TANGLED

9K 160 3
                                    




CATTLEYA's POV

Hindi ko maitago ang sobrang pagkainis ko kay Dale. Ngayon lang talaga ako nainis ng ganito sa kanya. Nag-promise sya na sabay naming ise-celebrate ang birthday nya. Birthday nya yun, birthday nya parang wala lang, ako lang ba ang excited? Ang masakit pa unang birthday nya na mag-boyfriend kame, hindi ba talaga yun importante sa kanya? Inuna nya pa ang negosyo nya kesa sa sarili nya. Gaano ba kahalaga sa kanya ang pera, di pa ba sya kuntento kung gaano kadami ang pera nya at kung gaano sya kayaman. Sabi nga nila ate Thalia si Dale ang pinakamayaman sa apat na magkakapatid na lalaki. Hindi nga daw nya kayang ubusin kung anong meron sya kahit di pa sya magtrabaho. Hindi lang daw milyonaryo si Dale....bilyonaryo! Swerte daw ako, pero para sa akin hindi yun ang basis para matawag na swerte. Materyal na bagay lang yun, nauubos, nawawala. Ano naman sa akin yun? Mayaman nga ang boyfriend ko wala namang oras sa akin....di bale na lang. Di naman pera lang ang importante, kahit konti lang ang pera basta may panahon sya sa akin baka mas maramdaman ko pang ako ang pinaka-mayaman sa kanilang lahat. Nakakasama sya ng loob, ako itong aligaga na mag-asikaso sa birthday nya pero sya negosyo lang ang priority.

Gustong-gusto ko pa naman syang i-surprise, gusto kong iluto lahat ng paborito nyang pagkain. Halos ilang linggo ko yung pinaghandaan mauuwi lang pala lahat sa wala. Gusto ko lang muna magtanggal ng yamot kaya nagpaalam ako kay tita Elena na sa Linggo na ako uuwe ng Manila, nag-text lang din ako kay Dale mukhang sobrang busy nya talaga... walang reply man lang. Saka ang  sabi nya gabi pa ang dating nya sa Sunday so okey lang na mag-stay muna ako dito sa Subic. Gusto ko nga asarin kanina sa text eh. Sasabihin ko sana dun na lang sya sa meeting nya para mas mahakot nya yung lahat ng ginto at langis sa Dubai. Hirap pala talagang maging boyfriend ang isang Montero. Kung dati nagtataka ako kung bakit nasasabi nila ate Alix yun, ngayon alam ko na. Hirap pag hindi ikaw ang priority ng boyfriend mo, workaholic si Dale matagal ko ng alam yun pero hindi ako makapaniwala na pati birthday nya ipagpapalit nya sa meeting para sa negosyo nya.

Kungdi pala ako pinasama ni tita Elena kay ate Jen dito patay ako sa pagod ng kaka-prepare para sa birthday nya, tapos pala eh hindi sya darating. Mas lalo lang akong magmumukhang tanga. Buti na lang si manang Fe lang ang nakaka-alam ng gagawin kong paghahanda. Atleast di ako sobrang mapapahiya kasi kilala nya yung alaga nya eversince.

Ayokong maawa sa sarili ko pero di ko maiwasan. Para akong nanlilimos ng oras at panahon kay Dale. Kaya nung kausap ko sya sa telepono binabaan ko na lang, di ko kasi mapigil yung iyak dahil sa sama ng loob sa kanya. Hangang ngayon naiiyak ako pag naalala ko, nakakainis talaga sya.

"Leya, Leya tara kain na tayo." si ate Jen

Pinunasan ko ang natitirang luha sa pisngi ko at pilit na itinatago ang namumula kong mata ng pumasok si ate Jen sa kwarto namin dito sa hotel. "Wala po akong gana, ayain mo nalang po si Joma ate Jen."

"Hay ano ba yan umiiyak ka pa din?"

"Naiinis po ako talaga ako eh..." sabi ko

"Di ba kamo eh uuwe naman sa Sunday, oh birthday pa rin naman nya yun. Makakapag-celebrate pa din kayo. Saka okey lang kahit one day late."

"Kasi may plano pa naman sana ako sa mismong birthday nya. Tagal kong pinrepare yun, tapos di naman pala matutuloy."

"Wala naman din problema, eh di ituloy. Ibang araw nga lang. Kung talagang gusto mo."

"Sa Sunday ang birthday nya, kung sa ibang araw ako maghahanda, hindi na nya birthday yun."

Biglang tumawa si ate Jen "hay naku Leya para ka pa talagang bata, sigurado ka bang dalaga ka na?" tanong nya sa akin

"Ate Jen naman eh, pati ikaw ba naman. Kala ko pa naman kakampi kita?"

"Leya kakampi mo ako, pero alalahanin mo na ang nobyo mo ay isa sa pinaka-successful na negosyante ng bansa. Siempre di nya pakakawalan kung ano mang opportunity yung dumarating sa harapan nya mismo."

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon