CATTLEYA's POVAng daming nangyare sa buhay namin ni Dale magmula ng naging kame. Tama ang sinabi ni nanay at ni tita Elena, hindi magiging madali at hindi laging masaya lang. Minsan babagyuhin ka ng problema at pagsubok kaylangan maging matibay ka. Kaylangan may panghawakan ka para di matibag kung ano man ang meron kame. Natuto kame ni Dale kumapit sa isat-isa, magtiwala na kakayanin namin lahat ng unos na darating, haharapin ng magkasama. Di man perpekto ang ugali namin at may mga bagay na di namin napagkakasunduan, dumarating kame sa huli para mag-compromise at mag-adjust. Relatioship for me is continously a learning process, everyday you will discover a little of everything with your partner, and I'm very much open to it. I'm willing to learn and accept everything about Dale. That's how much I love him that I forget the word REGRET!
Hindi na itinuloy ng pamilya Montero ang pagsampa ng kaso laban kay Bianca. She's mentally ill, suffering from severe depression and anxiety. She's actually under medication kahit noon pa, hindi nya kinaya ng tanggihan sya ni Dale. Yung kasunduang ginawa nya bago umalis si Dale ng America ang naging lakas nya at daan para sobrang syang sumaya. Umasa syang papayag si Dale na magpakasal sila pagdating ng birthday nya at pareho silang single, pero di nga nagkatotoo at gumuho lahat ng pag-asa nyang maging sila. Mas lalo pang lumala ang kundisyon nya ng kinalimutan na ang pag-inom ng mga gamot at nilunod ang sarili sa alak. Halos hindi natutulog at nagpapahinga at ang tanging ginagawa ay sundan si Dale. Obssession ng matatawag ang nararamdaman nya kaya hindi na talaga nakakataka na kaya nyang gawin ang tangkang pagsagasa sa akin sa parking lot. Wala na akong nararamdaman na galit o inis sa kanya, bagkus ay awa dahil alam kong nagmahal lang naman sya. Yun lang sa sa taong di nakalaan para sa kanya.
Sinundo na si Bianca ng mga magulang nya para bumalik na sa America at tuluyan ng ipagamot. Bago umalis ay nagkasundo ang dalawang pamilya na wala ng ikakaso kay Bianca kapalit ay pangako na di na ito muling lalapit sa amin ni Dale. Sinigurado naman ng mga magulang ni Bianca na tutupad sila sa kasunduan.
Para naman akong nakahinga na ng maluwag at nawalan ng alalahanin ng maka-alis na si Bianca ng Pilipinas. Unti-unti ay nakakabalik na kame sa normal na gawain namin dati. Halos ilang araw din nila akong di pinayagan na lumabas matapos ang insidente sa parking lot. Ng pumayag naman si Dale na bumalik ako ng foundation ay dinagdagan pa nya ang bodyguards ko, na mas lalo kong ikina-ilang. Sa ngayon si Joma nalang ulit ang kasama ko pagpasok sa mga araw na di ako nasusundo o nahahatid ni Dale sa opisina. Di na lang talaga pumapayag si Joma na di ako bababa mismo sa entrance ng building, yun ang utos ng mga boss kaya wala akong magawa.
Maganda lagi ang araw ko, sino bang di sasaya kung laging may nakabungad na mga bulaklak na padala si Dale. Bouquet ng lily of the valley o kaya naman ay dozen of white tulip ang dumarating dito sa opisina. Pag weekend ay may regular din na naghahatid ng fresh cattleya orchid sa mansyon. Puro tukso na ang inaabot ko sa mga magulang nya at kay Sydney, pati mga kasambahay ay nakikitukso na din nangunguna na si manang Fe na yaya ni Dale at ngayon ay ang punong mayordoma ng mansyon. Minsan tuloy gusto ko na lang magtago sa kwarto para di nila ako maasar. Pero sa totoo lang di maubos ang kilig ko sa mga ganitong ginagawa ni Dale, mas lalo ko tuloy syang nami-miss kapag di kame magkasama.
Palabas na ako elevator galing opisina ng tumawag si Dale "Baby punta ka na lang sa office, hintayin kita dito, may tinatapos lang ako." sabi nya sa kabilang line.
"Okey, or if you like mag-grocery na ako?" suggestion ko sa kanya
"Nope, mamaya na sasamahan kita." mabilis na sagot nya sa akin. Sa totoo lang umiiwas talaga sana ako na pumunta sa building ni Dale. Magmula ang insidente sa parking lot di pa ako nagagawi doon. Hindi ko kasi alam kung paano ako kikilos sa Montero Enterprise Building ngayong alam na nila na boyfriend ko ang boss nila. Imposibleng di kumalat sa buong company how Dale took care of me, ang daming tao sa lobby that time.
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...