Chapter 22
Laurel Joharra Fabian"Could you please stop on displaying your affection towards each other? Naiirita ako" I couldn't stop myself from laughing because Preston finally spoke up his thoughts on us. Paano ba naman kasi si Kaiden. He's so clingy that he let me sit on his lap. Nasa opisina kasi kami ni Preston dahil may pag uusapan kami tungkol kay Dave.
"You're just jealous, fucker" nakangisi naman na ani ni Kaiden na mas lalong hinigpitan ang kapit sa baywang ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Preston pero hindi ko naman magawang umalis sa mga hita ni Kaiden. Damn. I'm so whipped.
"Fuck you, dickhead" sabay irap ni Preston bago ito nagseryoso. "So I was saying, Dave is now in the hands of the police. Sinampahan na natin siya ng kaso. As of now, posibleng alam na ng mga Romualdez kung nasaan siya at posibleng papyansahan siya. Mababaw lang ang kaso kaya ay kaya nilang mailabas ang gagong iyon"
"He should rot there" malamig na sagot ni Kaiden.
"As much as I want to but they can still free him. Tsaka na tayo gagalaw kapag gumalaw na ang pamilya ni Isla. I know that they already knew that you're here with Isla kaya pinahigpitan ko na ang paligid. I doubled the guards. Hindi tayo makakaalis dahil bantay sarado na nila ang mga daanan. Damn their minds. Sumakto pa sa Sarung Banggi festival. Ginamit nila iyon para kausapin ang Mayor na sila na ang bahala sa seguridad ng lugar but don't worry. I have my plan B if things got worse"
"P-Pasensya na if nadamay kayo sa gulo ng pamilya ko" nahihiya ako lalo na nang titigan ako ni Preston. Mukha itong may sasabihin pero bumuntung-hininga na lamang ito.
"Don't be sorry, Isla. I would really protect you at talagang dadamay at dadamay ako sa gulo ng pamilya mo para lang maisalba ka" Kaiden lovingly told me. Umani naman iyon ng mura mula kay Preston.
"If my hunch is true, I would really die for your safety, Isla" sambit ni Preston. Nangunot ang noo ko sinabi nito. Ano daw? Nilingon ko si Kaiden pero nakatitig ito kay Preston.
"Kailan ang dating noon, Preston?"
"Any moment from now. And if that shows 100 percent, ready yourself asshole because I will really beat you to death" malamig na sagot ni Preston kay Kaiden na napangiwi na lamang.
Hindi ko sila naiintindihan kaya ay pinili ko na lamang na lumabas dahil mukhang may pag uusapan pa sila. Pinili ko na puntahan si Casper at Rian sa kwarto nila. Nadatnan ko si Rian na binibihisan ang bata.
"Tata Lala!" I smiled as Casper went on me and hugged my legs. Yumukod naman ako para makarga siya.
"Ang bigat na ng baby ko ha?" nakangiting sabi ko.
"Paano ba naman bibigat eh panay kain. Idagdag mo pa na spoiled na spoiled kay Preston" hindi nakalagpas sa pandinig ko ang paghina ng boses ni Rian sa huling sentence nito. Gusto ko magtanong pero pinili kong manahimik na lang.
"Pasensya na kayo ha kung nadadamay kayo. Dapat ay nag eenjoy kayo ngayon sa plaza para sa selebrasyon ng Sarung Banggi. Mabenta sana tayo kung hindi ito nangyari. Pasensya na"
"Ano ka ba naman, Isla. Pamilya tayo diba? Syempre hindi naman kami matatahimik kung hahayaan ka namin" she smiled when she saw Casper kissing my cheeks. Nagpapansin iyon sa akin.
"Bakit po, baby?" I asked this young boy. He smiled that makes my heart melt.
"Baba. Laro ako kasama Tonton po" I laughed as I let him. Napailing na lang kami ni Rian.
"Comfortable na comfortable ang anak mo rito, Rian" puna ko habang palabas kami ng kwarto nila.
"Sinabi mo pa. Nakakatakot nga kasi kapag bumalik na sa dati ang lahat ay paniguradong maninibago na naman siya"
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...