PROLOGUE

41.6K 479 24
                                    

Capt. Dale Raniel Aragon Montero bunso sa mga lalaking anak nila Don Roman at Donya Elena Aragon - Montero. Always single and ready to mingle. Nasa kalendaryo pa naman ang kanyang edad pero taliwas sa kanyang mga kapatid na lalaki si Dale na lang ang binata sa apat na alas ng mga Montero ... wala pa talagang yatang nakakabihag sa mailap na binata. Pilot by profession si Dale pero sa kanya ipinama ng kanyang abuelo ang Montero Telecoms at bukod pa dun ay personal nyang itinayo ang Montero Enterprise na nag-susuply ng mga spare parts ng mga eroplano here and abroad. Mapa commercial plane man yan o private plane.Si Dale ang tumatayong CEO at overall general manager nito. Di matatawaran ang galing ng pamilya Montero pagdating sa buisness lahat ng magkakapatid successful sa hawak nilang negosyo.

Matalino, maabilidad at sobrang guwapo mapapalingon ka kahit ayaw mo dahil kakaiba ang charisma ng lalaking ito. Payo ko lang wag kang mapo-fall .... bakit? Kasi di ka nya sasaluhin. Six feet and two inches in height, broad shoulders, moreno at malaki ....... ang pangangatawan. Hhhmmm, mala Christian Grey ang aura nito wala kang itatapon.

Capt.Snob ang tawag sa kanya ng mga empleyado....di nya yun alam.Actually walang problema sa pamamalakad ni Dale sa negosyo, fair, makatao, maayos magpa-sweldo at maganda ang benefits na ino0ffer ng kumpanya nila. Yun lang di mo sya basta-basta makakusap... kaylangan mong dumaan sa staff nya at mas kaylangan na reasonable ang dahilan mo kung bakit mo sya kakausapin. Bihira yan ngumiti parang hindi nga eh, mailap... lalo sa media at higit sa lahat suplado at namimili ng kausap. Balitang strikto sya pagdating sa tabaho, bossy and very intimidating. Sobrang lakas ng dating gawa siguro ng strong ang personality ng binata.

Wala syang permanenteng ka-relasyon iba-ibang babae ang kasama. Maayos naman ang mga babae na ito galing sa mga kilalang pamilya. May modelo may artista karamihan ay socialite na anak ng mga kasosyo nila sa negosyo kaya palaisipan yun sa marami. Kung ano man ang dahilan nya.... sya lang may alam.

Cattleya Roco...ang anak ng bestfriend ni Donya Elena sa hacienda na si nanay Caring. Sobrang naging close ang nanay ni Cattleya sa donya dahil kasa-kasama ito ng lola ng dalaga sa mansion ng hacienda noong sya pa ang nag-aalaga sa batang si Donya Elena. Halos sabay silang nagdalaga na magkasama kaya parang kapatid kung magturingan ang dalawang matandang babae.

Disisais anyos si Cattleya ng isinama ni Donya Elena sa Manila para dito na mag-kolehiyo ..... Dito sa mansyon ng mga Montero sya namamalagi sa pangangalaga ni Donya Elena. Sa proninsya pa lang ng Sta. Monica ay scholar na sya ng mga Montero. Bata pa sya ay pangarap na nyang makapag-aral sa magandang eskwelahan. Katwiran nya mas madali syang makakakuha ng maayos na trabaho sa magandang kumpanya kung doon sya makakapagtapos. Parang anak na ang turing ng mag-asawang Montero kay Leya. Magiliw ang Donya sa kanya dahil bukod sa maganda na ay mabait pa ang dalaga. Si Leya ang napaglihian nya nung ipinagbubuntis ang nag-iisang babaeng anak ng mga Montero, si Sydney. Sya halos ang tumayong ate kay Syd tuwing nasa hacienda ang mga ito at nagbabaksyon. Bukod sa walang kalaro ay puro lalake pa ang apat na kapatid nito.

Unang taon nya sa UP Diliman ay nag-apply syang maging iskolar ng bayan at hindi sya nabigo dahil nakuha nya ang full scholarship na pinapangarap. May allowance pa sya buwan-buwan at maaari sanang doon na sya tumigil sa dormitoryo sa loob ng university. Sa kasamaang palad di pumayag ang Donya na hindi sya sa mansion titira. Ibinibigay pa din ang full allowance nya kahit scholarship na ng eskwelahan ang nagpapag-aaral kanya. Di na kasi sya under ng Montero Foundation. Mas gusto ng Donya na sa mansion sya titira para mas safe at komportable sya habang nag-aaral. Bukod pa sa nababantayan sya ng mga ito. Hinayaan na lang nya dahil ayaw din ni Sydney na hindi sya doon mamamalagi.

Sa kasalukuyan ay sa Montero Foundation sya nagta-trabaho. Napalapit sya sa foundation dahil dito sya mismo nag OJT. Sa department nila pino-profile ang mga tao na nangangailangan ng assistance, pinansyal man o medical. Pati pag-aaral ng mga matatalinong anak ng empleyado ng mga Montero sa kanila dumadaan. Kung deserving ba sila o hindi. May sinusoportahan din silang mga institution kaya parang naging interesado sya sa ins and outs ng foundation. Madalas na sya ang kasama ni Donya Elena kung may kakausapin sa labas ang donya lalo at tungkol sa foundation. Kaya mas lalo nyang nakakabisa ang pasikot-sikot ng foundation.

Nasa mansyon pa din sya ng mga Montero, para na silang magkapatid ni Sydney dahil halos sya na ang tumayong ate nito. Palibhasa silang dalawa na lang ang kasama ng dalawang matanda sa mansyon. Ang mga anak na lalaki nito ay may sari-sarili ng pamilya maliban kay Dale. Pero hindi rin naman ito doon nakatira mula pa noon, Magmula ng nag-kolehiyo sya ay hindi na ito doon umuuwe. Sabi ni manang Fe may sarili itong condo kung saan ito namamalagi.

Mababait ang pamilya Montero, hindi iba ang tingin nila kay Leya. Anak ang turing sa kanya ni donya Elena at ni don Roman at kapatid naman ang turing sa kanya ng mga anak ng mag-asawa ..... maliban kay Dale. Kahit nung mga bata pa sila lagi na syang pinapaiyak ng batang Dale. Madalang ito kung sya'y kausapin at laging naka-sigaw pag sya na ang kaharap. Ayaw sya nitong kalaro, aayaw pag isinasali na silang dalawa ni Sydney sa habulan at taguan. May mga panahon pa noon na pag nahuhuli nya itong nakatingin sa kanya ay kukunutan sya ng noo tanda ng pagkainis at para bang ang laki ng galit sa kanya. Kaya madalas umiiwas na lang sya rito para di sila magkabanga.

Hanggang sa ngayong edad na nila ay bukod-tanging malayo ang loob ni Dale sa dalaga. Lagi itong iwas at parang may matibay na pader na itinayo sa pagitan nilang dalawa. Bihira nitong kausapin ang dalaga at para bang ilang na ilang na nasa iisang lugar lamang sila. Nasanay na si Leya kung paano sya ituring ni Dale, wala naman syang magagawa kung ayaw sa kanya ng binata nirerespeto nya na lang kung ano man ang kanyang rason. Gawa ng malaking utang na loob sa pamilyang ito maliit na bagay ang nakaka-ilang na pagtrato ng binata sa kaniya. Wala iyong bigat kumpara sa mga naitulong at nagawa ng buong pamilya sa kanilang mag-anak.

Bihira namang mag-krus ang landas nila ng binata kaya hindi masyadong malaking problema kung di sya pinapansin nito. Basta iniiwasang lang nyang makalapit dito para hindi sya mailang. Si Leya na mismo ang gumagawa ng paraan at lumalayo kapag nasa mansion si Dale.

Mas lalong tumingkad ang ganda ni Leya ngayong sya ay ganap ng dalaga. Kung noong bata-bata sya ay pansinin na, mas lalo pa ngayon na buong-buo na ang katawan. Maamo ang kanyang mukha, ang mga mata nya ay malalim kung tumitig at parang laging lumuluha, ina-dornohan pa ng mahahabang pilik-mata. Makapal at maitim ang mga kilay na lalong lumulutang dahil sa mala-krema nyang kutis. Maninipis ang mga labi nitong bagay sa hugis ng kanyang mukha at ang mamula-mula nyang pisngi na may malalim na biloy na lumilitaw kapag sya ay ngumingiti. Mahaba ang kanyang buhok na natural ang bagsak at lambot. Likas syang mahiyain pero palangiti, mahinhin at di nawala ang ugaling probinsyana na magalang at mahinhin.

Wala yatang taong maiinis sa dalagang ito, bukod sa mabait at maganda masarap pa syang magluto. Kaya nakakapagtaka kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Dale sa kanya. Anong meron sa likod ng pagkainis ng binata sa probinsyanang dalaga.? Ano kaya ang nakikita nya sa likod ng maamong mukha ni Leya? Bakit ganoon na lang ang galit nya sa babae, gayong ang buong pamilya nya ay giliw na giliw dito. Hanggang saan sya maiinis sa presensya nito? May nagawa ba si Leya noon na hindi nya nagustuhan?

Hanggang kailan kaya naman matatagalan ni Leya ang malamig na pakikitungo ng binata? May pag-asa kayang maging magkaibigan man lang ba sila? Kakayanin pa kaya nyang makitungo dito na para bang mas lalong naging mabagsik ang pakikitungo sa kanya? Ano kaya talaga ang inaayawan sa kanya ng masungit na piloto?

May mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana....meron namang itinadhana pero hindi pinagtagpo. Ngunit datapwat....may mga taong kahit gaano man paghiwalayin ng panahon o pagkakataon ay mismong ang malakas na pwersa pa ng pag-ibig ang maglalapit sa kanila sa ayaw man o sa gusto ng universe....kahit gaano katagal ang paghihintay o gaano kalayo ang paglalakbay magkikita at magkikita pa din sa dulo. Destiny, fate, meant to be.....kahit ano pa yan kapag para sa'yo....para sa'yo. Walang makakapigil walang makakapag-pabago. Sa huli wagas na pag-ibig pa din ang panalo....

Dale at Cattleya.... dalawang taong pilit pinaglalayo ng pagkakataon. Itinatanggi at nilalabanan ang kapalaran na nasa kanila ng harapan. Hanggang saan pipigilin ang nararamdaman. Kailangan pa bang magbulag-bulagan sa malinaw na katotohanan? Sino ang makakahadlang sa pwersa ng tadhana? Matitibag ba ang matibay na pader na sa kanila ay nagpapahiwalay? Saan hahantong ang dalawang buhay na sa umpisa pa lang ay magkarugtong na? Sa dulo ba ay sila pa din ang magkikita at magsasama?

Mga tanong na hahanapan ng sagot nila Dale at Leya.......kailangan nilang maging matapang para malampasan ang lahat ng ito.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon