INSIGHTS

8.1K 142 3
                                    

CATTLEYA's POV

Pagkapasok ko pa lang sa Vila ay nagtaka na ako, wala pa halos ang mga bisita wala pa naman akong kasama. Binalikan ni ate Jen sa hotel room ang celfone nya kaya nagdalawang-isip akong tumuloy, pero huli na ako para umatras dahil may sumalubong sa aking babae.

"Ms. Cattleya Roco, right?" tanong nya sa akin

"Yes po...." magsasalita pa sa na ako pero kinausap nya yung kasama nya

"Please prepare Ms. Leya sa assigned room nya. We are about to start." si Miles

Parang naguguluhan ako sa mga nangyayare, bakit kaylangan kong magbihis? May dress code pala? Pero wala namang nabanggit si Mayet nung kausap namin sya kahapon. Kapit nila ako sa isang kamay at pumasok kame sa isang kwarto dito sa first floor.

Walang imik ang dalawang babaeng kasama ko sa kwarto. Kahit ilang beses ko silang tinatanong ay para lang akong nakikipag-usap sa pader. Blangko ang mga mukha nila at busy lang nila akong inaalalayan sa pagbibihis. Pinaupo nila ako sa harap ng salamin para ayusan.

"Kailangan ko pa ba talagang magpalit ng damit at mag-ayos? Magpapakita lang kasi kame mamaya kay Mayet at Joseph tapos pabalik na din kame ng Manila." tanong ko sa kanila

Masahol pa sa mga pipi ang mga kausap ko. Di ko tuloy maiwasang kabahan, meron talagang kakaiba. Pagpasok ko pa lang sa Vila kanina ay may iba na sa pakiramdam ko. Halos walang tao sa loob maliban lang sa mga nag-aayos ng event. Ng matapos na ang pag-aayos nila sa akin ay inalalayan na nila ako sa sliding door papalabas sa likod ng kwarto. Hindi ito ang pintong pinasukan ko kanina. Beachfront na pala ang likod nito. Kung maganda ang buong kabahayan ay mas maganda dito sa likod. Paglabas ko pa lang ay ang napaka-gandang paglubog ng araw ang tumambad sa aking mga mata. sunset pa lang kumpleto na ang araw ko...

Gusto ko pa sanang panoorin ang paglubog ng araw pero napako ang mata ko sa pamilyar na bulto na nakatayo patalikod sa akin. Meron ding makeshift gazebo na malapit sa dalampasigan, nababalutan ito ng mga bulaklak na paborito ko. Sa aking lalakaran ay may maliliit na puting bato na nakahalo sa petals ng white roses.

Hindi ko halos mai-hakbang ang aking mga paa sa sobrang kaba. May naglalaro din sa kaisipan ko pero hindi ako sigurado. Alam kong si Dale ang nakatayong lalake sa may gazebo, gusto ko na sana syang takbuhin pero nagdadalawang isip pa ako kung para saan ang lahat ng ito. Lampas kalagitnaan na ako sa paglalakad ng biglang nag-ilaw ang isang gilid ng nilalakaran ko. Doon ako napatigil at halos mangalog ang dalawang tuhod ko sa sobrang nerbiyos. Di ko na napigilan ang pag-iyak ng mabasa ko ang mga nag-ilaw na letra sa gilid ko...... "PLEASE BE MY MRS. MONTERO! WILL YOU MARRY ME?"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang namigat ang dalawang binti ko at tanging pag-iyak na lang aking nagawa. Hindi na tumigil ang pagdaloy ng luha ko ng sa harapan ko ay nakaluhod si Dale hawak ang isang singsing at matamang nakangiti sa akin.

" Baby, please be mine for the rest of our life, MARRY ME PLEASE...."

Mas lalo akong umiyak dala ng sobrang emosyon, hindi makapaniwalang nandito si Dale sa harapan ko at inaaya akong magpakasal. Paano? Kailan? Bakit? Mga tanong na naglalaro sa isip ko pero walang kahit na isang salitang lumalabas sa bibig ko kundi puro hikbi lang.

"Baby I NEED TO HEAR YOUR ANSWER.....mahirap ba yung tanong ko sa'yo?" bakas sa mukha ni Dale ang pag-aalala dahil di ko pa sya sinasagot pero wala akong ganoong intensyon. Bakit ba kasi parang umurong ang dila ko at halos wala akong lakas kahit magsalita man lang. Sobrang mahal ko sya at sya lang ang mamahalin habang buhay.

Nilabanan ko ang nerbyos na bumabalot sa buo kong katawan, and in a snap when I look into his hazel eyes I regained my composure.

"YES .....it will always be a YES! I'm yours....forever!" he instantly put the ring on my finger and we embrace each other tightly as if even the air can't pass through. He kiss my lips full of love ang longing, for the past five days we are apart as if it is forever for me.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon