DALE's POV"Don't you ever go near my girlfriend from now on!!! Alam na kita. I knew it from the start....!" cursing Xander at the top of my lungs "Sino ka para pagbawalan akong lapitan si Leya! Girlfriend? Boyfriend ka nya? Boyfriend lang pala eh.....Kahit asawa ka pa nya. Kaibigan ako ni Leya.... wala akong pakialam sa'yo!" si Xander
Di na ako nakapag-pigil pa at sinugod ko na ng sapak. Walang nagpadaig kahit na sino sa aming dalawa ni Xander pero mas agresibo ako sa kanya dala ng matinding galit ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa launch palang ng RTW event ni Alix kung saan rarampa si Cattleya na isa sa model ng mga damit. DI ko alam na tutugtog ang banda nila Xander habang rumarampa ang mga model. Sa pagpasok ni Cattleya sa ramp ay saka tumugtog ang kantang Darna na kinanta noon ni Xander para kay Leya. Doon pa lang kumulo na ang dugo ko, at nadagdagan pa yun ng bago mag-exit si Leya ay inabutan pa nya ng one long stem red rose. Sinong matutwa sa ganoon?
Kanina nagtitimpi pa ako kaya kinausap ko naman ng maayos nung una pero talagang nakaka-sagad ang kagaspangan ng ugali ng tarantadong 'to. Hindi ganito ang pakiharap nya sa iba kaya buong akala ko ay matino ko syang makakausap. Pero wala palang modo ang isang ito, kaya sumabog na ako , nakakapikon kaya pinatikim ko ng isa. Gumanti at nagpang-abot na talaga kame at iyon ang naabutan ni Leyang eksena dito sa isang kwarto sa venue ng launch.
Nagkagulo na nga at inawat lang kame. Abot-abot ang pigil ni Leya sa katawan ko, nandoon na din ang mga kapatid ko sa kwarto para tumulong sa pag-awat. Sarap talagang basagin ng mukha. Alam kong tama ang hinala ko, iba talaga ang kutob ko sa gagong 'to.
Umalis na kame sa venue at nagpunta sa after party, ayoko na sanang tumuloy kaso alam kong mas madadagdagan pa ang atraso ko kay Cattleya pag di kame sumama. Di nga halos kumikibo kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay nya kanina nung nasa oto kame. Ngayon nga ni hindi ako kumukurap kasi alam kong andyan lang sa tabi-tabi si Xander.
Yakap ko si Leya sa may leeg nya para di makalayo sa akin, alam kong nagtatampo 'to dahil nakipagsuntukan ako kaya panay ang lambing ko. Maya-maya papaalam na ako kay Zeig gusto kong makausap si Cattleya ng kame lang. Ayoko ng ganito kame, alam kong may mali sa ginawa ko pero ipapaintindi ko sa kanya kung bakit ako nakipag-sapakan kay Xander.
Nakapag-paalam ako kay Zeig ng patago kaya niyaya ko si Cattleya na lumabas na at dinala ko sa kotse. Di ko na tinanong kung san nya gusto pumunta basta pinaandar ko na lang. Dito kame nagpunta sa isang open soccer field kung saan ako madalas mag-jogging pag hindi sobrang busy sa office.
"About what happen sa launch.... i'm sorry sa nakita mo but i'm not sorry na sinapak ko yung gagong yun." habang hawak ko ng madiin ang manibela ng oto
"That was so childish Dale, kung ano man yung pagka-disgusto mo sa kanya sana di mo na lang idinaan sa init ng ulo. Nakakahiya sa mga kapatid mo." si Leya "Disgusto? Hindi lang disgusto ang issue dito Cattleya, ginagago ako ng tarantadong yun.""Ano ba talagang nangyare, bakit nauwi kayo sa pisikalan? Alam kong naiinis ka sa kanya pero sana pinagpasensyahan mo na lang." ang naiinis na tugon ni Leya
"Pasensya....sinagad nya yung pasensiya ko eh. Maayos kong sinabi sa kanya na hindi ko nagustuhan ang pag-aabot nya ng bulaklak sa'yo kanina habang rumarampa ka sa stage. Sinabi kong palalampasin ko na lang pero dapat huli na yun dahil girlfriend na kita. Pero anong sinabi nya sa akin.....WALA SYANG PAKIALAM NA GIRLFRIEND KITA.... KAHIT ASAWA PA DAW KITA. Sinong di mapipikon di sinapak ko para matauhan."
BINABASA MO ANG
Capt. Dale Raniel Montero : ( The Snob ) Montero Brothers series # 1
RomansaHindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at kadalasan pa ay purely sex lang ang mga ito. FUBU kung tawagin ng mga millenials. Ang alam ng marami...