Chapter 17

54 2 0
                                    



Chapter 17

Pretend



Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumunta dito sa bahay ang pamilya ni Kaiden at isang linggo na rin ang nakalipas mula ng may mangyari sa amin. Ngayon ay ang araw na magaganap ang Senior Night namin. Kahapon kasi ay ang naganap naman ang Junior and Senior Night Prom. Kasali pa rin doon ang mga seniors kaya ay halos dalawang beses ang pagpaparty pero hindi ako sumali sa JS prom at kung hindi lang may incentives at obligado ay hindi ako sasali ngayon pero nagdadalawang isip pa rin ako. Ano naman ba ang gagawin ko doon? I have no friends and I bet no one will accompany me there because they knew me as narcissist. Nakakahiya man sabihin, dahil sa pag iwas ko sa mga tao dahil na rin sa sabi sa akin ng pamilya ko ay nabansagan akong narcissist ng school. They believed that ayaw ko ng kaibigan dahil iniisip ko na gagayahan ako pag magtitest or wala akong ibang pakialam kundi ay ang grades ko or what so on. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na ang tingin nila sa akin ay kamag anak lamang nina Celeste at hindi mismong kapatid. Cliché man pero ay nabubully rin ako pero hindi ganoon kalala. Mostly ay puro lamang salita.

However, I was pushed to join the party. Hays.
My dress and my make up are sponsored by ate Celeste. Hindi ko rin alam kung paano. I didn't tell them I need clothes for our night because I am planning to ditch the Senior party. Nagulat na lamang ako nang pumasok si ate Celeste sa kwarto ko kanina at pinagalitan ako dahil hindi pa raw ako naliligo. Nagulat ako roon at sinabing hindi sasali pero pinagsasalitaan niya akong ang arte ko raw at pinaalala ulit sa akin na may incentives iyon.

"Mukhang grade ka diba? So paano ka magkakauno kung hindi ka sasali? Duh"

Wala na rin naman na akong nagawa noong itinulak na niya ako papasok sa banyo ko.

"Walang pakialam si Mommy sa iyo but she knows you are obliged to attend that party so you don't need to act like Cinderella na uuwi pagsapit ng twelve am. Tss. Kahit nga huwag ka na umuwi ay okay lang" pinalabas ko na lang sa kabilang tainga ang mga sinabi niya. Ayokong umiyak muna. Mamaya na lang ako magbibreakdown.

Lalong wala na akong nagawa nang buksan niya ang shower.

"Pero wala akong damit"

Nakita ko ang pag irap niya. "I'll let you borrow mine. Ako rin pipili. For once, maging maganda ka man lang. Ako rin magmimake up sa iyo para maging maganda ka talaga. Hindi ka naman kapangitan at hindi rin kasing-ganda ko kaya ay makakaya naman sa make up so get your ass up on my room after 30 minutes. My god. You really are a turtle!"

Napabuntung-hininga ako habang nagsimula na lamang maligo. Kinakabahan ako para mamaya. Hindi ko alam kung anong pakiramdam at gagawin dahil never naman ako nakaranas ng party. Kinakabahan ako at excited rin dahil base sa nabasa ko ay masaya daw iyon.

Suot ang silk robe ko ay dumiretso ako sa kwarto ni ate Celeste. Kumatok pa muna ako bago binuksan iyon. Nagsusumigaw na kulay pastel pink at puti ang kwarto ni ate Celeste. Ang kwarto ko kasi ay kulay puti at beige, iyon nga lang ay mas malaki ang kwarto niya. Wala naman sa akin iyon dahil hindi tulad ni ate Celeste ay hindi marami ang gamit sa kwarto ko.

"I heard that it's formal so I chose this!"

Isang black mermaid gown iyon na eleganteng tingnan. Abot talampakan iyon. Hindi ko pa man naisusuot ay alam kong hapit iyon sa katawan ko. Ang taas nito ay puno ng diamond sequins at mas lalo akong napalunok nang makitang sweetheart type ang neckline nito—not to mention na ang backless iyon at tanging ang kakarampot na tela lamang sa may leeg ang magsisilbing dugtong para hindi iyon maalis sa katawan. Bukod doon ay mababa rin ang neckline nito.

"H-Hindi ko ata kakayanin iyan, ate"

I saw how her eyes rolled. Hindi ko talaga kaya.

"Pwes kayanin mo. Don't be such a manang! For once man lang, you got to experience being me—being beautiful"

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon