DALE's POV
"and I choose you in a hundred lifetimes, in a hundred worlds, in any version of reality, I'd find you and I'd choose you....MY CATTLEYA"
It's more than a month after my proposal pero wala pa rin akong naririnig kay Cattleya about planning our wedding. Minsan nga I deliberately open up the topic baka kasi nakakalimutan na nya na engaged na kame. Nagtatanong na din ang Mama at ang buong pamilya ko kung nasaan na kaming stage ng planning at wala akong maisagot. Well meron naman na kaming wedding planner siempre THE TEAM who create my proposal. As of this moment yun pa lang, nakakainip di ba?
The good thing happened after the proposal ay hindi na sobrang higpit ang Mama. Hindi ko na kaylangan ng one week notice whenever gusto kong isama si Leya or kung gagabihin ko syang ihatid sa mansyon. She is more considerate now kaya may maganda din na naidulot ang engagement.
"Grace wala pa yung flowers na inorder kanina? Can you make a follow-up, thank you" Still in my office and working. Maya-maya lang ay susunduin ko na si Leya sa foundation. Whenever I can I make it a point to fetch her sa office nya. Pag di lang talaga maiiwasan dun ko lang sya pinapasundo kay Joma. But it still Joma who drives her on the way to her office every morning since ayaw ng Mama na I will always spend the night in the mansion. It's for Cattleya's reputation, ayaw nyang ma-tsismis na me and Leya are living-in together. Which is hindi naman talaga.
"Sir, the flowers are on the way na po." si Grace
"Send it in my office right away..." sagot ko
I still want Leya to feel that everyday I'm courting her. Masarap isipin na ako ang nagpapangiti sa kanya. I like to feel that I'm the source of her happiness. Gustong-gusto ko syang pinapakilig para syang batang sobrang babaw lang ng kaligayahan. Simple things and simple pleasures, that makes her day most of the times. Everyday I'm sending her a bouquet of lily of the valley or tulips. Depende kung masusundo ko sya ako ang magdadala but if I'm that busy pinapa-deliver ko na lang.
As for today, I make it a point to meet her, two days ko syang di nakita physically. I was busy sa Montero Aviation sa Clark had to personally attend to important clients. That's one of more than many things that I love about Leya, she's young but her patience is unbelievable. Ako pa nga yung mainipin at short tempered. But in the process Leya can apeace me more than anyone else. Everytime she's with me kalmado ako, there's something in her voice more on her touch. Hindi ko alam kung pano nya nagagawa yun sa akin.
Intercome beep.... "Yes Grace....."
"Sir your brothers are here..."
"Send them in!" Pagkababa ko pa lang ng tawag sa intercome ay pumapasok na ang tatlong itlog sa opisina ko. "Anong meron magkakasama kayo? Himala andito si James..." kantyaw ko sa kanilang tatlo
Si James agad ang nagsalita "Tapos na ng maglihi si Sam remember. She's on her last trimester. Pinaulit ko nga yung ultrasound kaso babae talaga eh."
"Eh di pagtapos gawa ka ulit, problema ba yun ikaw may-are ng ospital." si Zeigan
"Pinapunta kame ng mga-asawa namin dito. Tinatanong kung nag-start na kayo ni Leya para sa wedding. They can't get through with Leya sobrang busy yata. Last night tumawag si Thalia kausap ka yata sa phone kaya di rin nya nakausap si Leya." si Inigo
"Malamang kasi from Clark going to Manila magkausap kame eh." sabi ko
"Kelan nyo ba talaga plano? More than a month na yung proposal mo ah. Sigurado ka bang gusto na ni Leya na magpakasal?" ang nang-aasar na si Inigo
"Dude bata pa kasi nung baby mo....tingnan mo nga baby pa talaga tawag mo." sabay hagalpak ng tawa ni Zeigan
"Bro, baka nagbago ng isip....patay ka!" si James bihira yan humirit pero parang gusto ko syang sapakin
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...