DALE's POV
Kanina lang ay nakuha ko na ang pinaka mahalagang regalo na natanggap ko sa lahat ng nagdaang birthday ko. Kahit siguro ang pinaka malaking selebrasyon sa tuwing kaarawan ko ay di ko ipagpapalit sa kung anong natanggap ko ngayong araw na ito....ang sagot ni Cattleya! Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng tinanggap nya ang alok kong kasal, parehong pamilya namin ang naging saksi sa masalimoot na pinagdaanan para maitawid ko ng maayos ang proposal na'to. But it's all worth it, all the sweat, the tears, the nervousness that I been through, those five days without talking to her intentionally and all the hard works that my team endured. I won't had it other way, sabi nga nga ng Papa mas masarap kainin ang prutas na pinghirapan.
Masayang nagkakainan ang buong pamilya ng Montero at Roco sa Vila ng Subic Bay Resort, sa totoo lang ay ngayon lang ako nagka-ganang kumain simula ng umpisahan ko ang pagpaplano ng proposal ko kay Leya...
"So kelan ang kasal? May date na ba kayong naisip?" si Papa
"Dapat may venue na kayong mapili kapag may date na. Sa mga simbahan at reception atleast six months ang reservation." si Mama
"Well it's up to Cattleya, I'm ready anytime she wants to start planning..." sabay tingin ko sa fiancee ko
"Ha? Agad-agad? Hindi naman kayo masyadong excited noh?"
"Bakit nyo pa patatagalin kung pareho naman kayong nasa estado na ng pag-aasawa. Di ba balae?" si Papa at kay tatay Boy nakatingin
Si tatay Boy naman ang humirit "Para sa akin gayong kayo naman ay pareho ng handa eh tama nga na i-plano nyo na." at nagtanguan ang dalawang ama namin
Nakatingin lang ako entirely kay Leya, alam kong di pa gaanong nagsi-sink-in sa kanya ang nangyareng proposal kanina lang. Pinisil ko ang balikat nya na akbay ko habang magkatabi kaming naka-upo. "So pano? You want to start planning?"
Pinisil nya ang isang kamay ko just to give me warning, alam ko na ang ibig nyang sabihin kaya mas lalo ko syang tinukso sa pag-initiate ulit ng topic para sa kasal. "Ano ba dapat mauna piliin ang date o venue?" sabi ko
Sumagot si nanay Caring "Siempre dapat date muna para mapa-reserve nyo sa simbahan kung saan nyo man gusto, kasi date at oras ng kasal personal choice nyo yun, minsan may conflict kasi may nauna na sa napili nyong schedule. Then venue will follow."
"Tama si Caring, dapat may option kayo para kungdi nyo makuha sa isang simbahan yung date at oras na gusto nyo, may second choice pa kayo na simbahan. Kaya Leya mas maganda na mag-umpisa na kayo ni Dale na mag-prepare, matagal at mabusisi ang preparation ng kasal. Leya....are you with us?" panunukso ng Mama
"PO? Opo Tita mag-uusap na lang po kame ni Dale."
" T I T A???? ANONG TITA? Anong tawag mo sa Mama????" sabay na tili nila Thalia, Alix at Sydney
Sa gulat ko ay nakabig ko si Leya bigla sabay tawa ng mahina sa may tenga nya "Ano daw tinawag mo sa Mama?" napayuko si Leya at para ng makahiyang tumiklop sa pangangantyaw ng buong pamilya
"Hala Leya masama ang tingin ng Mama sa'yo." pangagatong pa ni Zeigan
"Ma, baka naman nabigla lang si Leya. Leya ulitin mo yung sagot mo kanina." si James
"Hindi TITA ang dinig ko na sinabi ni Leya....di ba Leya?" panunulsol pa ni Inigo, halos bumaon na ang pagkakakurot ni Leya sa may binti ko pero imbes na masaktan ako ay lalo lang akong natatawa sa reaksyon nya.
"Ate Ley dapat masanay ka na sa pagtawag sa Mama, sooner or later you're gonna be officially Mrs. Cattleya Montero." hirit ni Sydney
"And start now, dali ulit tawagin mo ang Mama..." ang aliw na aliw na panunukso ni Sam
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomanceHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...