MY BOY BESTFRIEND 38

475 29 1
                                    


Kumalas ako sa pagkakayakap niya at mahinang natawa kahit sa kaloob-looban ko ay ramdam ko ang kaba at saya dahil sa sinabi niya. Kaso totoo ba ang sinabi niya.

"Adik ka ba? Anong pinagsasabi mo?" Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba. "Andrie, kung prank lang 'to, bubugbugin talaga kita!"

Pero imbes na sabihin niyang 'it's a prank' ay seryuso lang siyang na nakatitig sa akin.

Natuptop ako sa kinatatayuan ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. I bit my lower lip and become emotional.

Pinigilan ko ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Ibig sabihin pareho tayong naging manhid. Pareho tayong naging tanga." Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko.

This is my last year in this school and it feels like I need to let go my feelings too. Handa na sana akong tanggapin na hanggang magkaibigan lang kami dahil ramdam ko 'yon eh. Handa na sana ako na umalis na walang babauning feelings sa kaniya.

Nanatili lang kami sa hallway na 'yon kahit na alam naming may dalawang subjects pa kami. Pareho kaming tahimik na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Walang estudyante dito dahil lumang mga kwarto lang ang nandito kung saan tinatambakan ng mga lumang papel.

"Hindi ko alam na may nararamdaman ka rin pala sa akin." Mahina akong natawa. "Hindi ko alam na may nararamdaman ka rin pala para sa akin. Pero hindi ka ba natakot na baka masira ang friendship natin dahil lang sa nararamdaman mo? Kasi ako, oo. Natakot ako na baka maging rason na 'to ng pagkasira nating dalawa."

"That's why i didn't tell you about my feelings. I realize what will happen if I confess. But I don't want to pretend anymore." He held my hand. "And I didn't know that you have a feelings too. Akala ko ako lang kaya natakot ako."

Muling namutawi ang katahimikan sa aming dalawa hanggang basagin ko ito.

"Ano nang plano mo?" Ngumiti ako at tumingin sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ay seryuso na siya ngayon.

"Liligawan kita at hindi ako makakapayag na hindi mo ako sasagutin ng 'oo'."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon