Chapter 29
Bundle of JoyPinapapak ko ang isang pack ng raisins habang nanonood kay Kuya na hindi maipinta ang mukha. Nasa bahay ako ngayon ni Kuya Preston—sa lugar na itinago nila ako—at nakahilata lang ako sa sofa habang pinanonood sila ni Casper na nagpipilitan.
"C'mon buddy, papatayin ako ng nanay mo kung abutan ka niyang hindi pa naliligo!"
But of course, being Casper, he let his tounge out to annoy more Kuya before he ran to Tanya who automatically hugged him. Nasa gilid nila ang aso ni Casper na nakikijoin sa yakapan ng dalawa.
"Umagang umaga, ang pangit mo. Anong problema?" Blance laughed with Kuya's face before he went on me and kissed my head. I smiled at him as I eat a tablespoon of raisins.
"My son is so hard headed. Papatayin ako ni Rian kung aabutan niyang dugyot ang anak namin" Kuya snorted before running again to please Casper. Napailing nalang ako. May araw talaga kasing hirap pasunurin si Casper at malas lang na wala si Rian. Taob kasi si Casper kay Rian—bagay na hindi kay Kuya dahil sinanay niya na sinusunod niya ito.
"I wished him good luck. Parehong utak pa naman mayroon ang magkapatid na iyon. Buti na lang at napaliguan ko na ang anak namin ni Georgia" naupo ito sa tabi ko. Kinuha nito ang throw pillow at nilapag sa hita niya bago doon pinatong ang paa ko. He's really sweet—I mean, both of my brothers are sweet but Blance is the one who's showy. Si Kuya kasi ay hindi showy pero dama mo rin naman. I guess, parte ng rough childhood niya na hindi siya palaging showy ng emotions niya pero kapag naman pinaramdam niya ay talagang matutunaw ang puso mo sa kaniya.
"Nasaan pala si Georgia? Hindi niyo ata kasama ni Tanya? Tsaka wala rin si Rian at Nanay nang gumising ako" We both watched Tanya and Casper plays Tonton with the ball. Nakahiga ang dalawa sa carpeted na sahig kaya ay hinayaan naman na namin lalo pa't naroroon pa rin si Kuya na patuloy pa rin sa pagpilit kay Casper. Napailing ako.
"She went out with Rian. Sasamahan ko sana pero madali lang daw sila. Si Nanay ay pumunta sa expressmart. Gusto niya raw magbantay"
I smiled. Nabalik na iyong expressmart namin pero hindi tulad noon, kumuha na kami ng bantay sa tindahan pero madalas pa rin talaga doon si Nanay. Tapos na rin kasi iyong mga bahay na pinagawa ni Kuya noon at nagbalik na doon ang ibang kapitbahay namin kaya ay nawiwili si Nanay sa kwentuhan. Hinayaan na lang namin basta ba't may huwag siyang papagabi dahil malayo layo itong uuwian niya.
"Anyways, how's with you and Kaiden? Tumawag sa akin iyong hayop na iyon para tanungin ng tungkol kay Celestina kahapon. Alam mo ba iyon? Baka niloloko ka ng hayop na iyon, Isla at babariilin ko talaga siya"
I laughed. Kaninang umaga kasi ay ginising ko siya para pahanapin si Celeste. Mga alas sais palang ata iyon ng umaga kaya ay nakabusangot iyong bumangon.
"I asked him to do that" I said with my mouth full of raisins. Ngumiwi ito sa akin at pabirong tinampal ang bibig ko.
"Why?"
"I am worried"
"You don't hate her?"
I shook my head. "I can't feel any hatred towards her. She did nothing to me—well, as horrible as her parents?—wala talaga but other than that, puro lang siya salita pero alam mo iyon? Iyong salita na hindi naman sobrang sakit kasi puro katotohanan iyon? Kung mayroon man siyang ginawa sa akin na ikakasama ng loob ko, pakiramdam ko ay mapapatawad ko pa rin siya. You see, for those years I spent with them, she's the only one who didn't let me feel I am an outsider. Narealized ko na upon those years, she tried her best to enclosed me with her parents. Ramdam ko iyon, Blance. Kung may nagawa man siyang mali, I have a feeling na may rason siya kung bakit niya iyon nagawa kaya ay nag aalala ako sa kaniya ngayon"
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...