong pumalahaw dahil granada ang iniligay nila roon. Rian cried harder as she tried reaching Casper who's crying on the corner. Putangina. 

"What? Sasama na raw eh pero ayaw pa ninyo ibigay" he laughed. "Choose now before I click this"

Agad na agad kong nilingon sina kuya Preston. Nanghina ako sa luha sa mga mata niya. He's in between. Maayos usapan namin kanina pero umabot na sa ganito. Ilang beses akong tumango sa kaniya bago tumingin kay Kaiden. He's clenching his jaw at alam kong aayaw na naman siya kaya ako na mismo ang nagtanggal sa mga kamay niya na nasa siko ko. I need to be with them. Kung kanina ay gusto kong sumama sa kanila para sa paghihiganti; ngayon ay sasama ako para iligtas sila, para iligtas ang pamilyang tumuring sa akin na parte nila.

"K-Kung sasama ba ako ay h-hahayaan mo sila?"

"Of course. Anong mapapala ko sa kanila? They're just an excess baggage. A free loader. The only want I need is you. Ikaw lang, Miss Valedictorian"

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon