Halos walang palya ang padala ng bouquet ng red roses kay Leya sa opisina nila. Walang pangalan ng sender o kahit anong nakasulat sa card. Ayaw nyang isipan na si Jeff ang nagbibigay nito. Lagi naman itong tumatawag o nagte-text sakaling may ibinibigay na bulaklak. At laging sa mansyon ito dini-deliver ng messenger. Iisa ding klase ng bulaklak ang padala nito sa kanya....sunflower. Kaya wala syang ideya kung kanino nanggagaling ang mga pulang rosas.
CATTLEYA's POV
Kadarating ko pa lang ng bahay at nakabungad na sa akin si Jeff sabay abot ng bulaklak.
"Hi! Sorry di na ako nakapagsabi na pupunta ako dito."
"Sige upo ka, kumusta?"
"Ako dapat magtanong nyan sa'yo....How are? Parang pumayat ka yata?"
"Okey naman medyo busy kame sa foundation. Dami din inaasikaso sa orphanage."
"Pasensya na ha biglaan punta ko baka kasi less than a week lang ulit ako dito, kailangan kong bumalik ng Singapore tuloy na yung gagawin naming hotel doon. Medyo madami pang paper works na kailangan. Saka final drafting ng designs."
"Ooohh mas busy ka pala kesa sa akin, pero I'm happy for you. Very successful ka na sa field mo, pinag-aagawan ka na yata eh."
"Ah sya nga pala, for you." sabay inabot sa akin ni Jeff ang isang paper bag
"Di ba sabi ko sa'yo pwede ka naman pumunta dito ng walang dalang mga ganito. Jeff remind ko lang ha friendship lang talaga ang kaya kong i-offer sa'yo. Ayokong umasa ka pa sa akin saka ayokong ipagpatuloy mo pa ung panliligaw mo."
Nakatingin lang si Jeff sa akin, bagsak ang balikat pero ayaw pa ding sumuko, "Alam ko naman yun, nagbabakasakali lang kasi single ka naman. Tama ba ako single ka pa hangang ngayon."
Di ko sya sinagot bigla kong naisip si Dale at ang mga ginagawa nya pag magkasama kame. Ang pag-aalaga nya sa akin, pagtawag para tanungin kung kumain na ako. Minsan naman magte-text na walang kwenta nyang joke kasi sobrang luma na. Hindi ko alam kung para saan ang lahat ng yun. Kinikilig man ako pero ayokong bigyan ng kahulugan. Ako na mismo ang nagse-censor sa nararamdaman ko. Kasi malabo yun.....
Bigla kong naalala na nasa tapat ko pala si Jeff kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya....Nakatingin din sya sa akin na parang may hinihintay na sagot.....
"Ano nga ulit ang tanong mo?" sabi ko
"Malayo na ang narating ng isip mo. Now i understand...."
Kunot ang noo kong tinanong ang kausap ko, "Understand what????"
"Sana nagkakamali lang ako, but i think there is someone in your heart right now." si Jeff
Mas lalo akong nawala sa wisyo sa sinabi ni Jeff. How come that he knows what's on my mind? Sobra na ba akong obvious? Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko mas okey na yung ganito kesa magsinungaling pa ako. Baka mas lalo ko lang ilubog ang sarili ko.
"Sorry too personal. It's not my intention to meddle. But I'm happy for you. No hard feelings, from the start naman sinabi mo na hangang friendship lang. Timing din coz magiging super busy ako going back and forth. So dapat tanggapin mo talaga itong dala ko for you. Please last na 'to." nakangiti nyang inabot ulit sa akin ang paper bag
Di na sya nagtagal at nagpaalam na din. Hinatid ko sya sa may gate kung saan naka-park ang oto nya. Bago pumasok si Jeff sa oto ay may isang humaharurot na big bike na paparating. Akala ko masasagi nya si Jeff ang bilis at ang lapit nya dito kaya kinabahan ako at napasigaw. Di ko nakita ang plate number di rin kita ang mukha gawa ng naka- helmet ng driver. Pinaalala ko na lang kay Jeff na mag-ingat sa pag-uwe nya.
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomantikHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...