Chapter 11
TanginaAlas dos na ng hapon nang bumaba ako. Nakayapak lang ako dahil hindi ko mahanap kung saan nakalagay iyong suot kong step in kanina bago pa mapunta dito sa kung saan man itong lugar na pinagdalhan sa akin ni Kaiden.
Dahan dahan akong bumaba; nag iingat na baka may sumulpot kapag nag ingay ako.
Ang totoo ay hindi pa rin sa akin malinaw ang lahat na kahit maayos naman iyong pagkakasabi sa akin ni Kaiden ay hindi pa rin iyon lubos na pumapasok sa utak ko—o baka sadyang ayaw lang tanggapin ng utak ko. Ayaw tanggapin na umabot na sa ganitong punto ang kasakiman ng pamilya ko.Aminado ako na kahit galit ako sa kanila ay hindi ko maipagkakailang may malaking pumunyal sa dibdib ko nang marinig iyon. Hindi ko maiwasang masaktan dahil kahit gaano man kalaki ang galit ko sa kanila, hindi pa rin maipagkakailang pamilya ko pa rin sila. Dugo't laman nila ako pero paanong kung tratuhin nila ako ay parang sampid lang ako sa kanila? Na para bang isang malaking kasalanan na ipinanganak ako. Oo, naroon na sa puntong dahil sa akin ay hindi na sila makapag-anak pa pero hindi ko naman iyon siguro kasalanan. Kontrolado ko ba ang obaryo ng ina ko? Ang similya ng ama ko? Sobrang laking kasalanan ba na ipinanganak ako para tratuhin nila ako ng ganito? Kung oo, sana pala ay hindi na nila ako binuhay noong mga panahon na nag aagaw buhay ang ina ko dahil sa panganganak. Para man lang isang beses lang sana ako namatay na wala man lang naramdaman kaysa ngayon na ilang beses akong nasasaktan na animo'y pinapatay.
Pigil ang luhang dumiretso ako sa kusina. Palinga linga pa ako sa paligid at ni isa ay wala akong matanaw na tao. Glass ang paligid ng two storey house na ito. Kita mo na sa loob na malawak ang lupang kinatitirikan nitong bahay. Puno rin ng kulay berde ang paligid at ni isang bahay ay wala akong mahagilap.
Lumapit ako sa likod ng mga sofa sa sala. Ang gutom na naramdaman ko kanina ay nawala dahil sa nakita. Sa labas ng bahay ay kitang kita mo ang mga nakapalibot na coy pond. Pansin na pansin ang mga isdang malalayang nakakalangoy sa kung saan nila gustuhin. Hindi pa man ako nakakalabas ay alam kong palibot ang bahay na ito ng coy pond. Pinagsawa ko ang tingin sa labas sa pamamagitan ng pag tanaw mula sa loob bago dumiretso sa kusina. Alas dos na pala pero hindi pa ako kumakain. Akmang papasok palang ako sa entrada ng kusina ay bumukas ang pinto kaya't napalingon ako.
"Bakit ka nakayapak?"
Napairap ako. "Saan mo ba nilagay step-in ko? Wala sa kwartong iyon"
Nangunot ang noo nito bago ako nilagpasan at nanguna na sa kusina. Napairap akong sumunod sa kaniya na ngayon ay nagsasalin na ng tubig upang inumin.
"Hanggang kailan 'to, Kaiden?"
Tiningnan niya ako habang umiinom. Nakasuot pa rin ito ng suot niya kaninang nagpaalam na lalabas siya.
"Have you eaten? I can't see any changes on the things here"
Napairap ako. Ewan ba dahil kapag kausap ko itong si Kaiden ay hindi ko maiwasang mapairap ng paulit ulit. Likas talaga ang pagkamatandain nito.
"Hindi. Wala tsinelas ko"
Nangunot ang noo nito at natatawang sumandal sa island counter.
"Ano naman kinalaman noon sa pagluto? I know you're good at cooking so why didn't you eat?"
"Tsinelas ko kasi ang magluluto ng pagkain ko. Sobrang talented iyon na kaya din non maghugas ng pinggan" sarkastiko kong sabi na ikinatawa naman nito. Uulitin ko, napairap na naman ako.
"Have a seat. I'll cook for you, señorita"
"Nasaan nga kasi tsinelas ko?"
Hindi niya ako pinansin at dumiretso na siya sa refrigerator—at dahil kaharap ko iyon ay kita kong punong puno iyon ng stocks.
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...