Chapter 15
Owned|
🔞Lulugo-lugo akong naglalakad ngayon sa gilid ng soccer field papuntang building namin. Kakatapos lamang ng lunch time at doon ako kumain nang mag isa sa likod ng school. Hindi ako nakapunta sa apartment namin ni Kaiden. Ayokong pumunta doon habang magang maga ang mga mata ko. Nakatulugan ko na kasi ang pag iyak kagabi dahil nagalit na naman sa akin ang mga magulang ko. Sinabi ko kasi na plano ko maging teacher at education ang kukunin ko sa college pero pinagtawanan lamang nila ako at sinabing hindi raw nila ako pinapaaral para maging teacher lang. They want me to pursue business management pero wala ang loob ko doon. They even mocked me because of my dream—where for them is the worst dream of me. I was willing to fight for my dream job—proving them my dream is not just a job but I cannot talk back to them. I was taken a back with the respect. They're my parents so I should keep my point on me.
"Pero wala namang masama sa pagiging teacher ah? Isa pa nga sila sa rason kung bakit may mga businessman sa mundo" Nalulungkot kong sabi habang patuloy pa rin sa paglalakad ng mag isa. Nakatingin lang ko sa dinadaanan ko habang yakap yakap ang isang libro na hiniram ko sa library.
Paakyat na sana ako papuntang building namin nang magvibrate ang cellphone ko. Tumabi na lang ako sa daanan para sagutin ang tawag na iyon.
Nangunot ang noo ko. "Bakit siya tumatawag? Nasa kaniya naman yung susi ah?" patukoy ko kay Kaiden bago sagutin ang tawag. It is so unusual for him to call me unless tungkol sa susi. Pero wala ang susi ng apartment namin sa akin, nasa kaniya iyon.
"Where the hell are you?" malamig na tono nito.
"Nasa school"
"Wala na kayong pasok sa hapon diba? Why didn't you come here?" he sound like a mad man.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa pagkakalito. Ang alam ko kasi ay may pasok siya ngayon at hindi naman siya ganito noon kapag hindi nakakapunta ako sa apartment.
"H-Hindi ka pumasok?"
"Tss. Hindi. Dalian mo na. Pumunta ka na dito"
Napalingon ako sa paligid. Wala naman ng pasok dahil may biglaan na meeting ang mga teachers para sa magaganap sa senior's night namin. Ito na rin kasi ang huling taon ko sa highschool kaya ay nasabi ko na kina mommy na gusto ko sana maging guro kaso ayaw nila.
Napapabuntung-hininga akong umikot para pumunta na lamang ng apartment. Habang papunta roon ay binubundol ako ng kaba. Kaba dahil hindi ko alam kung paano siya sasalubungin ng hindi nahihiya. Nahihiya ako. Ngayon lang ulit bumalik sa akin ang nangyari tatlong linggo ang nakalipas. Naghalikan kami at hindi ako ganoon kainosente para malaman na hindi lang basta halikan lang iyon. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa dibdib ko kahit may suot pa rin akong T-shirt. Ramdam ko iyon at iyon ang isa sa dahilan kung bakit ako nahihiya.
Binubundol man ng kaba ay tuluyan ko nang binuksan ang pinto ng apartment namin. Napaawang ang bibig ko nang makita si Kaiden na umiinom ng tubig habang walang pang itaas na damit at tanging boxer short lang ang suot. Nakatalikod ito sa akin kaya ay nabigyan ko ng oras ang sarili ko na titigan siya at madaliang binawi iyon nang lumingon ito.
Mas lalong napaawang ako nang makita ang mukha niya. Oo sa mukha dahil hindi ko na hinayaan na tingnan pa ang babang parte niyang namumukol sa loob ng short niya.
"Nakipagbugbugan ka na naman?"
Inirapan lamang ako nito habang naupo sa sofa. Inubos nito ang iniinom bago ako sinagot—na malayo naman sa tanong ko.
"Umiyak ka?"
Agad na napa-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong magkuwento. Marami na akong nakuwento sa kaniya na kadramahan sa buhay ko at siguradong sawa na siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Laurel
General FictionStatus: Completed. Notice: This story contains mature contents, vulgar words, and is rated 18. If the three were not your forte, kindly leave this novel. Furthermore, the views and opinions of the characters does not reflect the writer's own perspec...