CATTLEYA's POVLately di na masyadong nakaka-stress sa office, nagsawa na yata silang pag-usapan ako. What's interesting is biglang deadma ang lahat about me and Dale, and i think this is better. Andito kame para magtrabaho at di pag-usapan ang personal na buhay ng iba. Di naman kame mga artista para gawing talk of the town. Although Dale belong's to the elite world, di nga sya artista pero kilala sya being one of the hot, sought after bachelor of the buisness world. Kaya nga minsan mas gusto ko pang kumain na lang kame sa mga fastfood chains o sa bahay kesa sa mga kilalang dine-in first class resto na nakagawian nyang kainan.
So far so good, chill lang kahit madaming work. Very smooth ang lahat including my relationship with Dale. We had regular dates kahit kain lang or short talk sa bahay. Pag may time sya na medyo mahaba pinagluluto ko ng favorite nyang ulam sa condo nya. Masarap syang pakainin, kahit naman yata anong iluto ko para sa kanya kakainin nya. Regular ko din check kung anong nasa fridge nya. Unlike before na beer at bottled water ang laman, ngayon i make it a point na may prutas, wheat bread na ako nag bake plus palaman na gawa ko din para sa kanya. Ang hilig mag-work-out yung pagkain naman nya hindi pang-work-out.
Maaga ako pumasok ng Foundation usapan na namin nila Lot at Pinky, madami kasing naka pila sa profiling. Daming pumasok na possible scholars. Medyo naghigpit kame ngayon kasi last time may nakalusot na di pala deserving. Dinaya lang yung grades sa school worst namimili pa kung saan nya gusto pumasok. Grabe talaga may nagpalusot sa loob, isinama yung file nung bata ng hindi dumadaan sa profiling. Kaya nung ipinatawag na yung bata for final interview dun na nabuko na di sya dumaan sa amin. Kala yata ng nagpalusot ng file ganun-ganun lang makakuha ng scholarship. Siempre kailangng salain mabuti, binigyan ko naman sana ng chance ung bata kaso nabuko namin na daya din yung grades tapos nung interview napa-nganga na lang kame sa mga sagot nya. Dami talagang manloloko.
Kanina bago ako umalis ng bahay may dumating na delivery ng one dozen red roses para sa akin. Lahat kame sa dinning table nagulat. Tinanong pa nga ni Tita kung kay Dale daw galing kaya pinakita ko sa kanila yung blank card. Nilagay ko na lang sa grotto para di masayang. Nahiya nga ako sa kanila baka kung anong isipin. Kakatapos lang ng coffee break ng dumating ang delivery ulit, one dozen red roses nanaman, at para sa akin nanaman, wala pa ding laman ang card kung kanino galing. Kanina sa bahay ipinadala, so ibig sabihin alam nung sender kung saan ako nakatira. Dati dito lang sa opisina ako nakakatanggap ng ganito. This is being creepy, ayoko mang matakot pero kinakabahan na rin ako. Iniisip ko pa kung sasabihin ko kay Dale kasi iinit ang ulo nun. Focus muna ako sa work mamaya ko na iisipin kung anong gagawin ko sa bulaklak malamang bibigay ko na lang ulit sa utility bago ako umalis ng office. Baka kasi may magtaka kung itatapon ko sa basurahan. Alam ko naman kasing di yan galing kay Dale.
Dumaan ang maghapon, may orphanage visit ako kasama si Ate Jen. Masaya kameng nagkakape nila sister ng may kasama si ate Jen na delivery boy may dala nanamang one dozen red roses na parehong-pareho nung hinatid sa bahay at sa office kanina, as expected blangko pa din ang card. Masama na ang kutob ko, iisang tao lang malamang ang nagpapadala nito, pero sino wala akong maisip. Iniwan ko na lang sa orphanage yung bulaklak para ilagay na lang sa chapel. Nagpaalam na akong aalis kila sister, hinatid naman ako ni ate Jen sa may gate.
"Mag-ingat ka pauwe, maya-maya na ako tulungan ko muna sila dun sa bagong baby." si ate Jen
"No problem, ikaw din wag ka masyadong magpa-gabi sa pag-uwe mahirap kumuha ng taxi dito."
"Ganda, tingin mo sinong nagpapadala ng bulaklak sa'yo? Parang di na nakakatuwa eh."
Ganda ang tawag sa akin ni ate Jen at oo alam nya ang tungkol sa amin ni Dale. Actually sa kanya ko lang inamin ng pormal. Alam din nya na medyo naba-bother na ako sa mga bulaklak na dumarating sa opisina.
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomansHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...