CATTLEYA's POVBusy week again for Dale, mahirap talaga pag business man at mayaman ang boyfriend mo lalo na at dalawang naglalakihang negosyo ang sabay nitong pinapatakbo. Kulang na kulang ang oras nya sa maghapon sa mga meetings pa lang. Ganito din ang reklamo ng mga asawa ng mga kapatid ni Dale kapag nagku-kwentuhan kame.
Sa ngayon advantage ito para sa akin. Yung nangyare last Sunday sa Manila Hotel di ko pa kayang i-discuss kay Dale. Hindi ko pa sya kayang tanungin tungkol dun. Hindi ko din sya kayang makausap muna kasi naiisip ko pa lang naluluha na ako. Grabe sobrang masakit kahit wala pang kumpirmasyon ang mga sinabi ni Bianca. Halos di ako makatulog pag naiisip ko yung mga yun. Mabuti at pumayag si Ms. Agnes na ako ang sasama kay ate Jen dito sa orphanage, kulang kasi ng tao kaya nag-volonteer na lang ako . Anyway pwede ko naman gawin yung ibang profiling dito, tatlo pa silang naiwan dun at may telepono naman kung kailangan naming mag-uusap.
Mas gusto ko muna dito nakakalibang kausap yung mga bata, nakakahawa ang mga tawanan nila lalo pag naglalaro sila sa garden, mas magaan sa pakiramdam compare pag nasa loob ng opisina. Dito napapanatag ang isip ko kahit papano, minsan kasi nakakapagod mag-isip, parang kahit anong piliin ko masasaktan at masasaktan pa din ako. Alam kong kailangan kong harapin si Dale sya lang naman ang makakasagot ng mga tanong ko eh. Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob, gusto ko pag-kinausap ko na sya handa na ako kahit ano pang kalabasan. Pabor man yun sa akin o hindi.
Malamang nakakahalata na din yun kasi lagi akong nagmamadali pag tumatawag sya sa akin. Kaya nagdesisyon na ako na sa Montero Telecom na ako tumuloy after ko sa orphanage, tutal naman ay maaga pa malamang nasa office pa si Dale. Tatawag naman yun kung paalis na sya dun eh. Ewan ko ba kanina pa talaga ako di mapakali, gusto ko ng makausap si Dale ng personal. Sa totoo lang iba ang kaba ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit.
Sakay ng elevator pinindot ko ang 25th floor, sa top floor sya nago-opisina ang susunod na sa itaas pa noon ay ang helipad ng building. Dito sa buong 25th floor ang opisina ng CEO ng company, kasama nya dito ang dalawang receptionist at apat na staff. May sariling conference room sa floor na ito na madalas gamitin ni Dale sa mga meetings nya.
Pagkakita sa aking ng receptionist ay bumati naman , alam naman nilang taga foundation ako, na pinapatakbo ng Montero Empire, may mga pagkakataon din dati pag-minsan kasama ako ni tita Elena sa mga meeting nadadaan kame dito. Sa ngayo hindi ako sigurado kung may alam na ang staff ni Dale tungkol sa amin. Sabi nga ni Dale we don't owe anyone any explanation, bihira naman din akong pumunta dito.
"Hi Ms. Leya! Grabe ka ang tagal mo ng di nagagawi dito, kelan pa nung huli ah?" si Grace isa sa staff ni Dale
"May kailangan lang ako, Busy ba si Capt.?" tanong ko
Makahulugan ang tingin ni Grace lalo na yung ngiti nya pero ayokong patulan..."May bisita lang sya si Ms. Bianca, sandali inform ko na andito ka...."
Nagulat man ako sa binanggit nyang pangalan na bisita ni Dale ay maagap ko naman siyang naawat na tawagan si Dale sa intercom... "Ooops wait lang, may kausap nga pala ako, babalik na lang ako next time. Saka baka matagalan pa eh may naghihintay sa akin. Sige ha..."
Di ko na hinintay pang sumagot si Grace, patakbo kong tinungo ang elevator at pinindot ang buton pababa. Gusto ko ng makalayo sa lugar kung nasaan silang dalawa. Nanginginig ang buong katawan ko sa pagpigil ng iyak na malapit ng sumabog sa dibdib ko. Ayokong sumakay sa van na nilaan ni Dale para sa akin. Mamaya ko na tatawagan si Joma pag nakasakay na ako ng taxi. Mas importanteng makalayo muna ako sa building ni Dale.
Habang naghahanap ng taxing masasakyan ay papalayo din akong naglalakad sa building ni Dale, ng may biglang gumilid na sasakyan at nagbaba ng bintana si Bianca....
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomansaHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...