WAVELENGTH

10.8K 198 4
                                    




DALE's  POV

After the pool incident sa bahay nila Zeigan mas lalo kong dapat bantayan si Cattleya. Sa sobrang kainosentehan nya di nya nare-realize kung gaano sya ka-ganda at ka-akit-akit sa paningin ng mga lalakeng gaya ko. Kung may magagawa lang ako para di sya matingnan o mas malala kung titigan pa gagawin ko siguro. Kahit pinagsasabihan ako ng Mama sa pagiging possessive ko kay Leya wala syang magawa, di ko na lang din gaanong pinapahalata kay Leya na todo bantay ako. Mahirap na pagmumulan na naman ng pagtatampo nya sa akin. Ayoko pa naman na galit sya hindi ko kaya. Pinagbibigyan ko na lang ang mga paglalambing nya. Pag nagpapaalam na may gustong gawin na di ako kasama pinapayagan ko pero may nakabantay sa kanya di nya lang alam.

Nasa elevator na ako ng Montero Empire paakyat ng 10th floor kung nasaan ang Montero Foundation. I want to surprise her kaya susunduin ko sya mismo sa office nya. Ang alam ni Leya may late afternoon meeting pa ako, yun kasi ang sinabi ko sa kanya. Meron naman talaga akong naka-schedule na imi-meet,  di nga lang nya alam na sya yung ka-meeting ko.

Bago ako nagpunta dito ay dumaan muna ako sa flowershop na tinawagan ko kanina. Nag-order kasi ako ng yellow calla lily bouquet for her. Bukod sa cattleya na bulaklak ay paborito din nya ang calla lily. Wala akong alam sa mga bulaklak, hindi ako kailanman nagbigay ng bulaklak kahit kaninong babae. Mula lang ng naging girlfriend ko si Cattleya ay natuto akong bumili ng bulakalak, napapasaya ko sya tuwing binibigyan ko sya ng mga ganito.

Pag-apak pa lang ng mga paa ko sa 10th floor mula sa elevator ay nakatuon na ang lahat ng mata ng mga tao dito sa akin. I'm still wearing my three piece suit dahil galing pa lang ako sa opisina. Very intimidating sabi nga ng mga staff ko sa Montero Telecom. Kahit araw-araw nila akong kasama ay nandun pa din ang pagkailang ng marami  sa presensya ko. Marahil ay dahil sa di ako palangiti, at namimili ng kausap. SNOB ang bansag sa akin ng buisness world. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa cubicle kung san naka-pwesto ang table ni Leya. Nakatalikod sya at may kinukuha sa cabinet kaya di nya nakita ang pagpasok ko sa cubicle. Iniwasan kong makagawa ng ingay para di nya maramdaman ang pag-upo ko sa upuan sa harap ng table nya. Pigil ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang baby kong bising-busy. Hanggang sa humarap na sya at halos panawan ng kulay ang buong mukha pagkakita sa akin.

Napaupo si Leya, alam kong abot-abot ang kaba nya dahil sa biglang pagsulpot ko. Inabot ko  sa kanya ang tinatago kong bulaklak at pasimpleng hinalikan sya sa pisngi. Kung kanina ay namutla sya  pagka-kita sa akin ngayon naman ay para syang nagkulay kamatis sa sobrang pula ng mga pisngi. Napaka-bilis talaga nyang magpalit ng emosyon. Mataas naman ang mga walls ng cubicle kaya alam kong di ko sya ilalagay sa alanganing sitwasyon. Besides wala akong pakialam kung anong sasabihin nila, kaya kong panindigan si Leya kahit saan kame makarating. I want everybody to know kung sino at ano si Leya sa buhay ko. 

"Why are you here? Are you supposed to be in a meeting." boses ni Leyang bumubulong

"Cancel yung meeting ko, so I decided to fetch you. Bakit ka bumubulong." natatawang sabi ko

"Capt. Montero, pasaway ka po talaga. Bakit di ka man tumawag? Pabigla-bigla ka po."

"That's my intension. I want to surprise you. Do you like the flowers?"

Yakap ni Leya ang bouquet ng calla lily at matamis na ngumiti sa akin "Thank you sa flowers!"

"That's because i love you.... anything for my baby!"

"I love you too...." sa mahinang tono ng malambing nyang boses

"Let's go, pinagpaalam na kita kanina pa kay Ms. Agnes sabi ko may lakad tayo."

"What??? DALE!!!!!" halos isigaw nya pabulong ang pangalan ko kaya mas lalo syang namula

Nag-ayos na sya ng mga gamit sa table at naghanda sa pag-alis namin. Malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leya bago kame sabay na lumabas ng cubicle. Bitbit ang bouquet ng calla lily ay dinaanan naming dalawa ang mga napanuring mata na sa amin ay sumusunod habang patungo kame sa executive lift ng building. Mas lalo ko pang tinukso ang mga malisyoso nilang mga isip ng ina-lalayan ko ang likod ni Leya habang naglalakad at hangang makapasok kame sa loob ng elevator. Gusto kong makita ang mga reaksyon ng mga tao dito at kung ano man ang ikinakatakot ni Cattleya sa magiging resulta ng pagsundo ko sa kanya ay ako mismo ang haharap. Parang alam ko na kung anong ibig sabihin ni Leya nung sinabi nyang pinoprotektahan nya lang ako. It will never be that way, it must be the other way around.  Walang pwedeng umapi sa girlfriend ko, at wala silang karapatang i-tsismis kung ano man ang nangyayare sa personal nyang buhay.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon