SPACE

8.8K 178 18
                                    

.... Be with Someone Who will Ruin Your Lipstick and Not Your Mascara!!!

DALE's POV

Maaga pa ako sa Mansyon only to discover that Cattleya is not here. Halos tulog pa din ang mga tao dito since it's Sunday. Minabuti kong mag-stay muna sa bahay ng parents ko baka sakaling may alam ang Mama kung nasaan si Leya. Nag-simba pa daw ang Mama sabi ni manang Fe. Pwede ko din tanungin si Sydney baka may alam sya, yun lang mamaya pang bago mananghali ang gising nun. Basta dito muna ako, imposibleng walang alam ang mga tao dito sa bahay. Di basta-basta aalis si Leya ng di nagpapaalam sa Mama.

"Sir nakahanda na po ang breakfast. Nasa dinning na po ang Mama at Papa nyo." sabi ng maid

"Sige sunod na ako." nandito ako sa kwarto ni Leya nagbabaka- sakali na makakita ako ng clue kung san sya nagpunta. Halatang di nya nagamit ang kama nya today, malamang kasi nasa condo ko sya kagabi.

Pagbaba ko ng dining naabutan ko na ang parents kong kumakain ng breakfast. I kiss them both and Papa is so please to see me....

"Ang aga mo ah, dito ka ba natulog?" tanong nng papa

"Nope kani-kanina lang ako dumating." sabi ko, sinulyapan ko ang Mama para makakuha ng kahit konting reaksyon galing sa kanya pero busy syang nagbabasa ng morning news paper kasabay ng paghigop ng kape

"May lakad ba kayo ni Leya?" sa wakas nagtanong ang Papa tungkol kay Cattleya mabubuksan ko na din ang topic tungkol sa kanya

"Hinahanap ko nga eh, sabi ni manang maaga pa daw umalis." patay-malisya kong sabi, wala pa ding imik ang Mama may alam talaga sya.

"Wala si Leya mahal? Nagpaalam ba sa'yo?" tanong nya sa Mama, pag ganyan ang stye ng tanong ng Papa alam kong tinutulungan na nya ako

"Yeah, nagpa-alam sa akin. Bakit di mo ba alam na aalis sya Dale? Di ba nagpaalam sa'yo?" sabi ng Mama habang nakatingin sya sa akin.

Yun lang di ko na-anticipate na sa akin babalik yung tanong na yun. Akala ko pa naman madadaan ko sa pagpapatay-malisya ang Mama. Kailangan ko tanungin at kausapin ng seryosohan ang nanay ko. Kungdi ko gagawin yun di ko malalaman san nagpunta si Cattleya. After breakfast sumunod ako sa Mama sa greenhouse nya, dito ko nalang sya kakausapin. Mas maaga ko syang makausap, mas mabilis kong malalaman kung nasaan si Leya. Para makasunod ako kung asan man sya nag-punta.

"Ma, can we talk?"

"About what? Kung itatanong mo kung asan si Leya, sorry I can't tell you."

"Ma please, kailangan ko syang makausap, almost a week ko na syang di nakikita. Busy ako this week, babawi ako sa kanya..."

"Busy ka saan Dale? Dun sa tsinitang babae na kasama mo sa Shangrila? I saw you Dale, I was there and Leya's with me that time."

Napaupo ako sa bench na malapit sa akin, nakatitig ang Mama wala akong maisagot. Wala akong mahanap na sagot. All along I didn't had an idea na nakita pala kame ni leya that day. And I never had the guts to tell her. All alomg I thought that she's fine and just working just like an any other day. Napatukod ang dalawang siko ko sa mga binti ko at para ba akong tinakasan ng lakas, inis na inis ako sa sarili ko na kahit na wala sa intensyon ko na itago kay Leya ang whereabouts ko this past days pero parang ganoon ang lumalabas.

"This is what I'm avoiding to happen, yung maging kayo at masaktan mo sya. You know very well that Leya is not an ordinary girl, hindi sya girlfriend mo lang. She's almost a daughter to me and a sister to Sydney. Eto yung sinasabi ko sa'yo nun na kung hindi ka pa seryoso at di ito mauuwe sa totohanan, mas mabuting wag mo ng pasukin pa. Kasi ifever magkahiwalay kayo, Leya will never be the same again sa atin. Siempre mag-iiba na ang lahat pati sila Caring. Lalayo din sila at yun sana ang ayaw kong mangyare."

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon