Chapter 12

73 5 0
                                    

Chapter 12
I promise you




Hinayaan kong bumuhos ang tubig sa katawan ko mula sa shower. Hindi ko matanto kung paanong nagkaganito. Puno ako ng hinanakit kay Kaiden pero hindi ko maitatangging kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin at sa pagbanggit ng nakaraan kanina. Aminado ako. Hindi ako hipokrito para sabihing hindi ako naaapektuhan ng presensya niya. Ang katotohanang nasa isang bubong lamang kami at kahit sabihin niya mang may mga kasama kami na kahit wala naman akong makita ay nagpapakaba sa akin at malala pa ay nagdudulot pa ito ng sangkaterbang paru-paro sa tiyan ko.

Tinapos ko na ang paliligo at agad na naghanap ng tuwalya pero doon ko na napagtanto na wala nga pala akong damit at gamit dito. Tangina. Dumiretso ako sa banyo matapos ang pag uusap namin na hindi man lang tiningnan kung may masusuot ba ako pakatapos. Ang bobo, Isla. Ang bobo.

"Paano na ako nito? Dito na lang ako magdamag?" naiinis na sambit ko. Ni hindi ako makagalaw dahil naasiwa ako sa itsura ko. Tangina talaga times wantawsan. Nagmistula pa akong bold star sa banyo dahil nakikita ko sa marble at salamin sa loob ng banyo ang reflection ko. Hindi kalinawan pero kita mo ang hulma ng katawan. Tangina ulit!

Nasa anyong nag iisip ako nang makita kong animo'y may nagbubukas ng door knob. Pumintig ang puso ko at binundol ako ng kaba pero nawala lang iyon nang marinig ang boses niya.

"Isla? It's almost one hour. Are you okay there?"

Napaikot na naman ang mga mata ko.

"H-Huwag kang papasok?" sigaw ko habang naghahanap ng maitatapi sa katawan na sa kasamaang palad ay wala. Lintek na buhay 'to! Sa kamalas-malasan oo!

"Are you okay there?"

"B-bigyan mo ako ng damit!" halos pikit matang sabi ko. Wala na akong magagawa kundi iyon. Kung hindi ba naman kasi tanga 'tong kidnap-taong 'to at hindi man lang naisip ang damit ko oo. Bwiset.

Narinig ko ang halakhak sa labas kaya ay napatitig ako ng masama sa pinto na animo'y naroroon siya. Ang isipin palang na nasa labas siya at heto't hubad ako ay para na akong sinisilaban sa mukha gawa ng hiya at kung ano pa.

"Open the door. I have your clothes and towel" pansin ko ang panunukso sa boses nito.

"Tanga ka ba?!" hindi ko na naiwasang sumigaw. "Sinong tangang magbubukas ng pinto gayong hubad ito?! Ilapag mo nalang diyan sa sahig at kukunin ko!"

"But the floor's dirty"

"Mas dirty kung papasok ka" bulong ko tsaka pasimpleng lumapit sa pinto. "Bubuksan ko ng konti ang pinto at iabot mo sa akin"

Agad akong pumunta sa gilid at dahan dahang binuksan ang pinto. Hindi ko sinilip ang ulo ko at inilabas ko na lang ang kanang kamay ko.

"Akin na"

Agad niya naman itong binigay sa akin. Walang salitang isasara ko na sana ang pinto nang matigil ito dahil hinarang niya ang kamay niya. Hindi iyon bumukas ng sobra pero lumakas ang tibok ng puso ko roon. Anong balak niya?

"A-Ano?" mahinang sambit ko.

"I-I can still s-see your r-reflection. Y-you're still sexy"

Agad akong napalingon sa marble na tiles at nagulat pa ako nang makita ang reflection niyang titig na titig sa reflection ko. Dahil doon ay naisara ko nang malakas ang pinto.

"Gago! Gagong manyak!"

Napuno ng halakhak ang pandinig ko. Punyeta. Itong kinaiinisan ko eh. Napapamura ako nang napapamura dahil sa kaniya. Hindi ako ganto sa iba pero kusang nalabas ang mga mura at inis ko kapag kaharap siya. My god!

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon