MY BOY BESTFRIEND 1

1.9K 45 9
                                    

Tulala ako habang hinihintay ang reply ng crush ko. Scroll lang ako ng scroll ng may isang mensahe ang nag pop sa messager ko.

Andrie: Raine!

Napasimangot ako ng galing lang pala iyon kay Andrie sa aking boy bestfriend. Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa'king mga labi.

Ako: yes, babe?

Natawa ako sa reply ko sa kaniya.

Andrie: luh. Parang tanga ka.

Ako: ang sakit mo namang magsalita, babe. Anong sasabihin mo sa'kin babe?

Andrie: wala lang, babe. Jwk!!

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo pang ngumisi.

Hanggang sa school ay ganun ang tawag ko sa kaniya habang siya ay tahimik lang at walang imik, hindi naman siya nagagalit kaya patuloy lang ako sa pagtawag ko sa kaniya ng ganun.

Habang nasa bench kami at kumakain ng recess kasama ang iba ko pang kaibigan kinausap ko siya.

"Babe, sabay na tayong umuwi mamaya ha. Wala kasi akong kasama." sabi ko at sumimangot.

"Eh palagi naman talaga tayong magkasama sa pag-uwi eh" sabi niya kumagat sa burger. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Hoy, kayong dalawa sabihin niyo nga sa'min kung mag-jowa kayo. Halos buong classroom curious kung anong nangyari sa inyo!" sabad ni Diana.

"Akala ko ba mag-bestfriend lang kayong dalawa! Eh, bakit may pa babe-babe ka pang nalalaman diyan, Raine?!" mataray na tanong sa'min ni Aicelle.

"Bakit bawal bang magka-cs ang mag-bestfriend?" balik kong tanong kanila.

"Manahimik na nga lang kayo diyan. Si Raine lang naman ang maraming kaeng-engan sa aming dalawa eh" agarang rason ni Andrie. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Manahimik ka nga diyan, babe. Hindi mo na nga ako tinatawag sa cs natin tapos sasabihin mo pa sa kanila ang totoo!" padabog akong kumain at hindi na siya pinansin.

"So, ibig sabihin hindi naman talaga kayo?" tanong ni Aicelle.

"Oo. Mag-bestfriend lang naman kami ng bruhang 'yan" napairap ako dahil sa sagot niya.

"AYYYIIIEEREHHH!!! PERO PWEDE MAGING KAYO! BAKA MA-FALL KAYO SA ISA'T ISA HA!" kinikilig na sigaw ni Kryzcelle na kanina ay nakikinig at tahimik lang.

Napatingin kami ni Andrie sa isa't-isa at napangiwi.

"NEVER!" sabay naming sambit.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon