"EVERY MOMENT SPENT WITH YOU IS LIKE A BEAUTIFUL DREAM COME TRUE...."
DALE's POV
It's been a while after the attempt abduction ni Xander kay Cattleya. As we prepare sa mga kailangan para sa isasampa naming demanda laban kay Xander, we discover more about him. May pending case pala ang siraulong yun. Serious illegal detention, assault, serious physical injury along other cases, at babae din ang complainant. May sayad talaga. As for now nagtatago ang gago but not for long. Kumikilos na ang security team ng pamilya at marami din kaming nakukuhang tip ng mga sightings ng mga lugar na pinipuntahan nya. May sa palos lang talaga ang hudas na si Xander.
I decided that Leya must have her own car and driver/bodyguard. Noong una ayaw nyang pumayag, lahat naman kame meron since the day I can remember. But I insisted at napapayag ko din. It's for her own safety since she doesn't want to stop working. I told my family na ako na ang bahala sa security at sa oto ni Leya, she's my girlfriend and she's my responsibility. Yan pa ang isang naging point of discussion at malaking arguments between us. Ayaw nyang ibili ko sya ng sarili nyang oto. Pumayag lang sya na gamitin ang isa sa service van ng Montero Telecom, Papa assigned one of the best driver/bodyguard for her. Iyan ang specialty ng security agency ng Montero Empire. Company ng Papa ang one of the most reliable pagdating sa mga bodyguards. Sa kanya kumukuha ng mga tao na magbabantay sa security nila ang mga kilalang politiko ng bansa, kahit mga artista, business men at mga elite personality. Hindi basta-basta ang training ang pinagdadaanan ng mga ito. Kaya bago sila ma-deploy ay nahasa na sila ng husto.
Hindi naging madali kay Cattleya ang trauma ng attempted abduction sa kanya. Malaki ang naging epekto sa pang-araw-araw nyang ginagawa ang nangyare sa kanya. Pasalamat na lang ake at attempted lang talaga. Naging matatakutin sya at laging nagugulat. We even consult a professional psychologist para maka-cope sya ng maayos. And for now halos okey na sya ulit, I make it a point na alam ko kung nasaaan sya, nilagyan ko din ng tracker ang phone at yung van na ginagamit nya. It's new hindi ko na lang sinabi kasi di nanaman sya papayag. Pinakiusap ni Leya na huwag ng makarating sa mga magulang nya ang nangyare. Ayaw nyang mag-alala pa ang mga ito. Pero pa-sikreto akong nakipagkita kay Tatay Boy isang araw sa Sta. Monica, dun ko sya pinuntahan sa kubo sa taniman ng kape na pinagkaka-abalahan nya. Sinabi ko ang mga naganap sa Manila, siempre sobrang nag-alala ng ama nya pero sinigurado ko sa kanya na hindi na mauulit yung nangyare. Alam din lahat ni tatay Boy ang tungkol sa sasakyan at bodyguard na naka-talagang magbantay kay Leya sa tuwing lalabas sya ng mansyon ng mga Montero.
As we are in the car, "Baby, I will be flying to Japan, birthday ng wife ng isa sa supplier ng mga parts ng aircraft. I want you to go with me. Mag-side trip na din tayo, para maka-pasyal, maka-relax at magtanggal ng stress." hawak ko ang isang kamay nya habang nagmamaneho ako
"Ah baka di pumayag si Tita Elena, besides i have work."
"I just want to know your answer kung gusto mong sumama. Kung ayaw mo di na lang ako bi-byahe di na ako tutuloy."
"Hala ka, okey lang naman na dito lang ako, nakakahiya naman dun sa business partner mo kung di ka a-attend don."
"Isang tanong isang sagot, sasamahan mo ba ako pumunta ng Japan o hindi."
"What if hindi?"
"Eh di hindi ako aalis, wala akong kasama eh..."
"Dati ka namang umaalis na walang kasama..."
"Dati yun, iba na ngayon!"
Bigla syang nagwalang-kibo at nakatingin lang sa kalsada. Nag-iisip ito alam ko, kabisado ko sya. Para pa din syang bata na madaling pasunurin. Kahit kelan ayaw nyang maapektuhan ang negosyo ko, kung may magagawa sya para makatulong uunahin nya yon kesa sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
Storie d'amoreHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...