MY BOY BESTFRIEND 10

667 32 2
                                    

Natatawa akong napabalik sa upuan ko ng pumasok ang teacher namin sa ikalawang subject. Kalahati palang kasi ng buhok ni Hannah ang natarintas ko.

Napatingin ako sa direksyon nila at kitang kita ko kung paano sumama ang timpla ng mukha niya. Habang si Ajee at Claire ay tinali na ang mga buhok na kanina ay sinusuklay nila.

Mabilis lang natapos ang klase namin at nag-ring na ang bell hudyat para sa recess.

Tinapos ko munang tirintasin ang buhok ni Hannah at dumiretso na sa canteen para bumili ng makakain.

Pagdating ko sa canteen ay nalula ako sa dami ng estudyanteng nag-sisiksikan para makabili ng makakain.

Nawalan ako ng gana dahil alam ko ng mahihirapan ako sa pagbili ng pagkain. Dumiretso na lang ako sa bench kung saan palagi kaming tumatambay ng mga kaibigan ko tuwing recess time.

"Oh, Raine. Nasa'n pagkain mo?" Bungad sa'kin ni Aicelle na may hawak na turon.

"Marami ng tao sa canteen mahihirapan lang ako."

Pinasadahan ko sila ng tingin. Nando'n na silang tatlo pero wala pa si Andrie.

Umupo ako sa tabi ni Kryzcelle at humingi ng kunti sa swakto niyang royal.

"Hoy, Raine. Akin 'yan eh!" Reklamo niya at inagaw sa'kin ang inumin niya pero inirapan ko lang siya.

"Pahingi." Sabi ko Kay Diana at kumuha ng dalawang piraso ng piatos na nasa mesa. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ano?"

"Hindi mo tinarintas ang buhok ko kanina." Nakasimangot na sabi niya ngumiti lang ako sa kaniya.

"Next time!"-ako.

"Puro ka nalang next time, hindi mo naman tinutupad." Tinawanan ko lang siya.

"Nasa'n pala si Andrie?" Tanong ko sa kanila pero nagulat ako ng may biglang naglapag ng C2 at Burger sa harapan ko.

Tiningala ko kung sino iyon, ngumiti ako pero napalitan din iyon ng iritasyon.

"Bayad mo dahil hindi mo kinukwento sa'kin kung ano ang pinag usapan niyo ni Ishi? I know." Kinuha ko ang dala niyang pagkain at kinain iyon.

"Hindi. Baka magutom ka, hindi ka pa naman nilibre ni Hannah. Dapat nagpapalibre ka kapag nagpatarintas sila ng buhok sa'yo." Sabi niya at pinalipat si Kryzcelle sa dulo ng mesa para tumabi sa'kin.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon