CATTLEYA's POV
Kung naiba lang si Dale sasabihin ko talagang inaabuso nya ako. San ka ba naman nakikita sa ganitong panahon mas gusto nyang inaasikaso ko ang tungkol sa scholarship ng empleyado nya, Pwede naman over the phone or email na lang. May messenger naman kame lalo na sa opisina nya, gusto nya pa talaga personal na gagawin. May sundo pa ako papunta at pabalik ng foundation dahil pinapahatid nya ako sa service ng office nya. Minsang si Lot ang pumunta sa kanya di nya talaga pinirmahan yung kailngang papeles. Pinabalik nya si Lot sa office namin at hinintay ako ng driver nya. Hindi ko na tinapos yung ginagawa ko at pinapasa na ni Mam Agnes yung ginagawa ko kay Lot. Pasaway talaga yung lalaking yan.
Sa ilang linggo after namin mag-lunch parang ibang Dale na ang kausap ko at ka-text. Minsan basta na lang susulpot sa harapan ko at mangungulit. Kagaya ngayon andito nanaman ako sa Montero Telecom para sa final papers na pipirmahan nya at ni manong. Mag-uumpisa na ang pag-process ng scholarship ng anak nya.
Si Dale habang pinipindot ang intercom sa staff nya sa labas, "Grace, Grace....."
" Sir nasa accounting po si ate Grace...." si Sheila isa sa staff nya ang sumagot
" Nevermind....." sabay tiningnan ang tasa ng kape na wala ng laman. Kunot ang noo nya habang binabasa ang papeles na pinapipirmahan ko sa kanya.
Nagtataka naman ako kasi alam nanaman nya lahat ng nakasulat doon, bakit binabasa pa nya ulit. Tumayo ako sa harap ng table nya at tinanong ko sya...." Magpapatimpla ka ba dapat ng kape kay Grace? Gusto mo ako na lang gumawa ng coffee mo?" sabay kuha sa mug na kalapit ng laptop nya
" Titimplahan mo ako?" sabay silip nya ng parang nakakaloko sa akin may tipid pang matamis na ngiti "Thank you....."
Tumalikod ako sa kanya at ipinagtimpla ko ng kape dito sa personal pantry sa loob mismo ng office nya. Para nanamang may maliliit na paru-parong nagliliparan sa loob ng tyan ko at feeling ko padami sila ng padami. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Dale lalo pag malapit sya sa akin. Sa simpleng tingin at ngiti nya biglang kakabog ang dibdib ko. Hinatag ko ang kape sa table nya at bumalik sa upuan ko kanina.
Ininom nya ang kapeng timpla ko... "Ang sarap naman neto. Gusto mo dito ka nalang mag work sa akin? Doblehin ko sweldo mo. Mag-resign ka na dun.... lipat ka na dito." ang nakakalokong sabi nya sa akin
IIling-iling lang akong tumingin sa kanya. " Sir okey na po ba lahat ng nasa papers? Yan po lahat ng mga napagkasunduan, pirma nyo na lang po ang kulang. Ahhh nga pala ..... sana magustuhan mo yan." inabot ko sa kanya ang isang paper bag. Since last ko ng pagpunta sa office nya pinagluto ko na sya ng paborito nyang kaldereta.
" SIR....PO??? Mukhang nakalimutan mo ang nagpag-usapan natin ah...?"
" Sir nasa office po tayo....baka kayo po ang nakakalimot.....ilagay ko lang ito sa pantry nyo baka mangamoy yung office eh." sabay tayo at kuha ng paper bag para tumuloy sa pantry.
Di ko naramdaman na sumunod pala sya sa akin kaya nagulat ako ng pagbaling ko pabalik dapat sa loob ng main office nya.....
" Nasa office nga tayo pero tayong dalawa lang ang andito.....Sige payag akong wala kang parusa , but on one condition...."
Pumwesto si Dale sa likuran ko para ikabit ang maliit na kwintas sa aking leeg. Hawak ko ang hugis pusong pendant nito at halos di ko maiangat ang buong mukha ko sa sobrang kaba. Natatakot akong may mapansin syang hindi dapat, Dahil kahit ako ay di ko mapangalanan kung anong nararamdaman ko.
Inangat ni Dale ang baba ko gamit ang isang daliri nya, ramdam ko ang pag-iinit ng buong pisngi ko at ang di mawaring kaba ng dibdib ko.
" Ayokong makikitang di mo 'to soot.... magagalit ako, mas lalong di mo pwedeng tanggihan yan. That's my graduation gift to you."
![](https://img.wattpad.com/cover/238608058-288-k968082.jpg)
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...