DOUBLE CELEBRATION.....

18.1K 301 4
                                    

flashback from seven years ago.....

hacienda Aragon....

CATTLEYA's POV

Sobrang excited na ako kasi bukas na ang santacruzan. Isa ako sa paparadang reyna kaya halos ay di na ako mapakali, gustong-gusto ko ang sayang isosoot ko. Ngayon lang ako magsosoot ng napagandang gown sa buong buhay ko.....

" Leya nagustuhan mo ba ang gown mo? gusto mo bang sukatin?" tanong ni donya Elena

" Huwag na po baka madumihan. Saka tinitingnan ko lang naman po." sabay hagod ko sa gown na nasa loob ng kahon."

Pumasok si nanay sa kwarto kung nasaan kame.... "Leya sa baba na kayo maglaro ni Sydney maya-maya paliguan mo na si Sydney ha."

" Opo nay ..... tara na Syd " sabay hawak sa kamay ni Sydney.

" Caring ung usapan natin ha natatandaan mo? " si Donya Elena kausap ang nanay ko "Malapit ng mag-katorse si Leya wag mong paligawan, si Inigo dapat ang mapangasawa nyan. Ayokong syang mapunta sa iba. Atleast kung si Leya ang magiging manugang ko sigurado akong di nya lolokohin ang binata ko."

" Por Dyos por Santo Donya Elena .... ano ka ba naman ang bata pa ng anak ko. Dalaginding pa lang. Saka sigurado ka bang magkakagustuhan yung dalawa. Huwag mo nga silang saklawan." si nanay caring "Saka iba na ang mundo ni Inigo....malapit na syang matapos ng abogasya si Leya naglalaro pa ng piko." at biglang tumawa si nanay caring

" Ah basta gusto ko si Inigo ang makatuluyan ni Leya....." sabi ni Donya Elena

" Dale.... anak bakit' may kailangan ka ba hijo....." si nanay caring "halika pasok ka asan ang mga kuya mo? bakit ikaw lang? Gusto mo bang kumain? ipaghahain kita?"

Nakatingin lang si Dale sa gown sa loob ng malaking kahon, ganoon na sya dati pa parang lagi lang nagmamasid at tipid magsalita....

Pinapaliguan ko si Sydney sa banyo sa loob ng kwarto nya .... " Ate Leya mamaya sukatin natin yung gown. Ang gaganda diba para tayong princess.."

" Ikaw na lang ang magsukat tapos pipicturan kita kung gusto mo....." sabi ko habang sina-shampohan ang buhok nya.

" Ate Leya ilang taon ka na? Ako 10 na pero malapit na akong mag-11. "

" malapit na akong mag fourteen. Next year graduating na ako ng highschool." sabi ko sa kanya

" May crush ka na ate Leya....." sabay hagikgik nya.

" ikaw talaga napaka-pilya....anong alam mo sa crush? Crush ka dyan...." sabay hagod ko sa likod nya para masabunan ko syang mabuti.

" And why, there's nothing wrong with that....crush lang naman. Sige bibigyan kita ng crush sino gusto mo? Si kuya Inigo, si kuya James, si kuya Zeig o si kuya Dale.....? Tama si kuya Dale bagay kayo..."

" Ikaw talaga yung masungit pa yung pinartner mo sa akin....." sabi ko

" Eh mas okey na yun kasi si kuya Zeig playboy yun, si kuya James nerd puro aral, si kuya Inigo yuk he's old na noh..... kaya mas okey kung si kuya Dale."

" Naku mainit ang dugo nun sa akin.....atleast si kuya Inigo mabait sa akin, lagi nya akong pinagtatanggol, saka masarap sya kausap, dati pa nga tinuruan nya ako sa assignments ko sobrang tyaga......" sagot ko kay Sydney

" So si kuya Inigo ang crush mo.....?'

Di na ako nakasagot dahil nagulat kame ni Sydney sa biglang pagpasok ni Dale sabay hampas ng pinto, galit nanaman at para nya akong kakainin. Ano nanaman kayang problema ng taong ito, lagi na lang mainit ang ulo nya. Mas mukha pa syang matanda sa tatlong kuya nya dahil salubong lagi ang kilay at parang naghahamon lagi ng away.....

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon