Chapter 14

61 3 0
                                    


Chapter 14
Lost and Home


Padarag na tumakbo ako palabas ng pintuan. Rinig ko pa ang paghabol ng tawag ni Kaiden sa pangalan ko bago ko naisara ang pinto. Hawak hawak ang puso ay napasandal ako sa pintong nilabasan.

"You shouldn't let him know, Isla. He should not know that you're still into him" naiiyak ako. Bakit? Bakit naririto na naman ako? Animo'y nasa panahong nagkakasakitan pa rin kami? Bakit kapag nararamdaman kong siya pa rin ay kusang pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari noon at siyang pumapalit sa sayang nararamdaman ko? Walong taon na. Walong taon na, Isla pero bakit siya pa rin? Walong taon na pero hindi pa rin ako nakakaalis sa bangungot ng nakaraan. Distance doesn't really helped me got through him. Mahirap kalimutan ang pagkawala ng anak ko at hinding hindi ko iyon kakalimutan. Ayaw kong kalimutan ang anak ko pero ayoko naman na habam-buhay na lang akong ganito.

"Sometimes, distance doesn't really mean feelings will fade. Somehow, distance do really makes the feeling grow fonder than what it is"

Agad akong napalingon sa nagsalita. Preston was leaning on the door next to his office. Naka-jogger pants itong kulay abo habang naka itim na tshirt. Agad na napapunas ako ng mga luha sa mukha ko. Nahihiya ako sa tingin na pinapakita niya.

"P-Pasensya na. Hindi ko ata napatay iyong laptop mo"

Imbes na magsalita ay mas tinitigan niya ako. Napapalunok na lamang akong naglipat ng tingin—hindi ko matanggap ang mga tingin niya na para bang ang lalim ng iniisip niya.

"Ah mauna na ako" tatalikuran ko na sana siya nang magsalita ito.

"Kaiden may have done the worst thing on you before but it doesn't mean that he is the only worst person on your circle. He may be the person you loathed before or even now for putting you in a situation you didn't deserve but let me tell you, he suffered too"

Nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"One of my men was his investigator on searching you. He searched everything about you and when he found something—well not all but at least the 80% of you, he will tell me first before it went to Kaiden" kumabog dibdib ko. Shit. Please..

He sighed as he stand up straight. "Yes, I know what you suffered for the past eight years"

Napalunok ako. Kasabay nang pagkagat ko sa labi ko ang pagtulo ng mga luha ko kaya ay agad niya akong dinala pabalik sa kwartong pinanggalingan ko. Wala na si Kaiden sa screen.

"I am sorry for your lost. I am sorry that you happened to deal it all by yourself" sinsero niyang sabi.

I cried. I cried silently. Vivid image of the blood on my hands as I screamed myself out for help lingers my mind right now. Yung pamimilipit, yung patuloy na pagtulo ng dugo at yung pagkasambit ko sa pangalan ni Kaiden bago ako mawalan ng malay ay nanumbalik. Kinokonsensya ako. Kinokonsensya ako na dahil sa kapabayaan ko ay nawala ang anak ko. Kung naging maingat sana ako at hindi isinawalang bahala ang mga senyales noon ay sana masaya ako at may kakampi ngayon. Pabaya ako. Naging pabaya ako.

"Kaiden didn't know about it. I didn't tell him"

"H-Hindi niya alam?"

He nodded. "Hindi ko ugaling pangunahan ang tao. It wasn't my story to begin with and I believe I should put myself away from it. It just that one day, Kaiden asked for my help to find you since he cannot do it by himself because he was being watched by your family"

Doon pa lamang ako napahinga ng maayos. Ayoko. Ayokong malaman ni Kaiden. Maaaring mas lalong magalit siya sa akin. Maaaring saktan niya ulit ako. I don't want to be in that situation again. Never. Never again. Hindi man ako sigurado na matatanggap niya ako ay alam kong malapit ang loob niya sa mga bata at nahihiya ako na nawala ang magiging anak niya sana dahil sa kapabayaan ko.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon