Chapter 25Halfway to the truth
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Agad agad akong bumalikwas ng bangon at agad na nakita si Blance na nasa harap ko. Startled with what I saw, I shrugged him away as I undo my seatbelt. I hate his eyes. It makes me confused.
"Nasaan tayo?" malamig na tanong ko.
"You don't need to know" balik lamig rin nitong sagot bago bumaba. Bumaba na rin ako at agad kong nakita ang isang two-storey house. Naghahalo sa kulay itim, abo at ginto ang kulay nito. Nilibot ko ang paligid at nakita kong puno iyon ng mga nakaitim na lalaki. Bukod doon ay malawak rin ito at di hamak na mas malawak sa tinirhan namin nina Nanay ng isang buwan. I sighed. Kung anong dami ng bantay sa bahay ni kuya Preston ay triple ata dito. Paano ako nito makakatakas? Damn this. Isip, Isla. Isip ng maigi.
"Let's get in before the rain pours"
I looked at the sky as I smiled bitterly. Ubos na ubos na ako kaya ang langit na rin siguro ang iiyak para sa akin. Help me, Kaiden. Save me.
I was about to asked where are we again on Blance when a shrieked from a child echoed the room. Nangunot ang noo ko.
"Tatay!"
Nangunot ang noo ko lalo. Who the heck is that tatay? Before I could ask, my eyes got bigger as my jaw dropped. What the hell?
"Baby Tanya! Be careful, sweetie!"
And there. Nakatayo lamang ako habang windang na pinapanood ang paglapit ng bata at ni Blance. Blance kneeled down as he showered the child with kissess over her face.
"Nako ka Tanya! Aatakihin ako sa iyong bata ka! Nalingat lang ako oh nagtatakbo ka na mula sa kwarto mo—ay hala! Diba ikaw iyong crew noon sa fast food na pinagkainan namin netong si Tanya? Hala! Oo! Ikaw iyon! Sigurado ako kahit mata mo lang ang nakita ko noon!"
Nanlaki ang mga mata ko. Anong kinalaman ni Blance dito sa batang ito? Bakit niya pa ako papakasalan kung may sarili na siyang pamilya? Ano na naman ito? Why would he waste his time on me?
"Oh? You met her already Yaya Ning?" Blance looked at me with his curious look.
"Oo, Sir! Isa siyang crew ng fast food chain na kinainan natin mga magdadalawang buwan na rin ang nakalipas"
Blance nodded. "Okay. Pumasok na tayo bago pa umulan at mabasa tayo"
Agad na kumapit sa mga braso ko ang Yaya Ning na tinutukoy ni Blance habang panay ang pagsabi nito na maganda raw ako. Panay naman ang lingon ko sa paligid. Saan kaya ako pwede rito dumaan para tumakas?
"Who is she, Tatay?"
And there. Anak nga ito ni Blance. How noob I was not to see that they have the similarities in terms of the eyes and the nose. Parehas rin ang hulma ng mukha nito. Damn. I was so stupid.
"Just a friend of Tatay, sweetie" Blance kissed the cheeks of Tanya before he let this Yaya Ning get his child.
"Bakit kailangan mo pa akong pakasalan kung may pamilya ka na?" I asked him. I want to clap my hands for saying it loud and clear.
"Hindi at wala akong balak na pakasalan ka" umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Potangina? Akmang magtatanong na naman ako nang unahan na niya ako. "I only did this to save the people I treasure"
Anong save? Pota? Ano na naman ito? Why is everything so hard to understand lately?
"Stop playing around. Stop joking! Ano ito?! Hayop ka! Pinili ko ikaw dahil sa pamilya ko! Kahit masakit ay iniwan ko ang taong mahal ko tapos ano ito? Laro ba ito? Anong save? Why is everyone telling me that word? I don't need saving! Quit playing!" lahat ng frustrations ko ay ibinubuhos ko na. Litong lito na ako. Litong lito na ako sa nangyayari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...