CATTLEYA's POVSa Friday na ang graduation ko, mamayang hapon luluwas na sila nanay pa-maynila. Sarap sa pakiramdam na may napuntahan lahat ng paghihirap ko mula pa noon, ga-graduate na din ako sa wakas, at may bonus pang trabaho. Desidido na talaga akong mag-staysa Montero Foundation . Very fullfilling ang ginagawa ko doon. Sarap sa pakiramdam na marami kang natutulungan. Kaya lang ang hirap ihiwalay ng personal sa trabaho lang. Lalo pag bata o sanggol ang involve. Sa profiling ng mga cases sa foundation, dapat hindi lang sa isang side ka nakatingin, dapat lahat ng aspeto bubuksan mo. Yung mga deserving ang uunahin at yung mas nangangailangan ng tulong. Madami pa akong dapat matutunan pero okey lang basta masaya ako sa ginawagawa ko. Malaking foundation ang Montero at di tipid sa sponsor, medical, educational pati shelter at ang pinaka-gusto ko yung orphanage.
Nagulat ako ng biglang pumasok si Sydney sa kwarto ko. May dala itong malaking kahon at ang laki ng ngiti sa akin...." hello ate kadadating lang nito para daw sa'yo."
Kasunod noon ay ng-ring ang telepono ko, pangalan ni ate Alix na wife ni kuya Zeig ang tumatawag...... "Hello ganda....sukatin mo yang damit na pinadala ko, check mo kung swak na sa'yo. Yan ang sosootin mo bukas ha. Pinaghirapan ko yan kaya kaylangan yan ang sootin mo......BYE! "
Di man lang nya ako hinintay sumagot....binuksan ko ang kahon at nagulat ako sa damit na nasa loob. Color baby pink na filipinana dress grabe ang ganda. Pinatong ko sa katawan ko habang nakaharap ako sa salamin. Ang ganda talaga....tinawagan ko fone ni ate Alix....
" Hello ate Alix san galing 'to? Saka may damit na po ako para bukas sa graduation ko. Sobrang ganda po malamang mahal 'to...."
" Galing yan dito sa boutique ko....rush nga yan eh..... yan ang sootin mo bukas kasi ipinagawa yan para talaga sa'yo. Alam ko nagustuhan mo....tama ba ako?"
" Siempre naman nagustuhan ko, sobrang ganda kaya. Pero....." Pinutol ni ate Alix ang sasabihin ko
" Wala ng pero-pero yan ang sootin, para sa'yo talaga yan.... ! Sige ka baka may magtampo. Just say thank you Leya it is specially made for you, Okey.....!"
" Thank you ate....."
" MAKAKARATING....." sabay hagikgik ni ate Alix bago ibaba ang tawag
Anong ibig sabihin ni ate sa sagot nya, makakarating....saan? Ang labo, Hinayaan ko na lang kasi mas excited akong sootin yung dress.
Lahat na lang ng friends ko napansin ang damit na soot ko noong graduation, pati ang DEAN ng college namin di naiwasang punahin ang baby pink filipinana dress. Napakasimple naman ni walang abubot pero feeling ko natatangi sya. Maayos na nairaos ang graduation kumpleto ang pamilya kong naka-luwas ng Maynila. Naghanda ng konting salo-salo sa mansion. Gusto sana nila tita Elena na kumain sa mamahaling restaurant pero tumanggi ako. Mas gusto ko dito na lang para di rin mailang sila nanay. Pero kahit ganoon nahiya pa din ang pamilya ko. Sobrang pasasalamat namin talaga sa mga Montero, kahit kailan di nila pinaramdam sa amin na magkaiba ang estado ng buhay namin. Kakaiba sila sa ibang mayayaman.
Sumama ako kila nanay pauwe ng Sta. Monica, binigyan ako ng dalawang linggong bakasyon ni tita Elena bago ako sumabak sa permanente kong trabaho sa foundation. Dati kasi OJT lang ako sa profiling ngayon sa pagbalik ko sa office permanent job ko na ito. Hay sa wakas makakatulong na din ako sa pagpapa-aral kay Mela. Kahit may trabaho pa si nanay sa baranggay center bilang komadrona iba pa rin kung makakatulong ako sa kanila, eh nag-uumpisa palang yung mga tanim na kape ni tatay. Sana mga mapalago nya talaga. Si kuya naman ayaw na namin obligahin kasi may pamilya na sya.
Work, work, work......ang saya naka-uniform na din ako ng gaya ng mga taga-kaopisina ko! Di ko na kailangan ng orientation dito naman ako nag-OJT, saka same lang ang trabaho ko.....
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomansaHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...