TEASE

10.1K 196 9
                                    

medyo SPG

DALE's POV

I've known Leya since I can remember that's what I thought. Until we stayed in Isla Elena, I never imagine her distant to me. Yes she talks, she smiles and randomly look at me, but I can feel the wall she's building. And I won't let it happen, no i will break those walls until we'll be back to where we were before.

Ang hirap nyang kapain sa totoo lang. Natatakot akong magkamali, one wrong move and I'm doomed. Ayokong madagdagan ang sama ng loob nya, nagka-ayos na kame OO, pero alam kong may hesitation pa din sya. Sabi ni Alix sa akin kagabi over the phone I just have to prove my tarnish sincerity. Bago kay Cattleya ang lahat ng ito kaya mabigat sa dalahin nya lalo na kung masakit ang isang bagay na nararamdaman nya. I will completely remove all her heartaches from Bianca's words, all the lies that she feeds to Leya's mind. Babawiin ko lahat ng sakit, ng iyak at hikbi na naramdaman nya.

Hindi pa bumabalik sa normal ang lahat, pero di kame aalis dito hangang may problema pa. Nakakapagpagaan lang sa loob ko ay ang makita syang nag-eenjoy dito sa isla. Basta lahat ng ginagawa nya lalo sa loob ng bahay katulong nya ako. Kagabi sa sofa ako natulog. Okey na yun kesa sa kabilang kwarto nya ako itaboy. Kahit gusto ko syang tabihan sa kama nakahiyaan ko na lang, isa pa di naman nya ako inalok kaya pinanindigan ko na lang ang pagtulog sa sofa.

Minsan nakikita ko syang natutulala at parang malalim ang iniisip, alam ko din sa ngayon tinitimbang nya lahat ng mga bagay. Maghihintay pa din ako hangang bumalik ang dating malambing na si Cattleya.

Makakain ng agahan pangalawang araw sa isla habang abala kame ni Leya sa pagliligpit ng kinainan....

"Baby you want to go around? Maganda ang araw baka gusto mong mamasyal?"

"Pwede? Talaga? Gusto ko sa tabing dagat." may sabik sa boses nya at natuwa ako dahil ito ang una nyang pag-ngiti ngayong araw

"Sana pala nanood tayo ng sunrise kanina, alam ko gusto mo yun. Sige bukas maaga tayong gumising para maabot natin yung sunrise." sabi ko sa kanya

"Mamamasyal na ba tayo, mamaya ko na ipe-prepare ung lulutuin pagbalik natin." sagot nya

Papalabas na sana kame ng bahay ay paparating naman ang mag-asawang katiwala namin.

"Magandang umaga po." bati ng mag-asawa sa amin

"Oh manong may kailangan po kayo?" tanong ko sa mag-asawa

"Naku wala po, dinalhan lang po namin kayo ng maybahay ko ng ulam, sana po magustuhan nyo. Bagong huli po kanina yan kaya deretsong niluto ni misis dito sa palayok. Pumalaot po kame kagabe medyo masagana po ang huli. Nagdala din po kame ng dinaing na isda pwedeng iprito bukas ng agahan." si manong

"Malamang po masarap yan misis nyo nagluto eh." papuri ko

"Sir san po ba pwede ilagay? Mamaya iinitin na lang po bago kumain." si manang naman

"Ah dito na lang po, nag-abala pa po kayo, salamat po." si Leya habang tinuturo kay manang kung saan ilalagay ang palayok na may lamang ulam.

"Naku sir napakaganda naman po pala ng misis nyo." si manang habang nakatitig sa namumulang si Leya

Lumapit ako kay Leya at iniyakap ang isang braso ko sa bewang nya, di naman sya tumutol sa ginawa ko at nagpatuloy akong magsalita kaharap ang mag-asawang katiwala "Siempre manang MISIS ko yan eh, para sa akin sya ang pinaka-maganda." sabay halik sa ulo nya

"Eh sir maganda naman po talaga ang asawa nyo, parang artista." si manang ulit

Intensyon kong di baguhin kung anong nasa isip ng mag-asawang katiwala, alam kong naiilang na si Leya pero hahayaan kong malaman ng buong isla na asawa ko sya, di pa man ngayon pero yun ang mangyayari.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon