MY GIRL

12.4K 215 15
                                    

CATTLEYA's  POV

Feeling ko nakalutang ako sa hangin, magaan, masaya, kinikilig di ko ma-explain. Boyfriend ko si Dale Montero. Hindi pa rin ako makapaniwala. Still in Antipolo ayaw pa daw nya umuwe gusto muna daw nya ako masolo. Kilig di ba? Kung babalikan ko ang mga nangyare kanina parang ang bilis lang, gilrfriend agad walang ligaw. Pero ayoko naman na hindi ko sya boyfriend isipin ko pa lang nalulungkot na ako.

Ganoon pala yung kilig na mararamdaman mo pag mahal mo yung taong kasama mo. Pakiramdam ko may maraming paru-paro na nagliliparan sa loob ng tyan ko. Ang tagal ko ng binabalewala ang nararamdaman ko para kay Dale. Ayoko i-entertain kung ano man ang nasa puso ko dahil masasaktan lang ako pagnagkataon. Hindi ko akalain na gusto nya rin ako. Hindi ko alam kung mahal nya ako, wala naman syang binanggit tungkol dun. Pero ako alam ko sa sarili  ko mahal ko sya....sobra!

Nasa Sta. Monica pa lang ako crush ko na si Dale kaso  napaka-sungit  nya at laging nakasigaw. Pero kahit ganoon sya sobrang gwapo pa din nya. Tuwing makakasalubong ko sya sa hacienda laging salubong ang kilay nya parang ang laki ng problema sa buhay. Kaya nga noon todo iwas ako sa kanya natatakot na may makita sya sa mga mata ko. Kapag inuutusan ako ni nanay na tawagin silang magkakapatid, dun ako titingin kung saang banda na wala sya. Para makaiwas akong tumitig sa gwapo nyang mukha. Kahit magpahangang ngayon naiilang pa din akong tumingin sa kanya. Para akong natutunaw sa tuwing magsasalubong ang mata naming dalawa. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko at para bang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Di ko alam kung normal ba itong nararamdaman ko. Wala akong karanasan pagdating sa ganito. Si Dale ang unang lalake sa buhay ko at kung ako ang masusunod wala na akong ibang mamahalin kungdi sya lang.

Masaya ako sobrang  saya actually pero natatakot din, kasi magkaiba ang mundo namin. Mabait ang pamilya Montero pero ibang usapan na ngayong may namamagitan sa amin ni Dale. Matatanggap kaya ako ng pamilya nya bilang girlfriend ni Dale? Napakalayo ng estado ng buhay nila kumpara sa amin. Iniisip ko pa lang parang di na ako makahinga sa sobrang kaba at takot sa maaring maging reaksyon ng pamilya nya kapag nalaman nila kung ano ang meron kame.

Nagulat ako ng may dalawang brasong yumakap sa akin mula sa likuran. Nakatayo kasi ako sa gilid veranda habang tinatanaw ang iba-ibang ilaw ng city proper. Sumandal lang ako sa dibdib ni Dale ang init ng katawan nya tamang-tama kasi giniginaw ako. Ipinaloob ko ang dalawang braso ko sa mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko. Di ko namalayan ang paghinga ko ng malalim hangang nagsalita si Dale...
"Ang lalim naman nun. What are you thinking? What's inside your pretty head?" Sabi nya sabay halik sa may gilid ng ulo ko
"May request po ako sa'yo pero wag ka magagalit."
"Depende sa kung anong request mo. Ano ba yun?"
"Aahh, pwede po ba tayong dalawa lang muna maka-alam na tayo na?"

Natakot ako kasi bigla syang tumahimik. Huminga sya ng malalim at lumuwag ang pagka-yakap sa akin. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago nya ako pinaharap sa kanya. Pinan-lalambutan talaga ako ng tuhod pag ganitong magkaharap kame at malapit sa isat-isa.

"Bakit natin itatago sa iba na tayo na? Kinakahiya mo ba ako." Mukha na syang galit sabi na nga ba eh
"Jusko Dale di naman kita ikinakahiya, bakit mo naman naisip po yan?"
"Ayoko, hindi pwede! Girlfriend kita tapos ako lang nakaka-alam, ano yun?"
"Pwede makinig ka muna po sa dahilan ko....please!"

Nilakasan ko ang loob kong makipagtitigan sa kanya para maramdaman nyang seryoso ako sa sasabihin ko. Kaylangan maipaliwanag ko ng maayos kung bakit ayaw ko munang may maka-alam. Sana lang maintindihan nya ako. Nakatingin sya sa akin ng deretso hinihintay kung anong sasabihin ko.

"Hindi kita kinakahiya, never kitang ikakahiya, kaya lang ...... Dale malayo ang agwat ng estado ng buhay natin sa tingin mo walang tututol? Hindi nyo ako kapantay, hindi nyo ako ka-uri. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa'yo? Ng pamilya mo?"

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon