Chapter 2: secretary

199 7 3
                                    


Aki Fricilia POV:

Maaga akong nagising at nagluto ng umagahan pagkatapos kumain na ako.

Ng matapos na akong kumain ay naligo na ako at nagbihis sinuot ko ang black na skirt at blouse na puti na pinarisan ng black v-neck longsleeve.

Agad Kong kinuha ang bag ko at nilock na ang apartment ko. Nagulat naman ako ng makitang may sasakyan sa harap ng apartment ko at may bumabang lalaki na familiar.

“ ms. Fricilia let's go kanina ka pa hinihintay ng CEO natin ” sabi niya. Ah naalala ko na siya yong manager ng companya.

Tumango naman ako at pumasok sa backseat ng kotse. Di narin masama ang maging secretary kung araw araw ganito abah! Libre nako sa pamasahe mabait din pala itong CEO namin.

Sinundo ba naman ako sa mismong apartment ko.

“ ms. Fricilia ang gagawin mo lang ay sundin lahat ng pinapagawa sayo ng CEO ” sabi nung manager.

“ yes po manager ” sabi ko .
“ tawagin mo nalang akong vino Simula ngayon ” sabi niya at agad akong tumango. Ang bait naman ng manager na to.

Nang makarating na kami ay medyo kinabahan naman ako. Pumasok na kami sa loob ng companya at sumakay na ng elevator.

“ mag-ingat ka ms. Fricilia ” sabi niya ni vino ng nasa loob kami ng elevator . lumakas naman ang kabog sa dibdib ko dahil sa sinabi niya .

Anong ibig niyang sabihing mag-ingat ako?kanino naman?

*ting*

Lumabas na kami ng elevator at tumungo sa isang office. Binuksan ni vino ang pinto at pumasok na ako . lumunok ako ng silang beses nang isarado na ni manager vino ang pinto at umalis na.

Sino ba namang Hindi kakabahan eh masyadong sarado ang office ng CEO nato baka may gawin siya sakin possible yon dahil walang makakakita sa labas.

Nakatalikod siya sakin pero agad naman siyang humarap. Kita ko ang masamang ngisi sa labi niya na ikinainis ko naman . tsk  ano kayang binabalak nito.

“ Welcome ms. Fricilia from now on you will do anything what I say ” nakangising sabi niya.

Ngumiti naman ako ng peke pero deep inside gusto ko ng upakan to. Porket gwapo lang siya tsaka mayaman .

“ what do you want me to do ” sabi ko sa kanya. Lumapit siya sakin kaya umatras ako hanggang sa maramdaman  ko nang nakadikit na ako sa pader.

Papalapit na siya ng papalapit hinarang niya ang mga braso niya para Hindi ako makatakas kaya kinabahan ako. Jusko wag naman sana .

Sa tuwing ngumingisi siya ay naiinis ako parang gusto Kong upakan ang gwapo niyang mukha. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na mabait siya at gwapo tsk bakulaw nato.

“ I want a coffee yung Hindi matamis , Hindi matapas  yung sakto lang ” utos niya sakin at lumayo na . huminga ako maluwag at dali-daling lumabas ng office niya.

Porke gwapo, mayaman tsaka sikat siya gaganyanin niya na ako! Nakakabwesit siya ah may araw ka din sakin bwesit ka . kahit na alam Kong perfect na siya maliban sa ugali niya.

Pagkatapos Kong magtimpla ng kape ay dinala ko na ito sa kanya at nilapag sa mesa niya.

Agad  niya itong ininom at tumingin sakin.
“ ang pangit ng lasa nawalan na ako ng ganang magkape  kakain nalang ako ng pasta ” sabi niya .

Arte naman nito sarap upakan.
“ ms. Secretary I want pasta from Italian restaurant bilis na nagugutom nako ! ” utos niya ulit kaya dali-dali ako sumakay ng elevator.

Pinapahirapan ba ako ng lalaking yon!? Pasta from Italian restaurant bwesit siya! Ang Arte eh ang layo layo kaya ng restaurant !

“ manong Italian restaurant po ” sabi ko sa taxi driver ng makapasok ako sa loob ng sasakyan.
“ okay ma'am ” pinaharurot na ni manong ang sasakyan patungo sa Italian restaurant at ako naman pinapakalma ang sarili ko.

Aga-aga Kong nababadtrip  ngayon tatanda yata ako ng maaga nito .
Pagkalipas ng 30 minutes ay nakarating na ako sa Italian restaurant dali-dali akong nagbayad at bumaba na sa taxi.

Agad akong nag order ng Italian pasta na take out .  ng makuha ko na ang take out ko ay nag-abang ulit ako ng taxi at sumakay pabalik sa companya. I swear! Kung wala lang talaga akong utang sa lalaking yon bubugbugin ko siya.

Naghintay na naman ako ng 30 minutes bago makabalik sa companya
Dali-dali na naman akong bumaba at tumakbo sa elevator. Pero minamalas kaba naman sira daw ang elevator kaya sa hagdan ako dumaan  . mabuti nalang naka flat shoes ako.

3rd floor palang ako pero hinihingal na ako pano ba naman kasi 15th floor yung opisina ng bakulaw na yon.
Tumakbo ako ulit at gulo-gulo na ang buhok ko at pagod na ako.

Nang makarating na ako sa 15th floor ay nanginginig ang mga tuhod ko , hinihingal at pagod na din ako.
Pinagtitinginan na ako ng mga katrabaho  ko pero wala akong paki .

Halos mahimatay naman ako nang makita na gumagana pala ang elevator at Hindi ito sira.

Arghh!! Nakakainis!!
Hinihingal na Binuksan ko ang pinto ng office ni bakulaw at agad siyang lumingon sakin.

Tumaas ang isang kilay ko ng bigla siyang tumawa ng malakas. Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa inis.

Nang matapos na siyang tumawa ay padabog na nilapag ko ang pasta sa table niya .

“ Here's your ITALIAN pasta SIR ” sabi ko na diniinan pa ang Italian at sir. Tumingin siya sakin at tumingin din ako sa kanya.

“ nagbago na isip ko I want a burger ” sabi niya kaya halos pumutok na ang ulo ko sa inis at galit.

“ Hey Mr . CEO halata  namang pinapahirapan moko kung may galit ka sakin sabihin mo wag yung pinapahirapan moko! Alam mo bang kanina ba ako badtrip sayo! Kung ikaw kayang paakyatin ko sa 15th floor na hagdan ha!? ” inis na sigaw ko sa kanya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya padabog na lumabas ako sa office niya at tinanong si manager kung saan ang pwesto ko.

Dinala niya ako sa isang office na Hindi kalakihan tulad ng Kay CEO bakulaw pero ayos na din to.
“ ito ang office mo maiwan na kita ” tumango ako at umalis na si vino.

Pumasok na ako sa office ko sabay upo  sa swivel chair . hinilot ko ang ulo ko at inayos ang sarili ko.

Nakakastress talaga ang salbahing bakulaw nayon.


























****










*-*

Accidentally LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon