MY BOY BESTFRIEND 14

582 33 0
                                    


"Sana tinanggap mo nalang kanina ang inalok kong panyo."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi pero napalitan din agad ng mahinang hagikhik dahil sa sinabi niya.

"Ay parang baliw! Parang gano'n lang tapos hindi kana mamansin?" Hindi ko na napigilan kaya mas lalo akong natawa. Pero napatigil ako sa pagtawa nang nagsimula siyang maglakad.

"Oyyy---ooy! Sa'n ka na naman pupunta? Kanina kapa walk out ng walk out! Hindi ko na nagugustohan ang palagi mong pag-wawalk out!"

Hinawakan ko ang braso niya at pinaharap. Nagtama ang mga paningin namin at napansin ko ang kakaibang emosyon na nasa mga mata niya.

"Andrie, may problema ba tayo?" Mahinang tanong ko habang nakatingin pa rin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Oo, may problema nga pero walang tayo!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya pero may parte sa puso ko na parang may malalim pa itong kahulugan.


"HOOOOOYYYY!!! RAINE, NAKIKINIG KABA? KANINA PA AKO KUDA NG KUDA RITO PERO PARANG WALA LANG SA'YO!" Sinamaan ko ng tingin si Francine dahil sa pagsigaw niya sa'kin. " 'WAG MO 'KONG SAMAAN NG TINGIN, RAINE! NAPAPAGOD NA AKO DITO SA ACTIVITY NATIN ,PERO IKAW KANINA KA PA LUTANG!"

Kinuha ko sa kaniya ang papel at sinagutan ang bawat tanong sa papel. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng activity sa science at partner kami ni Francine. Hindi na kami nakapagpili pa ng magiging partner namin dahil si Sir na mismo ang ginawa ng list kung sino ang magiging partner namin.

Habang sinasagot ang mga questions na nasa papel ay napadpad ang mga mata ko kina Andrie at Ishi na magkasamang sinasagutan ang papel. May pinag-uusapan sila na hindi ko rinig pero kita ko kung paano ngumiti ng palihim si Ishi. May kung ano sa sarili ko na parang naiinggit dahil hindi ko ngayon partner si Andrie.

"Tama na 'yan, Raine, baka masaktan ka lang." Napabalik ako sa pagsusulat ng magsalita si Francine sa tabi ko.

"Anong masasaktan ang pinagsasabi mo d'yan? Tulungan mo na lang ako rito." Sabi ko pero ngumiti lang siya ng nakakaloko bago sinalin ang atensiyon sa papel namin.

Sa huling pagkakataon ay pasimple kong tiningnan sina Andrie at Ishi na nakangiting sinasagutan ang papel nila, mapait akong ngumiti at binalik  ang atensiyon sa papel namin ni Francine pero laking gulat kong makita si Francine na nakangisi sa akin.

"Sabing tama na at masasaktan ka lang eh!"

Napailing na lang ako at mahinang natawa dahil sa sinabi ni Francine.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon