CATTLEYA's POVMaayos na naidaos ang blessing ng orphanage, Kumpleto ang buong pamilya ng mga Montero. Palagi naman ganoon sinusoportahan nila ang bawat isa, maliit man o malaking proyekto, andyan sila para sa isat-isa para umalalay. Atleast natapos ang event ng maayos, lahat masaya lalo na ang mga bata sa orphanage. Kahit nakakapagod, fullfilling naman.
Para akong sisipunin pero di pwedeng di papasok, ngayon ang aalis ng team papuntang Tuktukan sa Pampanga, isang baranggay ito sa bundok malapit sa Mt. Pinatubo. Medical mission para sa kanila, mauuna lang ng isang araw ang team para asikasuhin at dalhin lahat ng kailangan. Pinalitan ko si Lot na dapat sana sasama sa team, katatawag lang nya para inform ang office, dinala sa ospital ang kapatid nya positive sa dengue. Kaya sinabi ko kay Ms. Agnes ako na lang.
"Sigurado ka Leya? Ikaw na lang? OK sige umalis ka na ngayon para makakuha ka na ng gamit mo. Dalhin nyo na yung service para mabilis. Sige na GO na.!"
Mabilis kaming nakarating sa bahay, pinaghintay ko na lang sa labas ng gate yung van.....
"Manang aalis po ako, paki sabi po kila tita Elena sasama po ako sa team papuntang Tutukan. Kulang po kasi ng tao may emergency po yung dapat na sasama kaya ako na lang po ang papalit. Mga three days po kami doon."
"Bakit di mo kaya muna tawagan si Donya Elena?" si manang
"Eh busy po yun kasi alam ko ngayon bibisita ung mga sponsor ng orphanage. Tatawag nalang po ako pag may chance saka kung may signal. Alam naman po ni tita Elena yung tutulak papuntang Pinatubo. Paki sabi nalang din po. Di po ako sure sa signal saka alam nyo namang may katok ung telepono ko."
"Ay sige mag-iingat ka ha."
"Ay wait lang magbabaon po ako ng gamot para po kasing sisipunin ako."
"Naku ikaw na bata ka, sobrang pagod mo yan, tapos ngayon lalarga ka pa."
"Sipon lang naman 'to manang.....okey lang po ako. Alis na po ako...."
Biyahe na kame papuntang Pampangga, lima kame sa team palitan na lang ang 3 lalake sa pag-drive kung may mapagod, si kuya Bong ang team leader namin, si ate Jen naman ang isa sa resident social worker ng foundation. Close ako sa kanya mula noon pang OJT pa lang.
Madilim na ng makarating kame sa lugar kung saan kame maglalagi ng ilang araw. Kame ni ate Jen ang magkakasama sa kubo, ang mga lalake naman ay nasa kalapit na kubo lang namin mag-stay. Walang kuryente dito ang tanging may ilaw lang ay dun sa baranggay dahil sa generator. Pwede din maki-charge basta magpapa-alam lang. May mga dala kaming emergency light, maliban sa gasera na pwede naming gamitin na nandito sa kubo. Dinalhan kame ng pagkain ng mga taga-rito. Naghanda pa talaga sila para sa amin. May adobong manok, ginataang puso ng saging at isdang inihaw.
Kinabukasan nagising akong mabigat ang pakiramdam, mainit ang loob ng mga mata ko. Inabutan ako ni ate Jen na umiinom ng gamot kaya sinalat nya ang noo ko. Pinagpahinga nya ako pero maghapon na ay halos di bumababa ang lagnat ko, sobrang nilalamig na din ako. Nakadagdag pa ang ulan na di man lang humihinto. May pumuntang taga-barangay para ipaalam sa amin na di makaka-akyat ang mga doctor dahil lumihis ang bagyo at mahahagip ang central Luzon
"Hala Leya sobrang init mo, pilitin mong kumain mas lalong kang manghihina nyan." si ate Jen habang sinusubuan ako ng pagkain dito sa may papag, "after nito pupunasan kita, bakit ba parang di pinapakinggan ng katawan mo yung gamot na iniinom mo, tama naman sa oras."
"Sori ha nagkasakit ako...."
"Ano ka ba naman Leya wala namang may gusto ng ganito. Nag-aalala na kame sa'yo. Pagaling ka na. Kain ka pa kahit konti, sige na please pilitin mo. Sana bukas okey na ung panahon para madala ka namin sa ospital." si ate Jen ulit
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...