Chapter 2
DaisyHindi ako pumasok sa trabaho o kahit sa expressmart ngayong araw. Buong araw akong hindi lumabas at nagkulong sa kwarto. Natatakot akong lumabas. Natatakot akong umapak sa labas ng pinto ng bahay namin. Natatakot ako na baka ay pagbukas ko ng pinto ay ang pigura ni Kai ang mahahagilap ko.
Nanay and Rian doesn't ask but I knew they sensed it already. They knew what role of Kaiden Santander is to me based on how I acted. I mean, hindi naman over reacting ang asta ko pero sa walong taon na magkakasama kami ay siguradong alam nila kung may bumabagabag ba sa akin o wala.
Kagabi ay hindi ko na nasagot pa kung itutuloy ko ba ang sinabi kong kakausapin ko ang kung sino man ang magmamay-ari ng lupa. Bago iyon ay buo pa ang loob ko sa gagawin ngunit nang malamang si Kai Santander iyon ay nabahag ako. Nawala ang lakas na loob sa puso ko na gawin iyon."Isla, anak?"
Napalingon ako nang sumilip sa pinto si Nanay. May dala pa itong baso ng tubig. Umayos ako ng upo sa papag ko at inanyayahan siya papasok. Inumang nito sa akin ang baso habang naupo sa tabi ko.
"Sinabihan ako ni Casper na dalhan ka ng tubig dahil inisip niya na baka raw ay nauuhaw ka na. Nag aalala sa iyo ang bata, anak. Hindi ka lumabas para sa agahan, tanghalian at ngayon ay sa merienda. Hindi ka ba nauuhaw o nagugutom?" nangiti ako nang maramdaman ko ang pag aalala sa tono nito.
"Hindi naman po, Nay. May biscuit naman po dito"
She smiled at me as she looked at me like she's examining me and digging my deepest part. Parang inaalam nito kung ano ang sinasabi ng puso ko. Nangiti na lang ako sa kaniya.
"Okay lang ako Nanay" I assured her.
"Huwag mo sanang mamasain ako, Isla pero may tanong ako. Maaaring hindi mo sagutin, maaring pwede mo naman sagutin sa kung ano lang ang kaya mo"
Tumango ako sa kaniya. Nakita ko ang pagbuntung-hininga nito bago nagpatuloy.
"May kinalaman ba itong Mr. Santander saiyo? Hindi ko alam kung ikaw ba ang hinahanap nila dahil bukod sa pangalan mo ay wala kaming alam kung Castillano ka ba o hindi pero kanina ay hindi namin ni Rian napigilan na tanungin si Georga. Wala siyang sinabi sa amin at sinabing ikaw ang tanungin pero malakas ang pakiramdam ko na ikaw nga yung hinahanap niya"
Napabuntung-hininga ako. Nakakahiya at sobrang nakakaguilty na umabot ng walong taon na hinayaan ko silang huwag ako usisain. Alam kong sa mga taon na iyon ay ilang beses rin silang umasa na magsasabi ako pero nanatili akong tikom.
"Sorry po Nanay kung hindi ko nagawang magsabi noon"
"Naiintindihan naman kita hija. Ang magsabi ng malupit na karanasan ay animo'y isang paraan ng pagtikis sa sarili. Karapatan mong isarili iyon kung sa tingin mo ay mas ikabubuti mo iyon pero sana kahit ito man lang ay masagot mo para alam namin kung ano ang gagawin sa Mr. Santander at sa lupa na ito"
I bit my lip as I nodded at her. Nasilayan ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito at ang pag alala. Marahil ay naalala niya ang mga araw na unang dumating ako sa kanila.
Mahina at tila walang buhay ang dumating sa harap nila kasama ang anak nitong nakasuot pa ng puting uniporme ng isang pang-nurse. Walang dalang gamit maliban sa damit na suot nito at sakit sa dibdib sa dinanas nito ang dala. Halos hindi ako makausap nila noon dahil sa noon palang rin pumasok sa utak ko na nawalan ako ng anak.
Akala ko yung masasakit na salita mula kay Kaiden, ang mga hindi pantay na pagtrato mula sa magulang at ang kaalamang hindi ako nagawang mahalin ni Kaiden ang mas masakit na nangyari sa buhay ko pero kumpara pala sa mawalan ng anak ay wala iyong binatbat sa sakit. Para akong pinatay nang huli ko na malamang buntis ako. Huli na nang malaman kong may isang tao na pala akong dinadala sa loob ko. Hindi ko man lang naramdaman na isa na pala akong ina. Hindi ko man lang nalaman na nabuntis na pala ako ni Kaiden. Nagpabaya ako. Wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili. Isa akong inang walang puso para hayaang mamatay ang isang anak na hindi ko man lang nasilayan at nayakap.
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...