STA. MONICA

8.1K 141 4
                                    

DALE's  POV

It's the week of our wedding, kahapon pa bumiyahe si Leya pauwe ng Sta Monica, I let her go without me basta kasama yung bodyguard/driver nya. Originally sabay kame dapat  luluwas,  kaso kaylangan na si Leya doon at may aasikasuhin naman ako dito sa Manila. Sa Wednesday susunod na din ako sa probinsya, tatapusin ko lang lahat ng kaylangan dito sa opisina. Actually tinapos lang ni Leya ang stag party for me, ayaw nya daw ng malayo sya at baka madaming babae ang invited  sa party. Malabo naman yata yun, sa mga asawa pa lang ng mga kapatid ko mahigpit na yung bantay. Besides wala naman akong balak na makipag-one-night-stand, yes may stripper imposible naman na wala, but good boy kame lahat, besides sa nakabantay ang mga asawa nila....nakabantay din ang future wife ko. Ayoko naman na di nya ako siputin on our wedding day.

Kahapon pagdating pa lang ni Leya sa bahay  tinawagan ako agad, may kasalanan daw ako sa kanya. Pina-renovate ko kasi ang kwarto nya sa bahay nila Nanay. I was informed by our wedding planner na baka mainitan si Leya habang binibihisan sa wedding day wala daw kasing aircon ang kwarto nya. Si Tatay ang kinausap ko tungkol dun pumayag naman nung pinagpaalam ko kaya wala syang kaalam-alam sa ginawa ko.  

Dalawang araw pa lang na di kame magkasama parang di na ako tatagal. Simula ng proposal ko halos walang araw na di kame nagkikita. Di na nagpapasaway ang Mama at di na ako pinapahirapan kapag nagpa-paalam ako na isasama ko si Leya. Tama talagang pinasama ko si Joma pag-uwe ng probinsya para may bantay lagi si Leya lalo kung lalabas ng bahay. Ayoko na nagko-commute sya kahit malapit lang ang pupuntahan. Yun na din naman ang usapan naming dalawa, at pa-sikreto ko din na kinausap si Nanay at si Tatay. 

Ang alam ni Leya bukas Thursday ng umaga pa ako luluwas, pinilit kong tapusin lahat ng mga kailangan ko today sa Manila para di ako gabihin sa byahe. Kabilin-bilinan ng Mama na wag akong ba-byahe pag gabi na at alam ni Leya yun. Bago mag eight malamang nasa hacienda na ako. Bukas na ako magpapakita sa kanya para di ako masita, baka pagsimulan pa ng away mahirap na. 

"OH hijo kala ko bukas ka pa?"  si Papa

"Tinapos ko na yung gagawin ko kaya after lunch byahe na kame ni Boni. Si Mama?" 

"Nasa simbahan pero alam ko tutuloy pa sya kila Caring."  

"Alam na ba ni Leya na andito ka na?" 

"Tinatawagan ko nga kaso di sumasagot, Busy yata, magmula ng lumuwas nakalimutan na yatang sagutin yung mga tawag ko."   tampong sabi ko

"Dale busy talaga sila, ang Mama mo nga halos di ko na inaabot pagising ko eh." 

"Di bale magkikita naman kame bukas, pupuntahan ko na lang sa bahay sa morning, hapon pa  kasi ung confession namin sa cathedral. So may time pa kame sa umaga."

"Mukhang naiinip ka na ah, ilang araw na lang naman ang ipaghihintay mo."

"PA, alam mo naman kung gaano ko katagal hinintay si Cattleya di ba?"

"I know, I know......it's worth the wait, matamis ang bunga pag pinitas mo ng hinog na."  at biglang tumawa ng malakas ang tatay ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tinawagan ko na lang si Joma, may mga bisita nga daw sa bahay isa na ang Mama. Mukhang di ako makakasingit kung pupunta pa ako. Di ko lang masosolo si Leya. Mas mabuti pang makapag-pahinga ng maaga para bukas maaga ko din mapuntahan si Leya. Tatlong  araw na kaming di nagkikita, Sunday pa ng madaling-araw ko sya huling nakita bago sya umuwe dito sa Sta Monica. 

Kung pwede nga lang na hatakin ko na ang mga oras at araw para Sabado na , wedding day at masosolo ko na sya. Ang hirap pala pag wala sya sa tabi ko, ang bagal ng oras at yung mga araw parang ayaw dumaan. Nakakainip, nakakabagot parang slow-mo lahat. Babawiin ko ang lahat ng mga oras na wala sya sa tabi ko, humanda sya sa akin bukas.

Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon