Chapter 10

90 4 0
                                    

Chapter 10
Danger

"Hindi pa ba talaga kayo uuwi?"

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko nang tinanong ang dalawa. They are really determined. Halos magliwanag ay naririto pa rin sila.

Sa ngayon ay kasalukuyang nakatutok si Kaiden sa laptop niya habang nakaupo sa upuang itinuro ko sa kaniya kanina. Hindi ko maitatanggi na ang mature niyang tingnan sa salaming suot niya habang nagbabasa ng kung ano sa trabaho niya.
Ilang beses ko siyang sinabihan na umuwi na at matulog dahil pagod siya sa biyahe at kailangan niya nang matulog pero siya talaga itong ayaw. Nakatulog naman siya sa upuan pero iyon nga lang ay maya't maya na nagigising gawa ng hindi ito kumportable. Samantalang si Dave ay naririto sa malapit sa akin habang naglalaro ng mobile legends sa cell phone nito. Nakaupo ito sa lapag kahit na ituro ko ang upuan. Mas kumportable raw siya sa sahig kaya ay hinayaan ko nalang.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Kaiden sa akin habang ang kamay ay nakadikit pa rin sa keyboard ng laptop niya. Tiningnan niya ako ng tinging napipikon na sa paulit ulit kong tanong.

"I told you already, I'll wait. We still need to talk right?"

Napairap ako sa sagot ni Kaiden. Nakokonsensya ako. Nakokonsensya ako sa kanila dahil masyado ko atang napuno ang kuryosidad ni Kaiden kaya ay nagawa niyang maghintay para sa tanong ko at hindi ko na naman nagawa iyong plano kong pagbayad sa utang ko kay Dave noong kaarawan niya. Pwede sana ngayon kaso ay dumating naman itong si Kaiden. Kay Kaiden naman ay gusto ko man sanang tanungin si Kai ay naririto naman si Dave. Don't get me wrong. Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang tao pero kasi pribado ang pag uusapan namin at ayokong malaman niya pa ang mga hindi niya naman dapat malaman.

Tiningnan ko ulit si Kaiden. Akmang magsasalita na ako nang biglang tumayo si Dave.

"Alis na ako, Isla"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit biglaang sinabi iyon ni Dave eh panay ang pag iling niya rin sa akin kanina noong pinauuwi ko na siya.

"Oh? Ahh.. " Hindi ko alam ang sasabihin.

He smiled and patted my head. Napabusangot ako at kalaunan ay napairap nang marinig ang matunog na pagtipa. Tsk. Isabay mo pa ang magaslaw na pag-galaw ng upuan. Ano na naman kayang problema nitong isang 'to?

"Sa susunod nalang, Isla. Magkikita naman tayo mamaya sa fast food eh" kita ko ang ngiti sa labi niya pero may kung ano akong naramdaman para sa ngiting iyon. Parang.. parang napipilitan lang siyang umuwi.

"S-Sigurado ka?"

Tumawa ito bago sinukbit ang maliit na bag na dala nito. Hindi ko pala iyon napansin kanina na nilagay niya sa mismong gilid ng mga istante. Sinukbit niya ito at muling tinaas ang kamay—ngayon nga lang ay sa pisngi na iyon dumiretso. Pinisil niya ng magaan ang pisngi ko at ayun may matunog na naman na bumuntunhininga sa gilid.

"Sigurado. Sige, una na ako ah? Ingat ka pauwi... sa kung saan ka uuwi kasama siya" ngumiti ulit siya bago kumaway at umalis. Natatangang tinitigan ko ang likod niyang naglalakad. Hindi sa akin nakakaligtas sa pandinig ang huling sinabi nito kahit na sobrang hina lang nito.

Shit ka Isla. Nakakasakit ka na ng tao.

"That kid likes you"

Automatic na napairap ako sa may ari ng boses na iyon. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang Kaiden na nakabukas na ang unang tatlong butones ng damit nito at wala nang salamin na suot. Nakasandal na ito sa upuan habang nakasara na ang laptop. He looked really tired kaya ay napatingin ako sa orasan. Alas singko kwarenta na pala ng umaga. Alam kong papunta na si Nanay kaya ay inasikaso ko na ang mga nasa counter na gamit ko. Paniguradong pagod na pagod na rin itong isang 'to. P

Chasing LaurelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon