ANNOUNCEMENT

8.2K 147 0
                                    

CATTLEYA's POV

Halos set to go na lahat ng mga kailangan para sa kasal. Mabuti na lang at pumayag ako ng may wedding planner kame na tutulong sa akin para maasikaso lahat ng mga kailangan. Aaminin ko na noong una parang ayoko sana, kung ordinaryong pamilya lang sana sila Dale pwedeng ako na lang ang mag-asikaso. Mahaba naman ang halos siyam na buwan na preparation para sa kasal. But since Montero is not an ordinary family sa dami ng mga kakilala nila sa business world mahirap makipagsapalaran.

From church to reception, flowers and food, entourage and principal sponsors, videos, pictures and pictorials mula sa malalaki hangang sa maliliit na detalye halos patapos na. Sa mga sosootin naman si ate Alix na lahat ang bahala, marami syang ginawang mga design ng wedding gown para akin lahat maganda. Nagbigay lang ng mga specifications si Dale patungkol sa damit ko alam na this, no plunging neckline, no backless at higit sa lahat walang mataas na slit. Nawindang sila ate Thalia at ate Sam, halos mag-amok si ate Alix sa mga pinagbawal ni Dale. In the end nag-compromise na lang with the help of Mama. Tapos na rin namin ang pre-nup pictorial, well di pa lumalabas ang end product pero nakita na namin ang mga stills.

Mang-gagaling pa ng Dubai ang wedding ring na ipinagawa ni Dale, kung saan din nya ipinasadya ang engagement ring ko last March. Si kuya Zeigan na ang bibyahe papuntang Dubai since may client sya na ka-meeting doon. Noong una kame sana ni Dale ang kukuha ng wedding ring pero ayaw ng pumayag ng mga parents namin na ba-byahe pa kame ng malayo. May mga pamahiin silang sinusunod kaya quiet na lang kame.

Tapos na din sa wakas ang food tasting , na finalize na ang ten course meal, gusto ni Nanay at ni Mama na bukod sa ten course meal ay magdadagdag sila ng mga pagkain na sa Sta Monica lang matitikman. Sa wine naman hinayaan ko na si Dale mag-decide since mas alam nya kung ano ang magugustuhan ng mga bisita. Nakapili na din ng cake at mga give-aways.

Invitations are almost done for distribution, halos 97% naipadala na lahat, marami na din nag confirm ng attendance nila para sa wedding, halos wala pang natatanggap na tawag para mag-decline ng reservation. Mas maagang ipinamigay ang invitation since kaylangan ng headcount para sa room ng hotel. Tinuloy talaga ng Papa ang pagpapa-reserve ng tatlong hotel malapit sa cathedral kaya malamang dudumugin ng bisita ang Sta. Monica.

Ang garden at lawn ng hacienda Montero ay halos bagong bihis, ng huling luwas ko sa probinsya ay muntik ko ng di makilala, kung dati ay maganda na ito ay mas lalo ngayon. Mas dumami ang mga halaman at nadagdagan din ng mga bulaklak. May man-made waterfalls na tuloy-tuloy ang tubig sa isang wishing well. Pati ang mansyon sa loob ng hacienda binago din ang pintura ayon sa motif ng kasal.

Halos lahat ng napag-usapan at napagkasunduan sa pamanhikan ay nagawa na. Actually nakinig lang kame ni Dale dahil si Nanay at si Mama ang lahat ng nagplano at nag-ayos. Tinatong lang nila ako kung okey ba sa akin ang gagawin nila, pinanindigan at pinapa-alala lagi ni Dale na ako dapat ang masusunod sa lahat ng mga desisiyon na gagawin. Yun naman ang ikinatutuwa ko din, kahit silang dalawa ang mga nanay namin, lagi nila akong kinokunsulta pag may gusto silang idagdag o baguhin na mga bagay tungkol sa kasal, maliit man o malaki. Masarap lang na makitang pareho silang hands-on sa pag-aasikaso at pag-aabala sa amin.

Dalawang beses ang nangyareng pamanhikan sa bahay namin sa probinsya, di ako makapaniwalang sa simpleng bahay namin talaga sila nagpunta, lumuwas pa galing Manila para pormal na ipag-paalam ni Dale ang intensyon nyang pagpapakasal sa akin. Literal na hiningi nya ang kamay ko sa mga magulang ko at nakiusap na payagan kaming magpakasal. Di naman sya nabigo at ibinigay nila Tatay ang blessing na hinihingi ni Dale....naming dalawa! Sa pangalawang pagkakataon naman ng pamanhikan ay ng may mabuo ng mga detalye para sa magaganap na kasalan. Doon halos umagahin sa pag-uusap ang dalawang matandang babae. Pati si Tatay at si Papa ay napagod na sa pakikinig sa kanila.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon