CATTLEYA's POV
After a week of our short JAPAN trip nakahabol din ako sa lahat ng natambak kong gawain. Mabuti din at busy si Dale sa office nya kaya di masyadong nangungulit. It's really a vacation well spent nakakawala ng stress kahit nakakapagod. Bagong experience at bagong environment. Kakatapos lang namin mag-usap ni Dale sa phone at malapit na daw sya sa building namin kaya eto nagmamadali na akong pasakay ng elevator.
Sakto na kakadating ng oto nya sa main entrance ay papalabas na ako galing lobby. While on the road and Dale was driving his phone rang, naka-synchronize pa naman sa speaker ng oto nya. Unknown number but he still answer the call.
"Hi hansome....!" matinis na boses ng babae ang pumailan lang sa kabuan ng oto. "Bianca here....kadarating ko pa lang from the States. Ikaw agad ang tinawagan ko. Surprise ka no?"
"BIANCA???" nagtatakang boses ni Dale pero abot tenga naman ang ngiti nito habang kausap ang babae sa kabilang linya
"Don't tell nakalimutan mo na ako? Nakakatampo ka naman, excited pa naman ako to meet you. Miss na kaya kita." sabi ng naglalambing nyang boses
"Sino ka nga ulet?" birong tanong ni Dale at sinamahan pa ng malutong na tawa
"Baliw ka talaga Montero, ikaw ha di mo man lang naalalang batiin nung birthday ko. Ang daya mo di naman ako hihingi ng gift sa'yo." si Bianca
"O di happy birthday, o yan ha binati na kita." ganting biro ni Dale
"Hoy Montero di yan ang pinag-usapan natin bago tayo naghiwalay sa States no?...Di ka lasing nun kaya alam ko natatandaan mo yung sinabi ko sa'yo."
"Anong sinabi? Sa daldal mo na yan alin dun sa mga sinabi mo yung matatandaan ko? You're talking non-sense again may jet lag ka pa yata eh."
"Sabi ko sa'yo sa susunod na birthday ko at single pa tayong dalawa, pupuntahan kita sa bahay mo para ayaing magpakasal. Kaya andito ako kasi maniningil na ako.Kelan mo ako kikitain? Kala mo nagbibiro ako ah...."
Natigilan si Dale, nagsasalita pa si Bianca sa other line pero nagsabi itong nasa daan sya at nagdi-drive Kaya naputol ang pag-uusap nila at magte-text na lang daw.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at paano ako magre-response sa narinig kong flow ng conversation nilang dalawa. Actually naba-blangko ako di ko ma-absorb ang mga sinabi nung Bianca. Biro ba yun o Usapang matino? May pinangako ba si Dale sa kanya na kasal? Gaano sila ka-close? Kelan pa nagkaroon ng ka-close na babae si Dale? Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero di ko maiwasan. Pinipilit kong wag magbago ng emosyon kahit pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko. Ayokong magtanong kasi natatakot ako sa isasagot ni Dale. Mas mabuting tahimik muna ako.... less talk, less mistake.
Ginagap ni Dale ang isang kamay ko, nagpaubaya lang ako. Gawain naman talaga nya yan habang nagmamaneho sya. Kung dati kinikilig ako pag ginagawa nya yan sa akin habang nasa oto kame, ngayon parang di ko ma-appreciate ang pagiging sweet nya.
"Yung narinig mo sa sinabi ni Bianca wala yun, nagbibiro lang sya." sabay halik nya sa kamay ko na hawak nya
"Who's Bianca anyway?" matapang kong tanong sa kanya
"Bianca was my classmate nung nagma-masters ako sa States. Half pinay half chinese, Ganun talaga yun free spirited, makulit at madaldal. Wag mong seryosohin yung sinabi nya, palabiro talaga yung isang yun." sabay halik nya ulit sa kamay kong hawak nya
Gusto kong gawin yung sinabi ni Dale pero parang sasabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang naramaman ang ganitong klaseng inis sa buong buhay ko. Malawak ang pag-iisip ko at maintindihin akong tao pero bakit ganoon sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing maalala ang pinag-usapan nila kanina. Ayokong mag-isip ng negative pero di ko maiwasan.
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...