Chapter 3

108 7 1
                                    

Chapter 3
A.K.S


Kanina pa ako nakatulala sa bulaklak na nasa harap ko. Ang mga kasama ko kanina ay pararehas na tulog ngayon sa labas ng tindahan. Kanina pa ito dito na bulaklak pero ni isang segundo ay hindi ko iyon nahawakan pa. Nanatili iyon sa kung paano ito nilapag ng may dala.

Daisy... means purity and innocence. I used to love daisy because of its meaning. Noon ay isa ako sa mga taong naniniwala na ang lahat ay pawang magaganda ang dala saiyo. I used to believe that everyone has the purity when meeting you-that evil comes when you did something bad with them. I was so naive with everything before that everytime I think of it now, I always end up regretting the trust I gave on everyone. Gawa na rin siguro na hindi ako ganoon kaexpose sa mga tao at kung ano nalang ang mababasa ko ang paniniwalaan ko ang may dahilan noon. Kulang ako sa exposure. Parehas lang kami ni Celeste ng school pero ni minsan hindi kami nagpapansinan na para bang hindi kami magkapatid. Celeste is wild on her teenage years. Panay ang gala at uuwi ng umaga. She has a huge set of friends that's why she kept me too on the dark and never tried to invite me on her chilling. Sa aming dalawa ay siya ang panganay. Isang taon lang ang agwat namin. Sabik sa lalakeng anak ang mga magulang ko noon kaya ay sumubok agad sila. Iyon nga lang ay pagkdismaya lang ang naramdaman nila dahil babae pa rin ang lumabas. Isang anak na babae at lalake lang ang gusto nila. Mula noong lumabas ako ay hindi na sila pa sumubok-not that my mother would still can produce an offspring. May pinutol na parte sa kaniya nang isilang ako. Naging komplikado kasi ang panganganak niya sa akin noon kaya ganoon ang kadismaya nila na hindi na nga makakapag anak ay babae pa ang sumunod kay Celeste. I used to believe that my parents still love me despite of it. I used to believe that they just want me pure and innocent that's why they didn't want me to be like Celeste. Iyon ang bumilog sa isipan ko at ang rason bakit nagustuhan ko ang bulalak na daisy.

But now.. daisy's meanings are different.

Daisy is intended for a mother based on the old Celtic legend. A mother who lost a child on its birth. It has two reason why people tend to give flowers to a mother; to congratulate for giving birth to a baby and to cheer up the grieving mother.

Among the two, I don't know what will I think of this. Sinipat ko ito. Walang note or kahit ano na makikitaan man lang sana ng lead kung sino ang nagbigay. Hindi rin ito prank at wala naman na hidden harmful objects.

Nagawa kong ipadescribe kay Lauren ang nakita. It was easy because Lauren is into sketching kaya madali kong natukoy kung sino iyon. The guy wore a black valenciaga shirt, bleach jeans and a suede gucci shoes. Lauren also added that his built shows like an athletic person and it compliments his undercut hair and its beard. Gwapo raw ito pero napansin niya raw ang parang scar sa gilid ng kilay nitong makapal. He has a thin heart shaped lips and his nose is perfectly pointed. He's not as white as me and his skin type is like a typical moreno boy.

Isang tao ang pumasok sa isipan ko.

Kaiden.

Doon palang sa pilat sa may kilay ay alam kong siya na iyon. Kasama ako nang makuha niya ang pilat na iyon. I was almost raped when he came and saved me. Nakipagsuntukan siya at hindi inakalang may matalim na parte sa singsing ng kalaban niya. Takot na takot ako noon ng makitang nagdudugo na ang mukha niya. Agad naman siyang napagamot pero ang pilat sa kilay nito ay hindi na naalis pero mukhang immortal talaga ang kagandahan ng mukha nito dahil hindi naging pangit sa kaniya ang marka bagkus ay mas nakadagdag pa ito sa kakisigan nito.

Pero ano nga ba talaga ang kailangan niya sa akin?

"Sasama ka ba Isla mamaya?"

Kasalukuyan akong nag aayos ng itsura sa crew area ng fast food chain na pinapasukan ko. Alas nuebe y media na rin at pasarado na kami. Kanina ay narinig kong birthday ng isa sa kasamahan ko at nag ayang mag bar malapit sa amin at ngayon ay inaaya nila ako.

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon