DALE's POVIt's a typical day in the office, though tambak ang trabaho ko since day one mula ng bumalik kami ni Leya sa city. Halos di maubos ang mga meetings ko nung nakakaraang araw, site visit and all, ngayon naman halos kalahati na ang papers na kayalangan for signature. Natawagan ko lang si Leya kanina just to check on her. That vacation helped us to become closer. Malaki ang pinagbago ng relasyon naming dalawa after that. Mas na-miss ko nga lang sya kasi di na kame magkasama 24/7. Unlike nung nasa isla kahit anong oras ko sya gustong halikan at yakapin pwede.
Later this afternoon kaylangan namin ni Leya na pumunta sa office ni Inigo. Isa sa matinik na criminal lawyer ng bansa ang bestfriend nito. Sya ang hahawak sa case ni Leya against Xander. Kung dati nalulusutan nya ang mga kaso nya sisiguraduhin ko ngayon na mabubulok sya sa kulungan. Nakikipagtulungan din yung lawyer nung isang victim ni Xander sa amin. Hindi ako papayag na magpagala-gala sya sa labas at malapitan nya muli si Leya.
I dialled Leya's number, i missed her suddenly "Hey baby, what are you doing?"
"Hi! Working of course, I received the flowers you sent me. Thank you."
"Thank you lang?" biro ko kay Leya sa other line
"I love you babe...."
"I love you lang parang kulang....." kunyare nagtatampo ako
"Babe I'm in the office, somebody is here with me sa work station ko."
"Who's with you? Is it a boy? I hope not."
"No, si ate Jen may tsine-check kame sa mga bagong papasok na beneficiary. How about you? Sabi mo kanina busy ka."
"I miss you baby, i miss island life." sabay ang buntong-hininga ko
"I miss you too, gusto mo ipagluto kita later?"
"Gusto ko sana but I think we can't do that for now. Tumawag si Inigo kanina, sasamahan kita mamaya sa office nya. Kakausapin ka daw ng lawyer mo. You remember last time na kinausap tayo ni Inigo about the case against Xander right."
"Yeah, sige later na lang. Kumain ka sa oras okey."
"Okey, I better go may lunch meeting pa ako. You eat on time, I love you!"
It's re-charging for me whenever I heard Leya's voice kahit sa telepono lang. Ibang level talaga ang dating sa akin ni Cattleya. Boses pa lang nya kumpleto na ang araw ko. Sobrang lambing pa kaya mas lalong nakaka-miss pag malayo sya sa akin.
Pagkasundo ko kay Leya sa Montero Empire ay deretso na kame sa Montero Holdings. Dito sa building na 'to ang law office ni Inigo, kasama din ang Montero crew ship and cargo na syang pinamamahalaan nya. Isa ang crew ship sa mga negosyo ng Papa dati, ipinasa nya ito kay Inigo after mag take ng bar exam, ung cargo shipment expansion na nya. Si Inigo at ang law office nya rin ang namamahala sa lahat ng legal aspects ng negosyo ng mga Montero. Di naman sya siguro mabibilang na isa sa top corporate lawyer ng bansa kung wala lang.
Kame na lang ni Cattleya ang hinihintay pagdating sa office ni Inigo. Naka-prepare na lahat ng legal papers na pipirmahan nya, habang pinapaliwanag naman lahat ni attorney ang mangyayare sa proceedings sa court.
"Attorney, okey lang ba na di na pupunta si Cattleya sa trial? Hindi ba maapektuhan ang kaso kung sakaling di sya mag-a-appear sa court.?" tanong ko
"Pwede naman nating i-minimize na lang ung pagpunta nya. But definitely she has to appear in court. Pipilitin kong yung mga kailangan lang sya na hearing pupunta." sabi ni attorney
"Cattleya is still uncomfortable seeing Xander, that's why I'm asking. Ayoko syang ma-stress, she's still coping from the trauma."
"I know, we'll take note of that. Mentally ang emotionally hindi yan talaga healthy para sa kanya. Kaya kung kaya nating iwasan na di sya a-attend ng hearing mas mabuti." si attorney ulit
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
DragosteHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...