Kabanata 1
"Manang Lydia, baka naman po pwede niyo pa kaming pagbigyan kahit isang linggo pa?" pakiusap ko.
"Hay naku, Satin! Hindi na natapos 'yang linggo na 'yan, puro nalang kayo pangako! Kailangan ko na 'yang pera na 'yan!"
"Magbabayad naman po kami, e. Sadyang gipit lang kami ngayon dahil isinugod sa hospital si Sam,"
"Ah, basta! Magbayad kayo! Dahil kung hindi, palalayasin ko na kayo at pauupahan ko sa iba 'yang bahay ko!"
Nang makaalis si Manang Lydia ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Lumapit ako kay Mama na ngayon ay hawak ang kaniyang sintido, bakas sa mukha nito ang pagiging problemado.
"Ma..."
"Nak," lumipat ang tingin niya sa akin. "Wala ng natira sa perang binigay mo sa akin noong isang linggo. Malaki kasi ang binayaran natin sa hospital, may mga utang pa rin tayong binayaran ko,"
"Hayaan mo na, Ma. Gagawa nalang ako ng paraan,"
"Pasensya kana, nak. Hindi na ako makahanap ng trabaho para makatulong sana, wala na kasi talagang tumatanggap sa akin. Gustuhin ko man sana na malinis ang pangalan ko, wala naman tayong pera para sa abogado na 'yan. Hay naku, bakit ba ganito ba ang buhay natin..."
"Ma, okay lang. Ako na po ang bahala," sabi ko na may determinasyon.
Napansin ko ang pagkabahala sa mata ni Mama. Isang nag-aalab na pagnanasa na muling makahanap ng kaginhawaan, ngunit nahahadlangan ng mga pagsubok.
Simula nang namatay si Papa, si Mama na ang kumikilos para mabuhay kami. Natigil lang dahil natanggal siya sa trabaho, napagbintangan siyang nagnakaw. Simula noon, hindi na siya tinatanggap sa mga pinaga-applyan niya. Wala akong choice kundi ang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho.
Bumalik ako sa club na pinagt-trabahuhan ko. Ilang linggo na rin akong tumigil pero kailangan ko ng malaking pera. Ito lang ang trabahong madali akong makakakita ng malaki-laki ng isang gabi lang.
"Welcome back, Satin!" mainit na pagsalubong sa akin ni Ma'am Eurie. "Bakit naman ngayon ka lang? Akala ko, sumama kana kay Mr. Morfeo,"
I swallowed hard at the thought of that man. Siya lang ang lalaking nagbigay sa akin ng malaking halaga ngunit hindi ako ginalaw. Sana talaga at makita ko siya ulit para muli akong makapagpasalamat. Malaking tulong sa amin ang binigay niya.
"Madalas ba siya rito?" tanong ko.
"Hindi, e. Iyon ang una't huling bisita niya rito. Big time 'yon. Nakarami ka ba?"
Tumango ako. "Big time nga siya,"
"Sa pustura ni Mr. Morfeo, siguradong mapapatirik ka talaga. Nakailang rounds kayo?" mapaglaro ang tono ng boses nito.
Umiling ako. "Walang nangyari sa amin, Ma'am Eurie,"
Gulat niya akong tiningnan. "Ha? Wala? Etchosera ka!" sabi niya.
"Hindi. Nagsasabi ako ng totoo, Ma'am Eurie,"
"Totoo ba? Gaya ni Mr. Chua, mukhang bet na bet ka rin niya. Sigurado ka ba talaga riyan?"
Tumango ako. "Wala nga. Binigyan niya lang ako ng pera pero hindi niya ako ginalaw,"
Napuno ng pagkamangha ang mukha niya. "Talaga?"
Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin alam kung bakit niya iyon ginawa. Hindi naman kasi magsasayang ng oras at pera ang isang lalaki sa amin kung wala silang mapapala.

YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romansa(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.