Chapter 20

58 3 0
                                    


Chapter 20
Isla Avrielle Castillano

I don't know what happened with Dave. Hindi pa ako binabalitaan ni Kaiden dahil simula nang kunin ni Preston si Dave at ilagay sa kustodiya niya ay hindi pa sila umuuwi dito. Kaiden told me he'll be out for a day with Preston. Sigurado ako na may kinalaman ito kay Dave.

"Nahihirapan ako intindihin ang lahat, anak" napalingon ako sa may ari ng boses na narinig ko. Kasalukuyang nasa teresa ako ng kwartong tinutuluyan ko.

"'Nay" hindi ko alam ang sasabihin. Alam kong sa nangyayari ay talagang malilito sila. I didn't tell them anything about me. Iyon ang isa sa rason kung bakit nahihiya ako sa kanila ni Rian. They showed me what is the meaning and feeling of having a family yet in the end, I dragged them into this mess; not to mention that they didn't even know who's the real me. God. Nakakahiya na nakakatakot. I don't want to lose this family but I still don't have the courage to tell them everything. Hindi pa ako ganoon ka handa na balikan ang nakaraan na hindi nasasaktan. Oo, posibleng sinara ko na ang pagkakataon ko na isipin at balikan ang mga alaala ko noon kay Kaiden pero hindi ang sa pamilya ko—ang sa mga Castillanos. Remembering what I've been through in their hands will make me feel again the depression I'd already fought.

"Ayoko sanang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan, anak. Simula noong unang pag apak mo kasama si Georgia ay ni minsan hindi kami nagtanong. Wala sa ugali namin ang magtanong dahil ganoon na lamang kami kaniwala na may kanya kanyang pagkakataon na kailangan pribado at hindi maaring ikwento sa iba at nararamdaman namin ni Rian na isa ka sa mga taong maraming nangyari pero mananatiling tikom ang bibig"

Hindi ko talaga maatim na titigan siya kaya't pinili kong yumuko na lamang kasabay ng tahimik na pagluha.

"Nasasaktan ako, Isla. Nasasaktan ako. Sa totoo lang. Ni minsan hindi kami nagtanong pero walang araw na hindi ko hiniling na sana ay dumating ang araw na tuluyan mo na kaming pagkatiwalaan"

Agad akong napalingon kay Nanay. Like me, she's shredding tears too.

"N-Nay. H-Hindi po ganoon iyon"

She stared at me. "Patawarin mo ako, anak pero kailangan ko ito itanong sa iyo"

Ginagap niya ang kamay ko. "S-Sino ka ba talaga, Isla? Totoo bang Isla ang pangalan mo? Patawarin mo ako kung nakakaramdam ako ng pagdududa pero sa nangyayari. Nararamdaman kong hindi ka lang basta bastang tao"

"Sana ngayon ay sagutin mo ang tanong namin, Isla" Napalingon ako kay Rian na nasa hamba ng pintuan. Nakagat ko ang labi ko.

"N-Nahihirapan po kasi akong sabihin ang n-nakaraan, 'Nay. H-Hindi ko naman ho binalak na i-itago po sa inyo iyon kaso n-natatakot po ako"

Lumapit sa akin si Rian at hinawakan rin ang isa kong kamay. Iginiya niya ako sa loob ng kwarto at pinaupo sa kama. Si Nanay ay agad na umupo sa tabi ko—habang hawak pa rin ako sa kamay. Parehas nilang hawak ako na animo'y isang senyales na maniwala ako sa kanila.

"Isla. Para na kitang kapatid. Alam mo iyan. Para ka na ring anak ni Nanay kaya sana ay pagkatiwalaan mo kami. Hindi naman kami magtatanong sana kaso ay sa nangyayari, para kaming tanga na hindi alam ang gagawin at kung paano ka matutulungan. Maniwala ka sa amin, Isla" Rian persuaded me.

"Naniniwala ako sa inyo. God knows how badly I wanted to tell you kaso pinangungunahan ako ng takot. H-Hindi ko rin alam kung saan magsisimula"

"Kung tatanungin kita, magsasabi ka ba? Sasagutin mo ba ako, anak?" nilingon ko si Nanay. She's giving me an assurance that she will understand me. Bumuntung-hininga ako bago tumango. They should know. Kakayanin ko.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon