-one year and three months and twenty-seven days after the wedding
......"I'm Not Jealous, I'm Territorial. Jealous Is When You Want Something That's Not Yours. Territorial Is Protecting What Is Already Yours....And She's Mine !!! "
It's Dale's birthday, we are having a family dinner later dito sa bahay. For more than one year of being married I master all the things in my kitchen. Almost six months bago natapos completely lahat ng interiors ng bahay because some things that Dale wanted ay kailangan pang i-ship from other country. Mabuti na lang may shipping company sila ate Thalia at Kuya Inigo atleast nabibigyan kame ng priority ng company nila. Medyo tame na sya sa paggastos pero minsan nakakalusot. I made sure to talked to him about our finances kahit bago palang kaming mag-asawa. Ayokong habang buhay syang nagta-trabaho for the family. Kaya kung di naman urgent at di necessary we have to take things slow. We decided na wag muna akong magbuntis agad-agad, kahit itong unang taon lang we wanted to enjoy each other muna. Dale tagged me along kahit nasaan sya, kahit dito lang sa Pilipinas lalo na kung overseas. He sees to it that we are together whenever or wherever he is. We still date, watch movies or going out of town, moreso out of the country. Yung mga hindi namin nagawa dati nung mag-boyfriend palang kame binalikan namin lahat. Minsan may meeting sya sa Taiwan, supposed to be three days kami dun, nagkataoon may monthly period ako and my dysmenorrhea strikes so I can't go with him. Tinapos na lang nya yung meeting and he rushed home to me. He just called his business partner that he had to be home because I'm sick and he can't attend the party na para sa kanya pa naman. Sabi nya di nya kaya na malayo sa akin... just look how lame his reason. Kaya tinandaan ko yun pag-kailangan akong sumama dapat andoon ako.
I still work sa Foundation, every monday ang office day ko. Pero minsan pag napagkasunduan na andun kaming lima girls sa office napapapunta ako. Every first monday of every month may meeting ang mga stockholders. I remember their faces nung ina-announce na sa buong office that Dale and I were already married, that was January 5 yung first stockholder meeting that I attended, first day ko as one of the stockholder, at first day ko din gamitin ang office sa 11th floor. Kung saan nag-oopisina ang Mama at mga sisiter-in-laws ko. May mga nagtaas ng kilay pero mas madami ang nag-send ng best wishes to us. Andun kasi si Dale that time sinamahan ako nung nag-announce ang Mama about our wedding. Although nasa kasal ko naman ang mga kasamahan ko sa profiling, plus ate Jen and Ms. Agnes, Mama talked to them na wag mag-kwento at hintayin na sya ang mag-announce since sya ang head ng Foundation.
I've been very busy this week preparing for Dale's birthday. Ganito sana yung gagawin kong surprise dati sa birthday nya kaso naging proposal ni Dale. Last year naman we are out of the country during his birthday. We spend it in Bora Bora for a week, parang continuation lang ng honeymoon but that place was much more romantic. Literally sand, sea, sky and us. It is the most celebrated island in the South Pacific grabe sobrang ganda dun at sobra din kaming nag-enjoy ni Dale.
Ayaw sana ni Dale na ako ang mag-prepare ng mga ihahanda mamaya, pwede naman daw magpa-cater na lang. But I insist sabi ko ngayon lang, gusto ko lang ituloy yung dating plano ko para sa birthday nya. Madami namang kasama sa bahay, maraming tutulong, pati nga sya tumulong din. Besides magkakapatid na Montero and their families lang naman ang bisita and of course Mama and Papa and Sydney. Parang regular family dinner sa mansyon ng parents nya yun lang sa bahay namin gagawin and it's Dale's birthday. I love doing this things for him.
Dale is not supposed to go to the office today but something came up and he has to be in the meeting early in the morning. Pina-move na lang nya ng 9:00 AM SHARP para makauwe sya ng lunch sa bahay. Katatapos ko lang maligo sa banyo pero parang may iba sa pakiramdam ko. Lalabas na sana ako sa kwarto but all of a sudden all things turn to black and I passed out.

BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...