CATTLEYA's POVKahit papano di ako stagnant maghapon, may inutos lang sa akin si ate Alix kanina, ngayon naman para di ako magmukmok sa taas pinag-lagay ako ni manang ng mga butones dun sa mga damit. Marunong naman ako kahit papano ng ganito, naturuan ako ni nanay noon sa probinsya. Ayoko masyadong isipin ang gagawin kong pag-alis bukas, gusto kong ituloy ang paglayo ko sa lahat para makapag-isip ako ng tama. Sa sulat na lang muna ako magpapa-alam kay Dale, di ko sya kayang harapin alam kong di sya papayag sa gagawin ko.
Mabuti na lang at naintindihan ako ni ate Alix, kahit tutol sya suportado pa din nya ako sa desisyon ko. Buo na ang loob ko sa gagawin para bukas, alam kong mahihirapan ako pero wala naman akong choice sana lang may maidulot itong mabuti sa akin at kay Dale na din.
"O bising-busy naman, may dala akong meryenda. Leya kumain ka ha namamayat ka na. Binilhan nga pala kita ng milk tea favorite mo yan alam ko. Sinadya ko pa talagang puntahan yung gusto mong tindahan."
"Thanks dito sa milk tea ate, saka sa pagpapa-stay mo sa akin dito. Ma-mi-miss kita."
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa gagawin mo? Pwede mo pa naman baguhin ang descision mo kung gusto mo. You know Leya if I were you, haharapin ko na lang si Dale. Mas maganda kasing malaman mo ang side nya, from there you can make a fair descision for both of you." si ate Alix
"Mahal na mahal ko si Dale ate Alix, hinding-hindi yun magbabago kahit ano pa ang maging desisyon ko, gusto ko lang munang huminga at mag-isip. Para pag kailangan ko ng gumawa ng desisyon malakas na ako, yung kaya ko ng lumaban para sa aming dalawa."
Inantok yata ako sa sobrang busog, ngayon lang kasi ako nagka-ganang kumain simula kagabi. Malamang din dahil sa halos wala akong tulog magdamag kaya parang namimigat ang mga mata ko. Napansin yata ni ate Alix ang pagpilig sa ulo ko.
"Leya sa taas ka na magpahinga, sobrang puyat mo yan bumibigay ng kusa ang mata mo sa antok. Ako na magliligpit ng mga yan. Umakyat ka na muna." si ate Alix
"Sige ate iidlip lang ako." umakyat ako sa kwarto at nahiga sa kama, para talagang hinihila ako ng antok .....
DALE's POV
Nandito lang ako nakapwesto one block away sa boutique ni Alix, si Inigo at Thalia ang namili ng mga pagkain na dadalhin namin. Si Zeigan naman at si Boni ang nag check ng yate sa Manila Yatch Club. Although well maintain ang yate ng Montero mas magandang makasiguro pa din. Hinihintay ko na lang ang tawag ni Alix para masundo si Leya. Hindi ako papayag na mauwe lang sa lahat ang relasyon namin ni Leya. Alam kong magagalit ang Mama sa gagawin ko pero mas ayokong mawala si Cattleya ng tuluyan sa akin, I know eventually maiintindihan ako ng Mama kung bakit ko ito ginawa. Aayusin ko muna ang problema naming dalawa bago ko harapin si Bianca. Masyadong malaking perwisyo ang ginawa nya hindi pwedeng manahimik na lang ako. Tatawagan ko na sana ang telepono ni Alix ng biglang nag-ring ang phone ko....
"Hello Dale, sunduin mo na tulog na sya..." si Alix
"Sige papunta na..."
Pag-akyat ko sa taas ay nakasalubong ko naman si Alix sa hagdanan at dala na ang mga gamit ni Leya para ilagay sa oto. Bubuhatin ko na sana si Leya pero di ko napigilan na di sya halikan sa labi. Kahit mahimbing ang tulog nya gawa ng sleeping pills na nilagay namin sa milk tea na pasalubong ni Alix kanina, awang-awa ako sa nakita kong mugtong mata nya, nangingitim ang ilalim nito halatang walang tulog. May luha din ang pisngi nya kahit sa pagtulog umiiyak pa din.
Nasa kotse na kame ng kinausap ulit ako ni Alix "Mag-ingat kayo ha, bahala ka na sa kanya. Dale ayusin mo yan, wag mo ng pakawalan yung chance na 'to baka wala ng sumunod pa."
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...